Isang araw

Uuwi ka’t sasakay ng MRT, yung tren amoy palengke tas tatabihan ka pa ng isang lalaki na naglalaway yung kili-kili. Gusto mong sabihan siya na “Pre rexona tayo kasi it won’t let us down.” para di siya ma offend. Pagbaba mo ng istasyon ng tren, haharangin ka ng mga nagaalok ng trabaho’t nagbibigay ng leaflets na may nakasulat na “Job hiring, one day process” kahit na common sense, naka uniporme ka ng college. Pag uwi mo sa bahay, sasalubungin ka ng alaga mong aso, tas dededmahin ka naman ng alaga mong pusa, pero ‘di naman talaga namamansin yung mga pusa. Kakain ka ng hapunan na nakaharap sa t.v habang naka dantay yung paa. Hahanap ka ng magandang palabas, pero walang magandang palabas, actually parang walang palabas, puro commercial. Pagtapos mong kumaen lalabas ka ng bahay, makikipag palitan ng pananaw sa mga kabarkada mong malakas mag yosi. Uuwi ka sa bahay at matutulog, pero di ka makatulog kasi ala una na ng madaling araw pero nagpapatugtog pa rin ng “bubblebutt” yung kapitbahay. Magtatakip ka ng unan sa tenga, pipilitin mong makatulog kasi bukas alam mong magigising ka sa madaling araw dahil sa kantang “Jumbo hot dog kaya niyo ba to?” Na paboritong patugtugin g kapitbahay mong music lover.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s