HOY IKAW!

Hoy ikaw magbasa ka

 

Wala lang,isinulat ko lang yung title na nasa taas para makuha ang atensyon mo.Alam mo bang ayon sa NSO 97.5% ang literacy rate ng Pilipinas.Pero sa 97.5% na to,bibihira lang ang mga mahihilig magbasa.Literado pero di nagbabasa?aba ewan ko sayo.Minsan kasi mas tinututukan pa natin ang tatlong oras na panonood ng palabas kesa sa pagbabasa ng textbook o nobela.O kaya kung may panahon man tayo e dun lang sa mga libro tungkol sa lovelife,mga poging vampire na naiinlab sa tao o kaya sa panget na gumanda.Tignan mo,Bibihira lang ang mga nagbabasa ng akda ni rizal.Karamihan pa dito e tuwing ipapabasa lang ng guro gaya ng mga textbook na inaalikabok lang sa bahay.Bakit? dahil tinatamad tayo? dahil ba hindi ito lovestory?,horror o comedy?.Tamad lang ba talaga tayo magbasa? kaya ba marami pa rin sa ating ang tumatawid at namamatay sa kalsada kahit na may babala nang “Bawal tumawid nakamatay” dahil tinatamad tayong magbasa? Para saan ba ang pagiging literado? ang magkaroon ng kakayahang bumasa ng txt message gaya ng “4rhuy K0 bh3″ o status sa fb ” mahal ko may ari nito- hacker” para dun ba yon? Sabi ni BOB ONG,”wala nang nakaka awa pa sa mga taong literado pero di nagbabasa”.Ikaw, di ka ba tinamad sa pagbabasa nitong pagkahabahaba na post ko na wala namang kwenta? hindi? aba kung ganon e mabuhay ka!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s