Labing siyam na mga kakaibang bagay na natutunan at nalaman ko sa mundo

 

Labing siyam na mga kakaibang bagay na natutunan at nalaman ko sa mundo

 

Labing siyam na taong gulang na ako,sa wakas.Labing siyam na taon na rin akong naglalakad sa mundo at sa loob ng labing siyam na taong ito,marami-rami na rin pala akong nalaman at natutunan;

1.)Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising pero magbiro ka na sa bagong gising,wag lang sa babaeng may monthly period.

2.)Nagkakaroon ng super powers ang mga Ninong at Ninang tuwing pasko (Teleportation at Invicibility)

3.)Nakaka badtrip makatanggap ng Orasan,Picture frame at Mug tuwing Christmas party pero mas nakaka badtrip kapag wala kang natanggap na anumang regalo sa exchange gift.

4.)Square ang box ng pizza dahil mahirap gumawa ng bilog na karton.

5.)Mas na-uuna pang dumating ang ipinadeliver mong pizza kesa sa mga pulis.

6.)May mga kapit bahay na parang alarm clock Kung MAnggising sa umaga dahil sa lakas magpatugtog

7.)May mga kaibigan tayong may pangalang Boy,Girlie,Buboy,Nene,Neneng,Bombom,Bonbon,Jin-jin,Tintin

8.)Kasing haba ng pila sa pagkuha ng nbi clearance ang haba ng pila ng mga sasakyan sa divisoria tuwing pasko.

9.)May mga Prof palang ipinaglihi sa dragon na bumubuga ng apoy.

10.)Si batman ang pinaka kawawang Super Hero dahil sa katagang “bahala na si Batman”

11.)Pwedeng Paghaluin ang Coke,Gin at Kape pero,alam mong hindi ka matinong tao pag ginawa mo yo’n.

12.)May mga taong gustong maging successful pero wala sa kanila ang gustong magsumikap

13.) Hindi talaga lumalabas yung aircon

14.)Laging walang common sense ang mga character sa mga horror movies lalo na pag pinoy version.

15.)Ang sidewalk ay para sa mga Sidewalk vendors-dahil sila naman lagi ang naka-pwesto duon.

16.)May mga buwaya sa syudad.Yung iba nasa zoo,yung iba naman nasa Senado.

17.)May mga taong pumupunta lang sa mall para magpalamig

18.)Trip lang ng mga guard na tusok-tusukin ang bag mo tuwing papasok ka sa mga entrance ng mga mall.

19.)Nakakatamad pa lang maglista ng mga bagay tulad nito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s