Tinta

Tinta

 

Maraming nagsasabing may pagkakapareho ang istilo namin ng pagsusulat ni maestro Bob.At marami ring nagsasabing gaya-gaya ako ng istilo nila sr.Lourd at sir.Nick joaquin na hindi ko naman maitatanggi.Ayun ang isang problemang hindi matatakasan ng mga may iniidolo,ang tumakas sa anino ng panggagaya.At inaamin ko,Oo.May inpluwensiya nila ang istilo ko.Kasi tingin ko,ayun ako habang pinag-aaralan ko pa kung paano gumawa ng sarili kong istilo.At kahit na nagustuhan ng iba ang mga sulat ko,Tagalog o Ingles e alam kong marami pa rin akong mali dun.At kung meron mang magtatama ng grammar,spelling o format ng sulat ko,ayun ay taos-puso kong tatanggapin.Wala naman sigurong masama sa pagtanggap ng pagwawasto ng iba na mas may alam sa akin sa mundo.At alam kong nagsisimula pa lang ako.noob,rookie,baguhan.Tanggap ko yon.

Tingin ko rin,hindi kailangan ng mataas na pinag-aralan para makapagsulat ka,hindi ito required.Kung gusto mong isulat ang mga saloobin mo na hindi mo masabi,gawin mo.Hindi hadlang ang mababang natapos mo para hindi mo na hawakan ang panulat at hayaang sumayad ang isip sa papel.Marami rin namang mga sikat na manunulat ang hindi nakatapos ng kolehiyo e.

Pero tandaan mo na ang kakayahang makapagsulat ay isang kapangyarihan,At sabi nila kaakibat ng kapangyarihan ang isang responsibilidad.Ihalintulad mo ito sa isang baril at ang mga salita ang bala nito.Tandaan mong salita ang pinakamasakit na sandata na pwedeng gamitin ng tao.Pwede mong ipagtanggol ang sarili mo o ang iba pero pwede ka ring makasakit.At tulad ng baril,nakasalalay yon sa nagmamay-ari o gumagamit.Sa pagsusulat kasi pwede kang maka-apak ng paniniwala at opinyon ng iba.Tandaan mong hindi lahat ng tao pwede mong mapasang ayon,ganon yon.

May nakapag-tanong na rin sa akin kung ba’t daw ba ako nag susulat?.Para magkapera? o para sumikat?.Ang totoo walang gaanong pera sa pagsusulat,di ka yayaman dito lalo kung baguhan ka pa lang.Kung gusto mong magkapera at yumaman,hindi ang pagsusulat ang para sayo.Hindi ka rin masyadong sisikat dito( mas madali ka pa ngang sisikat kung bi videohan mo yung sarili mo habang sumasayaw sa kalsada o nagiinles ng mali-mali)Hindi madaling sumikat sa pagsusulat lalo na kung gagamit ka pa ng pseudonym o hindi love story,fiction,comedy o horror ang genre mo.Walang royalty.Sapat na yung suporta ng mga mambabasa,Kaunti man o marami.Ang mahalaga may nagising kang paniniwala sa isip nila na natutulog lang sa isang sulok ng kanilang utak.

Advertisements

HOY IKAW!

Hoy ikaw magbasa ka

 

Wala lang,isinulat ko lang yung title na nasa taas para makuha ang atensyon mo.Alam mo bang ayon sa NSO 97.5% ang literacy rate ng Pilipinas.Pero sa 97.5% na to,bibihira lang ang mga mahihilig magbasa.Literado pero di nagbabasa?aba ewan ko sayo.Minsan kasi mas tinututukan pa natin ang tatlong oras na panonood ng palabas kesa sa pagbabasa ng textbook o nobela.O kaya kung may panahon man tayo e dun lang sa mga libro tungkol sa lovelife,mga poging vampire na naiinlab sa tao o kaya sa panget na gumanda.Tignan mo,Bibihira lang ang mga nagbabasa ng akda ni rizal.Karamihan pa dito e tuwing ipapabasa lang ng guro gaya ng mga textbook na inaalikabok lang sa bahay.Bakit? dahil tinatamad tayo? dahil ba hindi ito lovestory?,horror o comedy?.Tamad lang ba talaga tayo magbasa? kaya ba marami pa rin sa ating ang tumatawid at namamatay sa kalsada kahit na may babala nang “Bawal tumawid nakamatay” dahil tinatamad tayong magbasa? Para saan ba ang pagiging literado? ang magkaroon ng kakayahang bumasa ng txt message gaya ng “4rhuy K0 bh3″ o status sa fb ” mahal ko may ari nito- hacker” para dun ba yon? Sabi ni BOB ONG,”wala nang nakaka awa pa sa mga taong literado pero di nagbabasa”.Ikaw, di ka ba tinamad sa pagbabasa nitong pagkahabahaba na post ko na wala namang kwenta? hindi? aba kung ganon e mabuhay ka!

Wow Ah!

Wow Ah!

Game,kunyare segment ulit.Naalala ko nun nung may napanood ako sa balita tungkol sa isang artistang nagsabing ” Why do we have to baby these informal settlers?” Makatwiran? Oo.Dahil ayon sa Isang batas na binigyang bisa ng dating pangulong marcos nuong 1975,ang Presidential Decree No.772 Squatting under PD 772 was clearly a criminal undertaking as Section 1 of the decree states… , ay ang batas na naghihigpit o nanghuhui sa mga informal settlers.Syempre,masama nga naman ang gumamit,umangkin at tumira sa isang lugar na hindi nila pagmamay-ari at mas lalo kung wala pang pahintulot ng may-ari o gobyerno.Kaso nga lang ang batas na ito ay na revoke na,ibig sabihin napawalang bisa na nang magkaroon ng bisa ang Republic Act No. 8368, na nag re repeal sa PD 772.Sa isang banda,medyo may sabit ang komentong “why do we have to baby them?”.Dahil ang iba sa mga informal settlers na ito ay biktima ng hindi pantay-pantay na sistema ng lipunan.Kung saan yung mga mayayaman lang ang mas lalong yumayaman at dumarami ang bahay at mga mahihirap ang mas lalong humihirap.Paano ka nga ba magkakaroon ng sariling lupa sa bansa kung ang sinasahod mo e sakto o tama lang para sa pang kaen ng pamilya mo?.At sabihin man nating tumaas ang GDP ng 7.1% o dumami ang mga nag invest sa bansa. sino ba ang mas lalong naapektuhan nito? ang mga mahihirap na informal settlers na nagtitinda ng kakanin? o ang mga may ari ng mga malalaking kompanya? aba ewan.Bahala kayo basta ako,kakain na lang ng siopao. 🙂

Trulalove!

Trulala

 

 

Ahem! game? ok,isipin mo na lang na isang segment to sa t.v kung saan ako yung host ok?,rolling na ba tayo? good.
Ang title ng segment na ito ay ang TRULALOVE.Marami pa rin sa atin ang naniniwala sa Forever.Maraming nag hahanap ng tunay na pagmamahal.Pero ang totoo Forever doesn’t exist,ewan gawagawa lang siguro to ng mga hipster na nag imbento rin ng to infinity and beyond.FOREVER? e halos lahat ng bagay sa mundo may hangganan?FOREVER? sa mundong ito kung saan ang attention span ng syota mo sayo ay hanggang 1 month lang? FOREVER? kung saan ang lahat e may Expiry date? lintik forever? oo siguro yung bansa natin,Forever mahirap.

Pero ayokong basagin ang trip mo.Actually,wala mang Forever e meron namang growing old together at nangyayare lang yun sa mga taong marunong talagang magmahal.Kasi sa panahon ngayon, sa pisikal o pablabas na anyo tayo na-aattract.Mas malala pa nga ngayon e,kasi yung iba naiinlab sa galing pumorma,dami ng likes sa fb at ewan bahala na kayo.Pero paano mo nga ba mahahanap ang sinasabi mong FOREVER kung nandyan na e humahanap ka pa ng iba? bakit? hindi pogi? hindi maganda? konti ng likers? hindi peymus? at harinawa saan ba nanggaling ang salitang PEYMUS na yan? mas mataas ba ang halaga nito sa diploma? tataas ba ang reputasyon mo pag inilagay mong peymus ka sa Resume mo? at anong meron sa dami ng likes? sa porma? a ewan.Kung Naghahanap ka ng magaling pumorma, edi sana dyinowa mo na lang yung mga manequin sa mall?.At paano mo makikita yung tamang tao para sayo kung mismong ikaw e hindi alam kung tamang tao ba para sa kanya? o paano mo mararanasan yung sinasabi mong forever kung masyado kang choosy? bahala kayo.alam ko naboring kayo.pero alam ko na nakuha ko ang atensyon niyo sa maikling status na to kaya ….ACHECHE! to Infinity and beyond 🙂

P*tang In* Brown Out!

Brown outNakaka-inis naman talaga diba?.Buwan buwan nagtataas ng singil pero ambagal namang magbalik ng serbisyo?,mapapa “P*tang in* brown out ka na lang e.
Sa panahaon pa naman ngayon,parang lahat ng gawain ng tao e nakasalalay na sa kuryente.Di ka malilibang pag walang t.v,dvd o Computer,Tatamarin ka ring mag laba pag walang washing machine o kaya mabobored ka pag wala kang kausap dahil nga walang internet at di mo ma charge ang cp mo,kaya mapapa “P*tang in* brown-out!” ka na lang talaga e.
At dahil nga “P*tang in* brown out!” e hindi ko rin ma i post yung mga isinulat ko kaya tatlong araw din akong naghanap ng ibang paglilibangan.Pati mga computer shop at tindahan walang kuryente kaya wala ka ring malamig na maiinom para mapalamig ang ulo mo at tumigil ka na sa pagsigaw ng “P*tang in* brown out!”.
Pero isa lang ang inirereklamo ng mga tao, iyon e yung hindi nila napanood ng tatlong araw yung palabas ni Ding Dong Dantes sa t.v dahil nga “P*tang in* brown out!”

Anak ng Pila!

Anak ng Pila

 

Setyembre nung nakaraang taon ng mag apply ako ng trabaho sa isang warehouse.ipinasa ko ang resume sa gwardya at naghintay saglit sa labas ng gate.maya-maya lumabas ang guard at nagsalita ng “tatawagan ka nalang nila hintayin mo na lang”.Naniwala ako kaya umuwi ako ng bahay,hoping na may tatawag nga.minuminutong pasilip-silip sa cellphone kung may nag txt man lang mula sa kanila pero wala.Siguro nga TATAWANAN na lang nila ako..
Nag apply ulit ako,this time sa isang restaurant naman.Dahil talagang kailangan nila ng  tao at ako ang unang pumunta para mag apply e ininterview agad ako ng manager-on the spot.Tinanong niya ako ng mga tanong na karamihan ng sagot eh nasa resume ko.tumagal ng 30 minutes ang interview at inabutan niya ako ng papel-mga requirements ang  nakasulat:

*NBI clearance
*SSS number
*Tin number
*PAg-ibig mid. number
*Philhealth
*baranggay clearance
*Medical
*Diploma
Lahat napasa ko.ang pinaka mahirap makuha?? Ang NBI at Medical.
Sa Nbi,kailangan alas kwatro pang ng madaling araw eh nakapila ka na dahil halos araw araw e aabot libo ang kumukuha ng nbi clearance.araw araw nagsisiksikan sa pila ang mga taong kukuha ng clearance na karamihan e taga ibang lugar pa.pipila ka sa cashier upang mag bayad at pipila ka sa encoding at kapag wala kang maipakitang valid i.d,pipila ka naman sa kabilang building parakumuha ng cedula.pila sa encoding pila sa biometric tapos ang maririnig mo lang e “sir sa November 12 nyo pa makukuha ang certificate nyo” nakaka asar na sistema,Anak ng pila
Sa pag kuha naman ng medical.kakabahan ka sa magiging resulta lalo na kung smoker,alcoholic o may history ka ng t.b dahil kapag hindi “Physically fit” ang inilagay ng doctor e masasayang lahat ng pagod,effort at gastos mo.
First day of work-excited ipinakilala agad ako sa mga magiging co-workers,manager at boss ko.Sinabi rin sa akin kung ano ang mga rules aand regulations ng kumpanya.
Service crew ang trabaho pero all-around and gawain akala ko madali lang yun.Unang araw ng trabaho pinapunasan agad sa aking ng manager ang mga glass wall at lamesa,pinagbuhat ng cake,pinagserve ng meal at pinag ayos ng upuan.tagak-tak ang pawis,aircon ang lugar-sobrang nakaka Pneumonia.Ganito pala ang nagtatrabaho sobrang nakakapagod
noon ko lang naranasan ang umuwi ng disoras ng gabi dahil sa palagi at madalas na overtime at sumakay sa jeep na medyo papikit na ang mata.Pag uwi sa bahay,wala na akong oras para kumaen o libangin man lang ang sarili nakaka stress..ipinipikit ko na lang ang mga mata ko mara matulog..

kinabukasan alas sais palang gising na ako.si pwedeng ma late.kailangan maaga ng hindi madismaya ang mga boss ko at hindi rin makaltasan ang sahod.umaalis ako ng bahay na kape at kapirasong pandesal lang ang laman ng tyan.Hindi ko na nararamdaman ang Gutom siguro dahil na rin sa pagmamadali.Naranasan ko tingmakipaghabulan sa jeep sa twing maiiwan at makipagsiksikan sa mrt para mauna sa pila.araw-araw ganito ang nangyayari.Habol ng habol.

Pagdating sa Trabaho,tinutulugan ko agad si manong guard na iangat ang mga takip na bakal ng glass wall para mabuksan ang store.walang pahinga ayos agad ng mga diplay at lampaso ng sahig.busy rin yung mga katrabaho sa paglilinis ng kusina at counter.nang mag si datingan ang mga customer pinag serve ulet ako ng meal ni manager.limang buwan ganito ang gawain.

pero syempre di laging mahirap ang nangyayari dahil dumadating din ang masasayang araw gaya ng PAYDAY!! at dahil ATM na ang sistema ng pagkuha ng sahod di mo na kailangan pumila ng mahaba para lang makuha ang payslip mo..

Expectations ko bago sumahod:
Bibili ako ng bagong Damit,sapatos,pantalon at cellphone tapos yung iba ibibigay ko sa magulang ko

Ngunit magka-iba pala talaga ang expectations sa reality.Maling mali yung prenidict ko..sobrang layo-bakt?? dahil napunta yung pambili ng damit,sapatos,pantalon at cellphone sa bayarin sa bahay.

Oh Em Gee!! talagang OMG!

Oh em gee

   The return of the kolehiyala and her comment to those bashers and young parents

   Why they’re so stupid to didn’t even understand me ?.You can’t blame me if i made a comment to those street vendors and pa sossy brats cause’ it’s so true naman talaga e,diba?.Tapos many of them will post on my fb timeline like “Comment pa more””Ang Arte mo teh””inggit ka lang” or even bully me on social media. Duh!,Is it wrong to tell the truth?.Diba dapat mas naiinis kayo to those senators on t.v that defending themselves over the allegations on the pork barell scam?.This is why our country remain so poor eh,kasinaman many of us ignore this kind of problems.

    Tignan mo ,in many problems in the world mas pinapansin pa nila yung problems nila sa lovelife or other’s love life.This is why our populations getting bigger every year eh kasi even those teen-agers are getting involved.Diba kaya maraming nagiging batang ama at ina because of that Love?.Kasi naman,many of the programs on t.v are so stupid e,they’re airing some programs that does not suitable for minor audiences tapos they air it on a regular timeslot where kids and teeners used to watch,diba?.Tapos these Minors immitate all the scenes that they’ve watched even those scandalous love scenes.Diba?,Look what happened to those Batang ama and batang ina?.Some of them didn’t even finish their highschool right? So how the hell could they find a decent job?.Buti ba kung anak sila ni Henry sy kaso hindi e,Some of them came from a poor families that belongs to the informal settlers.So what now?,They will siksik themselves on their parent’s small house? How the hell could they feed their child? Iasa sa magulang?,breast feed or whatever?, How could they afford a better future for their own family if they can’t even afford to buy their own foods?,diba?.And these Teens will tambay tambay lang on the kanto waiting or begging someone to give them money or sometimes pag-gipit na gipit na,they do an illegal acts like stealing or burglary just to have something to eat for one day? .

    Diba?,Instead of Giving attention to your lovelife or whatever you call it,why not give attention to your grades?,So you can have a better future someday,you can even afford to have many child you want (not wives ha?) diba?.