Isang Suntok na nagpabaligtad ng mundo

Isang suntok

 

Dati raw kapag tinanong mo ang mga foreigner kung ano ang tingin nila sa mga Pilipino,karamihan sa kanila ay sumasagot ng domestic helper,cheap prostitute,balut eaters at brown monkeys.Pero dati yun,Dahil nag-iba na ang ikot ng mundo ng may mga pilipinong nag angat ng reputasyon ng bansa mula sa mga dayuhan.

Nandyan sina Lea Salongga,Charise Pempenco,Jasmine trias,Jessica sanchez at apple de ap at marami pang iba.

Pero ang pinaka tumatak sa isip ng mga dayuhan ay ang pag-angat sa larangan ng boksing ng isang patpating binata mula sa Gensan.Isang dating Panador sa isang maliit na bakery na nagsumikap upang ipagmalaki ang bansa sa mga dayuhan.

Siya ngayon ang representative ng saranggani na si saranggani representative at 8th division world boxing champion,Ang pambansang kamao na si Manny pacquiao o mas kilala ng lahat bilang Pacman.

Mula sa baba,sinubaybayan na ng buong bansa ang pag angat niya mula sa putikan,Sinubaybayan rin ng lahat kung paano niya pinataob ang mga malalaking tao mula sa iba’t ibang bansa.Halos tumigil ang mundo tuwing magaganap ang laban niya,walang kumukurap,lahat nakakatutok,Trabahador,Bossing,Mmda,Driver at miski ata yung mga buwaya sa pamahalaan e nakatutok ang mga mata sa t.v para malaman kung sinong mananalo(baka malaki ang pusta parang yung asungot na pulitiko sa likod ni pacquiao bago siya pumasok sa ring).

Pero isa lang ang itinatak niya sa isip ng mga mamayang pilipino at mga dayuhan (bukod sa tattoo niyang “jinkee” sa braso,bigote at balbas at madalas na pag salita ng “you know?”.) ay ang pag angat niya sa reputasyon ng mga pinoy na hindi lang ito basta domestic helper,balut eater o ano pa,kaya rin nitong umangat sa kahit anong larangan at pabaligtarin ang ikot ng mundo sa isang suntok.you know?.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s