Umuulan ng pagsubok

   Lumalangitngit na yung yero, parang anytime pwede nang matanggal. Yung bintana parang pinaglalaruan ng hangin sa pagbukas sara. Para ka tuloy nasa horror movies. Sa labas wala kang maaninag, natatakpan ng malakas na ulan ang tanawin. Zero visibilty. Sabi sa T.V kanina, super typhoon na daw yung bagyo samantalang nung nakaraan lang sabi nila na malayong maging ganap na bagyo yun ‘nung LPA palang. Gumuhit sa langit ang napaka tulis na kidlat, kumulog at lumakas pa lalo ang ulan at hangin.
     Umaga na pero ‘di pa rin nag sususpend ng klase ang pamahalaan. Akala ata nila water proof ang mga estudyante. Buong magdamag kang nag aantay ng anunsyo sa unang hirit pero wala talagang pag-asa. Umabot ng tanghali, yung tubig unting unti nang umaangat at pumapasok sa loob ng bahay. Isa isa niyo nang inaakyat ang lahat ng mga gamit upang ‘di mabasa. Sumulyap sa T.V pero balita lang tungkol sa bagong movie ni Kris Aquino ang napanood mo sabay may nag salita sa T.V, “Nakakaloka talaga!?”. Tinuloy mo nalang ang pag lipat ng mga gamit.
      Pag-tingin sa orasan, nakita mong malapit nang mag ala una. So kumilos ka agad at naligo kahit sobrang lamig ng panahon dahil “ber” months na, nagbihis, kumaen, nang hingi ng pamasahe, binitbit ang bag, sinuot ang kapote at tsaka sinuong ang baha na nuong mga oras na yun ay umabot na malapit sa tuhod, yung payong mo bumabaligtad. Pag-labas mo ng eskenita, walang masakyan. Mga ilang minuto pa ang lumipas bago may maglakas loob na jeep ang sumuong sa baha. Sumakay ka sa jeep, nag bayad. Ilang minuto rin ang biyahe bago ka makarating sa eskwelahan dahil sa traffic at mga siralong naliligo sa ulan na nag siswiming sa baha at hinaharangan yung daanan ng sasakyan. Pagbaba mo sa jeep at bago pumasok sa gate, nag salit yung school guard ng “Ay iho, kakasuspend lang ng klase kanina, walang pasok. Di mo alam? manood ka kasi ng balita.”. Tawang tawa ka nalang lumakad palayo sa sobrang bwisit, pero inisip mo na pagsubok lang ‘to. Isang mapag-birong pag-subok.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s