Already Gone and we will miss you!: Glenn Frey R.I.P

Glenn-Frey-performing-the-eagles-2014-billboard-650

 

 Ilalaan ko itong blog entry na ito para sa isang Henyo sa larangan ng musika. Ang founder ng bandang nagbigay sa atin ng mga kantang Hotel California, Take it easy, Peaceful easy feeling at marami pa. R.I.P Glenn Frey

Yung Dad ko, siya yung nag introduce ng bandang The Eagles sakin. I was 4 years old that time nung pinapatugtog niya yung buong album ng The Eagles galing Saudi.  Unti unti kong nakakabisado yung mga kanta.Nakakatawa nga kasi, that time puro mga new rock at rap ang nauuso, yung iba sayaw, tapos nung sumali ako  sa that’s my boy, yung kantang “Heartache tonight” yung kinanta ko. Naaalala ko pa ‘nun nung nabubuhay pa si erpat, lagi akong tatawagin nun para manood ng live concert ng The Eagles.

Well i’m 21 now, and still i’m listening to their song. Actually last month lang ng pinanood ko yung live album nilang Hell freezes over. Ang babata pa nila ‘nun at kasali pa sa kanila si Don Felder. Mula sa Hotel California hanggang sa huling kantang desperado, grabe yung performance nila. Sila yung tunay na definition ng Show man. At kung isa kang taong talagang nakaka appreciate ng music at hind isang genre lang ang pinapa kinggan, Di ka maboboring.

Actually marami akong gustong kanta ng bandang The Eagles, lalo na yung mga kanta ni Frey. Mga smooth rock kasi, ayun yung gusto kong pakinggan pag bumabyahe ako papunta at pauwi ng school. Masyadong nakaka stress kasi yung mga bagong music, lalo na yung pang party party na parang sinusuntok ka sa sentido kapag tumutunog na yung bass, yung iba naman, sa  sobrang emotional, mas lalo kang ma iistress.

Kaya masasabi kong henyo si Frey pag dating sa pag sulat at pag likha ng musika. Pero maraming mga ka henerasyon ko ang ‘di nakakakilala sa kanya o ‘di man lang binigyan ng pagkakataon ang sarili na pakinggan ang mga kanta nila, basta ang alam ko lang, napaka malas nila dahil ‘di nila appreciate ang tunay na musika.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s