2012:tapos ano na?

2012

 

Dalawang buwan na ako sa trabaho bilang working student,habang nagpapahinga kami sa canteen dahil break time ay panay naman ang kwentuhan ng mga iba pang trabahador.Usong uso nuon ang balitang gugunaw na ang mundo sa december 22,2012.teka 22? kinabukasan? Oo kinabukasan.pero parang wala lang samin yun.yung iba sa fb december 15 palang daw nakahanda na.Sakto yung manager namin e  nagbiro”Paano ba yan, End of the world na daw bukas” bigla na lang akong napa sagot ng “Takte.End of the world? eh hindi pa nga namin nakukuha yung ATM namin e”.

Bakit mahilig tayong maniwala sa mga predictions?.Ang sabi nila kaya daw kapaniwa-paniwala e dahil daw nakasulat yun sa kalendaryo ng mayan tribe.Pero ang tanong,paano kung iba ang Pamamaraan nila ng pagbilang ng taon? Halimbawa,meron tayong 12 months habang sa kanila ay 10 months lang? o kaya meron tayong 7 days in a week tapos sa kanila e 5 days a week? paano magtutugma ngayon ang kalendaryo ng mayan sa modernong kalendaryo natin? at tsaka ang mga mayan tribe ay mga sinaunang tribo na nabuhay nuong unang panahon,ang ibig sabihin e sinauna rin ang paraan nila sa pagbilang ng petsa.kaya kung naniniwala ka sa mga sinaunang hula e malamang sinaunang tao ka.

Disyembre rin ng mapanuod ko ang pelikulang 2012,pirated version. Oo pirated version.yung palabas na bano yung mga subtitle.di ko alam kung sinong nag sub nung pelikula pero pagnakilala ko siya e reregaluhan ko siya ng libro ni mareng mirriam at pareng webster.”Jake, you are where?”, “He’s Top on the Car Roof”,”The plane is crashing on the soil?”yan ang mga sample ng mga nabasa kong subtitle ng mga piratang pelikula.Sensya na ha kung umaangal ako gayung pirata lang naman ang mga napapanuod ko.pero di ko lang matiis na hindi bigyan ng atensyon ang pesteng subtitle na yan pero balik tayo sa topic. ang pelikulang 2012 ay tungkol sa isang pamilyang pilit na tinakasan ang pag gunaw ng mundo.Lahat ng gusaling madaanan ng eroplano nila ay nasira,nasunog at gumuho ganyan nakakatakot ang pangyayari kung totoong mangyayari sa mundo natin yun.isipin mo paano kung mangyari nga..sabihin nating hindi man sa taong 2012,ngayon o sa susunod na taon?. isipin mong mangyayari nga lahat yun sa hinaharap? saan ka pupunta? anong gagawin mo?.

Sa ngayon wala pang ibang planeta ang nadiskubreng pwedeng tirahan ng mga tao. tangin ang daigdig natin ngayon ang nag-iisang pwedeng magbigay ng buhay sa atin at kung sisirain natin ay malamang mangyare nga ang wakas ng mundo.Biruin mo,bilyon-bilyon ang nagagastos ng iba’t-ibang bansa para malaman kung may tubig ba sa mars.kung tutuusin hindi man sapat pero maaring makatulong ang bilyon-bilyon na pondo na yun para mapaganda at maayos ang daig-dig.at bakit nga ba tayo naghahanap ng ibang planetang matitirahan gayung hindi pa naman sira ang daig-dig at maa-ari pang isalba?

Teknolohiya..katumbas ay pag-unlad, pero sa kabila ng pag-unlad ay kakambal rin nito ang kasiraan ng likas yaman ng mundo.dahil habang may natutuklasan ang tao sa mundo na pwedeng pakinabangan,hindi ito titigil hangga’t hindi niya nauubos ito.kumbaga…nag-aani pero hindi nagtatanim.kung magkaka-isa lahat ng tao para sa kapakanan ng daig-dig,sigurado ako na maabutan pa ng mga apo natin sa tuhod ang kagandahang ng mundong nakita natin.

Tapos na ang december 22 2012 ang petsang sinasabi nilang pag gunaw ng mundo na hindi nagkatotoo.Pero hindi ibig sabihin nito e hindi na magugunaw ang mundo.binigyan tayo ng diyos ng isa pang pagkakataon para itama ang mali at ayusin ang mga nasira.binigyan niya pa tayo ng oras para lubos nating maintindihan na labis na nagkakasakit ang mundo,lumalala ang umaapoy nitong lagnat at unti-unting bumibigay ang kalusugan nito na kailangan nating malunasan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s