Still stuck on 7.12.15

 

AshDane.jpg

 

Kay ashtine,

Everytime na magkasama tayo, palaging tumutugtog sa isipan ko yung kanta ni Lauryn Hill.

 You’re just too good to be true.
    Can’t take my eyes off of you.

Parang humihinto yung oras. Parang may magic. Siguro ga ‘non talaga ang love, puno ng surprises. Yung kamay mo, kahit medyo magaspang, gustong gusto kong hawakan at pangako, ‘di ko yan bibitiwan.

Bakit ko sinulat ‘to?

Wala lang. Alam ko marami nakong nasulat, LSM, Love letter, ano pa ba?. Pero kulang ‘yon. Kung kinakailangan, araw araw akong mag susualat ng katulad ng ganito para sa’yo. Oo para sa’yo. Handa kong gawin lahat.

 

Masaya ako. Sobra. Masaya ako sa’yo. Bawat minutong magkasama tayo. Kahit saglit lang ‘yon, para sakin sobrang tagal. At sapat na ‘yon para mabuo ng husto yung araw ko. Kahit minsan tahimik ako, kunyari lang ‘yon. Lalaki ako, at kinikilig ako pero di ko pinahahalata. hihi.

Pinakamasayang nangyari sakin nung 2015 e yung nagkakilala tayo. Nuong sumama ako sa field trip. Nung una ayoko talaga umattend ‘non. Pinilit lang ako ni Ma’am. Ewan pero parang tadhana ata na biglang naisipan kong sumama. Dumungaw ako sa isang jeep. Nakita kita pero di pa tayo magkakilala ‘non kaya nahiya kong dun na sumakay. Nung sa Fort Santiago, minsan ninanakawan kita ng tingin. Minsan lang naman. At nuong nasa luneta, nuong nag alok ka ng pagkain. Sobrang saya ko ‘non kahit na sa ganon lang napansin moko diba diba? ambabaw ko no? Salamat kasi pinayagan mo kong maging parte ng buhay mo. Kahit na minsan di ganon kasaya. Pero kinaya natin diba? At kakayanin natin yung mga susunod pa.

7.12.15? ano ba yan? Yan yung date na sinagot mo ko diba?

Sorry dahil minsan inaaway kita at masungit ako. Pero nagpapapansin lang ako sayo. Mahal na mahal kita at sabi ni basha sa a second chance, ang nahmamahal nagtitiwala. Kaya buo ang tiwala ko sa’yo kasi nga mahal kita.

Nuong nanuod tayo ng sine nuong December 26? Yun yung isa pang special day. ‘Di dahil sa treat mo sakin ‘yon. Kundi dahil nakasama kita nang matagal. At ayun na ata yung pinaka masayang date na naranasan ko sa ngayon kahit pinagod kitang maglakad mula starmall hanggang sm at pabalik.

Pangako, di na tayo maghihiwalay uli. Wala nang away, at kung meron man, away lang yun. Di na kita bibitawan. Di nako papayag na magkahiwaly tayo ulit kaya wag kang pasaway ha?. I love you.

 

 

Advertisements

One thought on “Still stuck on 7.12.15

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s