Sa aking mga ka henerasyon

I.
Tayo ang huling henerasyon na mayroong baby pic na hindi camera ng cellphone ang gamit, Nakanood ng fushigi yugi sa GMA pagtapos ng bubble gang at nakalaro ng teks na kasing laki ng credit card.

II.
Natikman ang tatlong sandatang pamparusa: Sinturon, hanger at alipombra. Nakatapak sa Manuela at Uniwide sa Mandaluyong bago pa ito maging Edsa Central at Starmall.

III.
Nakakaen ng Vital dahil wala pang hanybar ‘non. Yung RC, Sarsi at Pop cola ay limang piso lang, tres lang ang magic flakes na nuon ay dipa apat ang laman.

IV.
Nalibang sa space impact na laro sa Cellphone. At natakot sa mga pelikulang ang singsing at bahay ni lola. Nanuod ng captain  barbel sa sine na si Bong Revilla ang gumanap, siya lang ata ang superherong walang abs. Pero sabi nga nila, ang tunay na lalaki walang abs.

V.
Napabilib sa mga steps ni Mark Herras dahil sobrang galing niya sumayaw, laos na non yung street boys. Nakalaro ng beyblade at crash gear at holen.

VI.
Sa aking mga ka henerasyon, masasabi kong napaka swerte natin dahil naranasan natin ang mga bagay na di na kailanman mararanasan ng mga susunod na henerasyon. Pero kanya kanyang ala-ala yan. Bawat henerasyon ay may maikikwentong nakakatuwang mga bagay sa sa mga susunod pa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s