Ang aking talambuhay bow

Okay game. Matagal na rin akong hindi nakapag-sulat, siguro dala ito ng katamaran, or ng ahmm katamaran. tama katamaran, tinatamad akong mag isip e. Pero, bilang pambawi dahil ang tagal kong di nakapag sulat, ginawa ko ito. Kaya enjoy.

Dati gusto ko talagang maging Piloto o Manager. Pero ayaw yon ng erpat ko-gusto niya akong maging pulis at siguro hanggang ngayon e dismayado siya dahil wala paring PO1 o PO2 sa unahan ng pangalan ko. Kasalanan ko bang hindi ‘yon ang nais kong maging balang-araw?. Siguro dahil sa mga action movies kaya iba ang tingin ko sa kanila. Oo nga, ba’t nga ba laging huling dumadating yung pulis sa mga action movies?. At bakit laging mabilis silang mamatay sa palabas tapos ‘di nauubusan ng bala at immortal naman yung bida? Gago rin yung mga direktor e no?. Pero isa lang ang sigurado, pelikula lang yon.
Noong nag hahanap kami ng mga tropa ko ng mapapasukang eskwelahan sa U-belt, nasa isip ko pa rin na ba’t di ko itry mag pulis?. Pero diyahe. Takot ako sa dugo, at di ko masikmura yung mga lasing na dinadala sa presinto dahil nakipag-away ng dahil sa sinampay. May na ikwento sakin yung erpat ko dati, pulis rin yon dati, bago siya mag adik sa Hawhaw candy at lala chocolate. Dati daw para makatipid sa bala, kumukuha sila ng payong para isiksik sa leeg ng kriminal hanggang umabot sa puso. Pero one time, nung naka huli sila ng kupal na rapist, sinaksak daw nila yung payong sa leeg at itinapon sa ilog pasig. Nung papalayo na sila e meron daw sigaw nang sigaw . Pag lingon nila sa ilog, nakita nila yung kriminal na huminghingi ng tulong. Bakit? Kasi bumukas daw yung payong na isinaksak sa leeg.
Kaya ayun, nadagdagan pa yung dahilan kung bakit iba ang kinuha kong kurso. Pero idol ko yung mga pulis, hindi naman kasi lahat barumbado e, gaya ng erpat ko. Adik lang yon sa Hawhaw candy at LALA chocolates kaya namatay sa diabetes.
So ayun Pol-sci,atleast medyo parehas ng tunog diba? Po-lice.. Pol-sci. Tawa ka?. I mean parehas lang na lingkod-bayan. Siguro matutuwa yung erpat ko, lalo na pag nalaman niyang mag shishift ako ng archi. Rak n roll to the world, Putangina sino ba nagpauso neto?. ang layo ko na tuloy sa topic.
Isipin mo, yung mga katulad ng nag inbento nito ang magiging pulis o mas masaklap, presidente balang araw, ano kayang mangyayare? Rak n roll 2 da world. at isa pa, yung mga pabebe na ewan ko ba kung anong brand ng katol, tiger ba o baigon yung tinira?. Pero sige, walang basagan ng trip. Sa na wala sa mga to ang kumuha ng criminology balang araw.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s