Letche, sobrang init!

   Heto yung panahon kung saan kahit magtutok ka ng limang electricfan e pagpapawisan pa rin ang singit mo. Maraming nagpupunta sa beach-yung iba naman sa mall, nag papalamig. Yung iba, sa bahay, nag i fb, habang nagpapaypay at paulit-ulit ang pagsasabi ng “t*ng **a ang init”. Siguro, heto na ang word of the month, Ang init shet.

      Siguro kaya maraming aksidente ngayon e dahil mainit din ang ulo ng mga tao. Lalo na kung mai i stuck ka pa sa gitna ng traffic sa edsa habang tirik na tirik ang araw. Kung hindi init ng ulo, malamang heatstroke ang abutin mo. Yung mga pc sa opisina, automatic na nag sha shutdown, yung bubong naman ng bahay, pwede ka nang mag prito ng itlog sa sobrang init. Di ka naman pwedeng umangal, dahil pati ang gobyerno di alam ang gagawin at wala rin silang kinalaman kung bakit ang init sa pinas. Manuod ka man ng T.V, puro commercials lang ng mga resort ang mapapanuod mo at kung sakaling di nagpaparamdam ang bf mo, malamang nagiinit din yon, at alam mo naman ang mga lalaking nag iinit, kailangan sumisid sa beach.

  Minsan naiisip ko, di kaya baka pinaparasuhan na tayo, masyado na atang makasalanan ang mga tao. Pero alam naman nating epekto na ‘to  ng Global warming kaya kung meron mang dapat parusahan, ayun ay ang mga may ari ng mga pabrikang malalakas mag labas ng usok, mga illegal loggers at mga nakatira sa gilid ng ilog, dun kasi sila nag tatapon, naliligo, naglalaba at jumijerbaks- engrandeng bakasyon diba?.

      Pag uwi mo naman galing trabaho, bukod sa pagod ka na e, basang basa pa ng pawis ang katawan mo. Sasakay ka ng LRT, ang haba ng pila. Pag sakay mo sa loob ng tren, makakasabay mo ang isang matabang mama na may gripo ata sa kili-kili, dadantay siya malapit sa’yo. Gusto mo siyang tanuning kung nag rexona o tawas ba siya pero alam mong naka badtrip yung gano’ng tanong. Gusto mo nang sabihing “Hey, sabi sa commercial, it wont let us down kaya tara mag deodorant tayo” para lang di siya ma offend. Humihiling ka na lang na sana bukas dun na lang sa kulungan ng mga sabit sa pork barrel scam tumutok ang araw. At dahil pilipino ka, titiisin mo na lang ang lahat dahil next month bagyo naman ang haharapin mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s