Pag-ibig

Hawak palang ng pasmado niyang kamay, alam mong ikaw ang nag iisa sa puso niya. Nawawala ang pag aalala, ang takot at pagdududa sa puso mo. Kasi alam mong mahal ka niya nang buong buo at di ka na niya sasaktan muli.
    Sa tingin palang ng kanyang mga mata, alam mong paulit ulit na mahuhulog ka. Di ka na bibitaw, patuloy kang hahawak. Handa ka nang harapin lahat ng pagsubok. Kahit dumating yung araw na mag away kayo ulit, hinding hindi mo na hahayaang lumayo siya uli.
     Sa higpit ng kanyang yakap dama mo ang matinding kasiyahan. Kahit minsan saglit lang kayo magsama. Kahit minsan wala kayong oras, lahat ng pagkukulang niya’y napupunan at masasabi mo sa sarili mong mahal na mahal mo siya.
       At ngayon handa ka nang sabihin sa kanya na magmula ngayon wala ka nang ibang iisipin kundi ang mahalin siya ng buo at walang pag aalinlangan na baka masaktan man kayo muli. Dahil alam mong hinding hindi na mangyayari ‘yon.
      

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s