Bakit may “Lang”?

 

Isang lingo na akong di nakakapanood ng telibisyon, actually di naman talaga ako mahilig manuod.P arang display nga lang yung t.v sa bahay kasi wala namang masyadong gumagamit.Nauso na kasi yung ibat-ibang gadget kaya iba na yung mga pinagkakaabalahan ng mga tao.Kung matatandaan ko e isang noontime show yung huli kong napanood nung nasa pinas pa ako.Masarap manood ng tv sa tanghale kasi puro katuwaan ang mapapanood mo di tulad sa gabi na puro drama kaso nga lang dito mo rin masasalamin ang tunay na kahinaan natin mga Pilipino. Gusto mong malaman kung bakit? Kasi habang nanuod ako ng noontime show e ganito ang napanuod ko.

 

Host: ano po bang trabaho ninyo?

Winner: aa Janitor lang ho

Host: wala po ba kayong pasok ngayon?

Winner: meron ho kaso nabalitaan ko na pupunta kayo dito at mamimigay ng pera kaya nag absent muna ako

Yan ang isang kahinaan nating mga Pilipino.masyado tayong umaasa sa swerte nakakalimutan na nating magsumikap.at tsaka bakit nga ba pag sinasabi ang mga mababang klase ng trabaho e palaging may kasunod na “ LANG?” Tri-cycle driverl ang?,Janitor Lang?,construction worker lang?.masyado bang mababa ang tingin natin sa ganoong klase ng trabaho? O nag papaawa lang tayo minsan?.Ang isang janitor ay sumasahod ng minum wage salary na nababawasan dahil sa tax na ipinanggagawa ng mga pasilidad gaya ng ospital,palaruan,kasada,paaralang humuhulma sa mga batang balang araw na mag papaunlad sa pinas at iba pa.kaya bakit natin dinudugtungan ng “LANG?’ ang ganoong klase ng trabaho? Kung iisipin lahat ng trabahong nabanggit kanina e matino o maranggal na bumubuhay ng pamilya kaya bakit natin naiisipang dugtungan ng “Lang” ang ganoon klase ng trabaho gayung pwede naman natin itong ipagmalaki.

 

 

Host: ano ho bang Trabaho ninyo?

Winner: Janitor ho, ipinagmamalaki ko ito dahil napagtapos ko ang aking mga anak dahil sa trabahong ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s