Gabay sa matindi ngunit mapayapang pag lango ngayong bagong taon!!!

Gabay sa matindi ngunit mapayapang pag lango ngayong bagong taon!!!

1.) pag alam mo nang lasing ka na, wag nang pumulot ng kung ano ano sa
daan baka kinabukasan kulang na daliri mo.

2.) alalayan ang sarili baka masyadong malasing at mag sasasayaw na
parang sexbomb dancer, o kay mag tapat ng nararamdaman kauri mong lalaki

3.) wag mag pupulutan ng cake, basta wag.

4.) wag mag pulutan ng aso, putanginamo

5.) kung pulutan din naman ang habol, makikaen ka nalang ng handa

6.) wag akong yayaing mag inom. May magagalit.

Advertisements

Kengkarot

Ang pinaka nakaka asar sa turumpo, kaya minsan pinapatulis natin yung dulo ng pako para umayos ang ikot. Parang tao, kailangan munang hasain ang utak bago tumino ang ikot ng buhay. Pero may iba na kahit anong turo at hasa, e parang hangin lang na pumapasok sa tenga. Sabi ng iba, walang taong bobo. Pero ano nga bang depenisyon ng pagiging bobo sa kanila? estupido? mang mang? walang pinag aralan? kung paulit ulit kang tinuturuan ng maganda ngunit di mo naman ipinapasok sa iyong utak, dapat ka pa rin bang sabihan na hindi ka estupido dahil walang ganon?.
Isa pang tanong, sino sino ba ang mga matatalino?, hindi sapat ang natapos para sabihing matalino kang tao, minsan kung sino pang matataas ang narating, sila pa yung parang walang utak na nagbibingi bingihan at nagbubulagan sa paligid, nawawala ang common sense, yung iba namang nakakarating sa pinakamataas na sektor ng gobyerno, kadalasan walang puso at walang ibang guro ang makakapag patino sa kanila kundi ang kanilang konsensya, kung meron man sila.
Pero totoo, di sapat ang natapos para sabihing matalino kang tao, maraming magagaling ang hindi kayang makapag aral, siguro dahil narin sa hirap ng buhay. Minsan maiisip mo na baka isa sa mga batang to na kapos at di makapag aral ang makakatuklas ng gamot sa kanser o ng solusyon sa global warming o magiging guro upang lumikha ng bagong henerasyon na makakapag pa unlad ng bansa balang araw. Minsan nababalewala ang pagkakataon dahil sa maling prioridad sa programang panglipunan.
Ulitin natin, di sapat ang natapos para sabihing matalino ka dahil ano bang pinag-kaiba ng magnanaw na hindi nakatungtong ng elementarya at mambabatas na nagnakaw sa kaban ng bayan at nagyapos sa harvard, bukod sa mas makasalanan yung pangalawa?. Minsan, ang diploma ay parang pasaporte lang sa lipunan upang igalang ka’t sabihang may natapos, at oo para narin makakuha ng disenteng trabaho. Kulang ang diploma kung wala kang natutunan, balang araw ikaw ang magiging duktor na mag oopera sa mga nag aagaw buhay, lider ng bansa na magpapaunlad ng bayan, kung hindi mo isinaulo ang lahat ng itinuturo sa eskwelahan malamang, walang tao ang magtitiwala sa’yo.
Pero, wala namang ibang makakatulong satin kundi ang mga sarili natin, balang araw, sila na rin ang makakatulong sa sarili nila dahil walang ibang pinakamagaling na guro kundi ang karanasan.

Ambagal ng Wi-fi

“Tol connect mo naman ako, promise di ko pagkakalat yung password”. Laging bukang-bibig ng mga tropa t’wing pupunta sa bahay niyo. Susundutan niya pa yan ng “yan di ako titingin para di ko makita yung password”. O kaya pag naka connect na, “Ambagal naman ng wi-fi niyo pre.”. Yung sila na yung nakiki connect, sila pa aangal.

Ambagal ng wifi o ambagal ng internet, lahat sila asar na asar. Nako kung alam lang ng mga mokong na ‘to kung gano kalaking ginhawa na ang magkaroon ng 2mbps na internet connection dati. Hindi ko naabutan yung dial-up pero naabutan ko yung usb modem at mga internet connection sa mga computer shop na mas mabagal pa sa mga sasakyan sa edsa pag traffic. Take note computershop, makakapag friendster o facebook ka lang sa mga computershop dahil hindi pa masyadong uso yung mga wifi o wireless connection at mga panginoong may lupa pa lang ang may mga broadband sa bahay. Dati pa ‘yon nuong mga panahong hindi pa pinandidirian ng mga snatcher yung mga cellphone na nokia. Tapos yung USB modem usong-uso pa dahil si bamboo at iya villana yung nag eendorse kahit sobrang bagal naman.
Ngayon sa panahon kung saan parang bawat bata ata ipinanganak na may smartphone sa palad at sobrang accesible na ang internet connection at mas swerte dahil minsan free e may mga taong angal pa rin ng angal. Pero di mo naman sila masisi dahil, Oo nga naman nakaka asar ang mabagal na internet. Actually lahat ng mabagal nakaka asar. Pero kung libre naman pala, tiis tiis nalang muna.

Random things i’ve learned in life so far

As a year end post this are the random things that i’ve learned in life so far.

1.)Alcoholic drinks should be avoided when you’re on a “moving on” stage of break up specially when you still have a number of your ex.

2.)Pizza delivery guy arrives faster than your friend who texted you “on the way na”

3.)Some “Gimikan” allowed minors this days, they even offer ’em drinks.

4.) Quad-core CPU is a must, when buying a brand new office computer.

5.) “No filter” in an image means, it has filters but who knows?

6.) Infinitea is the new starbucks this days, a direct alternative, i mean.

7.) We must learn Mandarin, someday in the future, China will replace the America as the new Most powerful Country.

8.) Everyone should learn the values of equality

9.) When driving in cubao, make sure that you have condom in your pocket, just in case.

10.) Never befriend anyone who wears “chicser” shirt nor should you befriend anyone who sing “Bubble butt” and “Pusong Bato”

11.) jologs prefer phones with better camera than hardware specs.

12.) Some teens who says ” i’m a book lover” are a craze fan of Marcello Santos III.

13.) You will be “jologs” and “baduy” someday.

14.) Stupidity is infinite

15.) The word “Sh*t” and “F*ck” are common in my newsfeed.

16.)This list is nonsense,mind blown?

OTW

Matagal na tong issue na ‘to-ngunit hanggang ngayon e hindi pa rin nabibigyan ng linaw kung bakit mas nahuhuli pang dumating ang mga taong nag titext ng “OTW nako”. Himayin natin:

a.) OTW na talaga kaso ang nasakyang jeep ay kasing tanda na Eddie Garcia?
b.) OTW na talaga kaso biglang nagka LBM?
c.) May natapakan
d.) Hindi akma sa ‪#‎OOTD‬ ang suot kaya nagpalit muna ng damit sa bahay
e.) Mahilig lang talaga tayong mag pa importante.

A shot of courage

‘Nga naman, kung broken-hearted ka o may dinadalang mabigat na problema, malamang ito ang kakailanganin mo-Alak.

Ayon sa isang survey na ginawa ng UP-DOH, heto ang mga dahilan kung bakit tayo lumalaklak.

Socializing 45.5%
Relieving stress 23.8%
Seeking pleasure 17.5 %

Pero may mga tao talagang trip lang uminom ng alak. Yun bang kahit walang okasyon o walang problema e laklak pa rin ng laklak. Sa lugar namin, ordinaryo nang tanawin sa umaga ang isang grupo ng mga mama’. Yung isa sa kanila nakasubsob sa lamesa habang may hawak na bote ng lapad at yung isa naman, nagtatawag ng uwak sa sulok.

Sabi ng commercial ng alak, “drink responsibly”. Siguro tulad ng isang super hero sa mga comics, may matinding responsibilidad ang isang taong lasing. Una, sa sarili. Ikalawa, sa kapwa. At siguro, ang pagiging iresponsable ng isang taong lasing ang dahilan kung bakit meron pa ring mga motoristang nagmamaneho ng lasing na sinusubukan ba kung gaano ba katigas ang poste ng kuryente at concrete barrier. At ang pagiging iresponsable rin ang dahilan kung bakit marami pa ring krimen ang nagaganap dahil sa alak.

Paniniwala ng pilosopong si Aristotle, ang sinumang gumawa ng krimen habang lango sa alak ay dapat parusahan ng dalawang beses, una dahil sa krimen. At ikalawa, para sa kalasingan.

Pero, dapat di lang sa paglaklak inaapply ang pagiging responsable. Dapat siguro ilagay na rin ang mga salitang ito sa commercial ng yosi, “Smoke responsibly”.

Oo, dahil malaki ang nagiging epekto ng isang iresponsableng smoker sa lipunan. Ang basic human courtesy, ay ang pag asta ng tama. Gaya ng pag utot, di mo dapat pinapaamoy ang usok ng yosi mo sa iba. Di mo alam na baka nababadtrip na sila sa’yo o sa mas madaling salita, kung gusto mong mamatay ng maaga dahil sa lung cancer, wag mo nang idamay ang iba.

Medyo napapalayo na tayo kaya balik sa alak.

Nuon pa man ay matindi na ang pagka humaling ng mga pinoy sa alak. Wala pang redhorse, Gilbey’s, Ginebra san miguel at yung paborito ng mga nag lalasing lasingan, ang San Mig light. E meron nang kinaa adikang alak ang mga ilocano na tinatawag na “Basi”. In fact, nagkaroon pa nga ng pag-aaklas nuong 1807 na pinangungunahan ni Tomas Escobedo. Dahil nuong 1786, ipinagbawal ng mga kastila sa mga katutubo ang pag gawa at paginom ng basi, kailangan sa mga tindahan ka lang na pag aari ng gobyerno bibili, at heto ang tinatawag nilang “Basi Revolt of 1807. Ngayon isipin mo kung ngayon nangyare ang pagbabawal ng alak? Baka di lang pag aaklas ang gawin ng mga deboto ng San Miguel.

Siyempre dahil may alak, dapat di rin mawawala sa mesa ang pulutan. Laging magkasama yan. Kumbaga, di kumpleto ang pagkaen mo ng kare-kare, kapag walang bagoong. At kung tatanungin ang mga dakilang manginginom, mas masarap ang mag-inom ng may pulutan. Siguraduhin lang na bubudburan mo ng isang kilong sili ang kung ano mang ihahain mo, nang sa ganon e hindi ubusin ng mga taong pulutan lang ata ang pinunta sa inuman at hindi alak. Pero sa mga lasenggong gipit, kwentuhan lang talo-talo na.

Siguro sa iba, masama ang magiging imahe mo kapag malakas kang uminom ng alak. Pero, nagiging masama lang naman ang imahe ng isang taong manginginom kapag siya ay;

Menor de edad- i mean, gago ka ba? Bata ka pa para diyan. Sabi nga sa kanta “mag softdrinks ka na lang muna”. Pero kung wala ka nang paki sa baga at kinabukasan mo, shot lang nang shot.

Walang trabaho- heto iniisip ko kung saan ba kumukuha ng perang pambili at kapal ng mukha.

May sakit- hindi mo alam kung sinasadya niyang paigsiin ang buhay niya, sana alam niya yung kantang, “sa langit wala ang beer!”

Pero kanya kanyang trip yan, kung gusto mong nag inom, makalimot ng panandalian sa problema o magpakawasak, nasa sa’yo yan. Basta tandaan lang na ilagay sa tiyan at wag sa ulo ang tama ng alak, wag sumuka sa dingding ng kapit bahay, wag mag hamon ng away, wag itext ang ex ng madadramang mensahe at higit sa lahat, ibalik ang bote ng red horse sa tindahan, mahiya ka naman hoy, binabayaran nila yan.