214

12540677_513937982099216_8011377027101372188_n

Pebrero nanaman, at malamang uso nanaman ang mga post sa fb at twitter na pag ka bitter bitter. Teka nga aa, inaano ba kayo ng february 14? Kung wala kang ka date o boring ang valentines mo, try mong gawin nalang ang mga bagay na ‘to.

 

I. Manuod ng sine mag isa, tamang tama. E ano naman kung ikaw lang mag isa? diba? atleast walang mangungulit sayo na “Ay heto na lang, pangit yang palabas na yan, heto nalang o, aldub”.

II. Mamili ng maraming chocolate, samantalahin ang pagkakaton hangga’t puro promo pa ng mga paborito mong pampataba at pampataas ng blood sugar, pag tapos ng valentines mahal na uli yan.

IV. Matulog, Isang araw lang naman yan e.

 

 

Advertisements

Sa dulo

Tagaktak ang pawis niya habang naka tingin ang dalawang mata sa monitor ng computer. Walang kurap at puro halinghing at ungol ang naririnig niya sa suot na headset. Halinghing ng dalawang taong nagpapalitan ng init at nagroromansahan. Hindi na siya nakatiis, akma niya nang tatangalin ang sinturon at ibababa ang zipper nang may kumalabit sa likod niya. Lumingon siya at nagulat nang makita ng bantay ng computer shop na nag salita ng “Sir time na ho kayo, extend pa po?”.

Mas maliwanag pa ang brightness ng screen mo kesa sa future namin

Oo. ngayon pa’t kasalukuyan akong nag aaral ng kolehiyo at humaharap sa mga pang huhusga ng lipunan kung dapat nga ba akong tawaging matino at bigyan ng scholarship. Pero wala akong scholarship, utol ko ang nagpapa aral sakin at nasa dugo na ng angkan namin ang magkaroon ng pride at wag umasa sa mga politikong magbibigay lang ng scholarship kapag sinunod mo ang kanilang kundisyon; iboto mo sila.

Mataas ang expectation sa ‘kin ng utol at mga kaibigan ko. Pero ako?, hiyang hiya ako sa sarili ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko maibibigay sa kanila ang hinihingi nilang expectation. Ang hirap kasi. Lalo na sa kolehiyo. Kahit anong aral pala ang gawin mo, kahi anong basa at research, magiging bobo ka pa rin kapag wala kang pera-ang dami kasing requirements, pwera pa yug libro at tuition fees.

Simple lang naman ang pangarap ko, ang makatapos. Sa Bansang ito, hindi na mahalaga ang kung anong gusto mo, ang mahalaga dito ay yung nararapat. Mangangarap ka pa ba?. Pwede, pero siguro hanggang pangarap nalang. Yun yung dahilan kung bakit maraming napipilitang ‘di mag tuloy sa kolehiyo at magtrabaho nalang, kasi siguro ayun yung tingin nilang nararapat.  Heto ang mali sa gobyerno, mga maling prioridad ang tinututukan, malay nila, isa sa mga hindi makapag aral dahil sa kakapusan sa salapi ang balang araw na maka diskubre ng gamot sa cancer.

Tingin ko, mas maliwanag pa ang screen brightness ng iphone ng mga politiko kesa kinabukasan ng mga estudyanteng katulad ko.

 

 

Mag tatayo ako ng banda

At tatawagin ko itong The paper band.

Hindi ako ang kakanta. Dahil ‘di naman kagandahan ang boses ko

Hindi ako ang mag gigitara, dahil hindi ako marunong

Hindi ako mag ba bass, dahil ambigat dalhin at pag sumikat yung banda, kadalasan na iitsapwera.

Hindi ako mag dadrums. Kasi nasa likod.

Ang gagamitin kong instrumento?

 

Tambourine,

At sisigaw ako,

 

“Heto na ang tambourine solo, tsang tsang tsang tsang”

Tamborine.jpg

Foodblog pangkalye part 1

‘Di mo kailangan pumunta sa mga mamahaling restaurant para mag picture ng pagkaen at ipost sa blog, dahil sa labas lang ng bahay marami ka nang makikitang pagkaen na talaga namang masarap at higit sa lahat, ibabalik ka sa nakaraan.

 

 

Pompoms

photo.jpg

Dati, nung mga panahong hindi pa pinandidirian ng mga magnanakakaw ang cellphone na nokia, 50 cent lang kada isa ang pompoms. Grabe yung lasa niya, as in sobra. Walang wala yung Cheesecurls ng jack ‘n Jill saka mo nalang problemahin yung makukuha mong hepa.

 

Lumpia Shanghai

lumpia.jpg

Dati nung bata ako, inutusan ako ng nanay ko na bumili ng lumpia para iulam namin, binigyan ako ng 50 pesos.  Pagbalik ko sa bahay, galit na galit yung ermats ko kasi dala dala ko yung 50 lumpiang chichirya (nasa larawan sa itaas)

 

Cheepee

BfIksxoIIAAzHHf.jpg

Sino may sabing hindi ka makakaen ng masarp sa halagang piso?. Heto ang counterpart ng mas mahal na Chippy, di nga lang gaanong masarap yung lasa kasi masyadong maalat, pero love namin talaga.

Boybawang

large

Sabi nila, gamot sa highblood. Pero nung nagluto ako ng sopas at nangailangan ng bawang pang gisa, heto yung binigay sakin ng barkada kong si buboy, tumaas lang bp ko. Pero masarap ‘to. Lalo na pag may suka.

Mga bagay na ayaw ko kapag sasakay ng jeep

Sabi nila, “Beggars can’t be choosers”. Pero bilang isang mamayan na ipinanganak at lumaki sa isang bansang may demokrasya, karapatan ko naman sigurong mag reklamo kahit sa mga maliliit na bagay lang diba?. Lalo na sa jeep, may mga driver at pasahero talaga na kupal. Ganon talaga siguro ang buhay, balanse, di puro matitino ang makakasalamuha mo araw araw. Kaya heto ang ilan sa mga bagay na ayaw ko kapag sumasakay ako ng jeep.

 

  1. Kaskaserong Driver

Sarap sabihang, “Manong kung gusto mong magpasikat, wag samin, ‘di kami natutuwa bumenta na yan sa sinehan at alam naming idol mo si Paul Walker, pero manong please lang, pati ba naman yung pag kamatay niya gagayahin niyo?, kung isasama niyo kami, have some dignity naman diba?, wag jeep mas okay pa kung naka Toyota Altis ka, atleast aircon”

 

  1. Mga pasaherong nakakatulog at inihiga yung ulo sa balikat ko

Heto nang yayari ‘twing pumapasok nang alassais ng umaga e. Nakaka asar lang dahil, di naman kami close diba?. Kung inaantok ka pa, edi matulog ka muna sa bahay niyo at wag ka munang pumasok. Kung sa jeep palang ganyan ka na paano pa pag nakarating ka sa school o sa trabaho mo diba?. Pero kung chicks, why not? Kahit magyakapan pa tayo. Hihihi.

  1. Mga driver na nagpapatugtog ng rap

‘Di ko sinasabing ayaw ko ng rap music dahil actually, rapper ako, sa banyo.  Basta ano lang, nakaka asar lang na umagang umaga, ang ganda ng gising mo, gusto mong simulan ang araw na puno ng saya at ngiti tapos pag sakay mo ng jeep, ganitong lyrics ang maririnig mo, “Kung sinong ayaw sa aking mga Peteng ine nye, kung sinong ayaw sa aking mga Peteng ine nye……”.

  1. Mga driver na di nag didiscount sa mga estudyante kahit na common sense, naka uniform ka.

           Alam ko namang may binibuhay silang pamilya, at sana alam rin nila na hindi kami mayayaman para di bigyan ng discount. Tsaka ang batas ay batas.