We must not lose faith in humanity

Humanity

“Faith in Humanity Restored!”, Yan ang nakasulat sa baba ng nakita kong larawan sa internet.nakalagay sa larawan ang isang bata na inililigtas ang kanyang alagang aso sa baha.faith in humanity restored.akala ko dati wala na ang pagiging makatao ng mga tao.kung manonood ka ng telebisyon at saktong nasa balita e halos puro bad news ang mapapanood mo.nandyan ang walang tigil na patayan dahil sa pulitika,Digmaan ng dalawang bansa dahil sa pag-aagawan ng teritoryo,digmaan ng magkalahi dahil sa magkaibang paniniwala sa relihiyon at kaguluhan dahil sa kagagawan ng salapi.Mapapaisip ka ngayon,nasaan ang kanilang pagiging makatao?

Nuong mga nakaraang taon lang ay sunod sunod na digmaan ang nangyari sa mundo pinangunahan ito ng gyera sa Iraq, at iba pang bansa sa middle east.Nagkaroon din ng digmaan sa Russia at Crimea, Israel at Lebanon at Pilipinas sa pagitan ng sarili nitong mamamayan.sabi ni Neville Chamberlain “In war, whichever side may call itself the victor, there are no winners, but all are losers.” ,totoo,walang nanalo sa isang digmaan,maraming buhay ang nawawala dahil dito at marami ring gusali at pamilya ang nasisira nito.Oo madaling ibalik ang mga nasirang gusali at ari-arian pero ang mga buhay na nawala e malabo na,hindi na rin maibabalik ang isang pamilyang nasira dahil sa digmaan,hindi na rin maibabalik ang mga ngiti sa labi ng mga anak ng mga sundalo o mga sibilyang namatay dahil sa digmaan.Naniniwala akong hindi digmaan ang sagot sa lahat ng di pagkakaunawaan kundi matinong usapan.

‘You must not lose faith in humanity. Humanity is like an ocean; if a few drops of the ocean are dirty, the ocean does not become dirty”- Mahatma Gandhi

Sa nakita kong larawan ng bata na inililigtas ang aso sa baha sa internet,nalaman kong hindi pa nawawala ang pagiging makatao ng mga tao sa mundo.naniniwala akong hindi pa ganun katigas ang puso ng mga tao.dahil sabi nga  ni gandhi hindi madudumihan ang dagat pag patak lang ang inilagay mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s