Mas sasaya ang buhay kung walang KJ sa mundo

Gigising ka sa umaga. Maririnig mo yung tilaok ng manok na alaga ng kapit bahay niyong sabungero. Babangon ka’t mag liligpit ng higaan, didiretso sa banyo, ma liligo, babalik sa kwarto, magbibihis, pupunta sa sala, mag aalmusal at aalis ang ng bahay na may baong ngiti sa labi.

Isang magandang panimula para sa isang mahabang pakikipagsapalaran. Sasakay ng jeep, magbabayad ng buo, pero kulang ang isusukli ng driver kasi para sa kanya, walang student discount pag Biyernes, Sabado at Linggo. Papara, ihihinto ang sasakyan lagpas sa mismong babaan. Lalakad papunta sa eskwelahan at haharangan ng dalawang gwardiyang sabog. Pagbubukasin ng bag, titignan lang yung ibabaw pero di hahalukayin, kaya di kana mag tataka kung paanong may nakapasok na bomba sa loob. Hihintaying ang mga kaklase, papasok kayo sa room, uupo, makikinig, mag rerecite, paulit paulit hanggnag mag 1:30, uwian na. Lalabas ng eskwelahan, tatambay sa tapat para kumaen ng tokneneng at calamares, at lalakad papunta sa sakayan, papara ng jeep, magbabayad, kulang nanaman ng sukli, pag dating sa bahay, magpapahinga at tsaka maiisip na mas masaya ang buhay kung walang KJ sa mundo,

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s