Kapag wala nang tayo

“Masakit isipin na minsan, ang pag ibig na ipinaglaban ay hindi pala magpakailanman”

 

Darating yung araw na hindi ka na matutuwa sakin. Mapipikon ka na sa mga asar ko. Makukulitan ka na kapag tinatadtad kita ng text pag di mo sinasagot yung tawag ko.

Darating yung araw na bihira ka nalang mag text sa phone ko upang kamustahin ako, mag chat sa fb o makipag kita kasi namimis mo ko.

Darating yung araw na unti unti ko nang mararamdaman ang panlalamig mo, in short, Magsasawa ka na.

Alam ko ‘yon. Dahil tanggap ko na sa bawat relasyon, dumarating yung ganitong point. At handa kong suyuin ka, habulin ka kahit na ilang ulit mo kong itulak palayo at pagmukaing tanga. Kakayanin ko hangga’t kaya ko pa. Kahit dumating yung point na ako nalang yung lumalaban para sating dalawa at dumating yung araw na wala na yung “Tayo” kasi ako nalang talaga.

Pero tandaan mo,

Darating din yung point na mapapagod ako kakasuyo sa’yo. At pag dumating yung araw na ‘yon, itaga mo sa bato. Di nako babalik sa’yo. Hinding hindi na. Dahil sa bawat araw na pag iwas at pag balewala mo, unti unti mong pinaparamdam sakin lahat ng sakit. At ayoko nang maramdaman ‘yon ulit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s