Isang araw na galaan

Isang araw

Ang tagal umalis ng sinasakyan kong jeep,hinihintay pa atang mapuno bago kami umalis,anong oras na malilate na ako.”Stop and Shop,JRU,Quiapo” ang lakas ng sigaw ni Manong pwedeng ipang gising sa mga natutulog na konsensya ng mga mambabatas sa senado.Unti-unting napuno ang sasakyan-sa wakas mukhang makaka-alis na kami.Pero,Langhiya! Nagtawag pa rin si Manong kahit siksikan na kami sa loob.Gusto ata pati bubong upuan din ng mga pasahero.Maka lipas ang ilang minuto binuksan na rin ng driver ang makina,umpisa na ng byahe.
Dumaan ng lourdes,V-mapa at stop and shop tapos paakyat ng tulay ng recto pero bago pa kami tuluyang maka aakyat e tumigil ang sasakyan.Pinababa kami ng driver dahil nasiraan daw siya.Gusto ko sanang itanong kung sinong may sira, Siya ba o yung Sasakyan.Badtrip at dahil konting oras na lang ang natitira e nilakad ko na lang yung pupuntahan ko tutal malapit na rin naman-mga tatlong kalye pa.
Malayo pa lang e tanaw ko na yung unibersidad na pupuntahan ko kaso sinalubong naman ako ng mga estudyanteng nagrarally at sumisigaw ng “Ibaba ang Tuition!!!”.Dumaan na lang ako sa kabilang kalsada para maka-iwas.Mahirap na,may mga pulis pa namang kung sino-sino lang yung dinadampot para hulihiin.Dumiretso ako sa registrar upang magtanong tungkol sa Entrance exam tapos inutusan naman niya yung assistant niya na dalhin ako sa isang kwarto kung saan maraming nag-titake ng exam. Pagkatapos ng mahaba –habang oras na

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s