ABNKKBADTRIPKNPLA?

Sumigaw yung proctor namin sa exam sa Natsci

“Stop stalking”

Kasi tingin niya, ang iingay naming lahat. Pinakuha niya yung mga bag namin upang ilagay sa harapan para wala daw kodigo. Siya lang naman ang nag iisip na may ganon kami. Sobrang moody ng prof na yun. Sinabihan niya yung classmate ko na babae na “Ang bobo mo”, porket di lang naka hilera yung upuan niya sa linya.

Lumakad ang walang hiyang proctor sa harapan at nung napansin ang kulay pula kong bag, binuhat niya ‘to at ibinalibag.

“Bag ko yon aa.”.

Agad siyang tumingin sakin.

“E ano?, naka balandra e”.

Lumunok ako ng laway at tumayo. Para akong abogado sa isang korte na maglalabas ng defense para sa kaso ng kawawa kong bag na jansport.

“Inaano ba kayo ng bag ko?”

Tumaas ang isa niyang kilay. Parang baliktad na bibig ng natateng emoji, pagtapos ay nagsalita.

“E naa asar ako e”.

‘Dahil nasabi ko na sa blog ko na mataas ang pride ko, sumagot ulit ako.

“Ma’am, mawalang galang na ho. Hindi ho sa lahat ng bagay, pwede mong gawing reason ang na asar ako.”.

Tinuro niya ang pamaypay niya sakin na parang si Harry Potter na nag ka cast ng spell,

“Gusto mo absenan kita at di pakuhain ng prelim?”

Dito ko na inilabas ang aking hinanaing.

“Kung ikaw yung nasa kalagayan ng bag ko, tapos ibalibag kita, tapos sabihin ko sayo na naiinis ako at pag umangal ka sasabihin ko sayo na di kita papakuhain ng prelim, matutuwa ka ba?. Siyepre hindi.”.

At lalong umusok ang ilong ng matandang proctor na pilit ginagaya si Sen. Miriam pero di niya magaya dahil si Sen. Mirriam, nakakatakot pag nagalit, yung proctor, mukhang tanga.

Nagpalakpakan at nagsigawan ang mga kaklase ko. Pinuri ako. Ang saya.

Lahat kami ay di nakapag exam at lumabas ng room na may baong ngiti sa aming labi dahil kahit papaano, naipagtanggol namin ang aming karapatan, kahit gaano man yun kaliit, kahit pag balibag lang sa bag.

‘Di ako si Bob Ong, pero ako si Batman

Sa tuktok ng isang mataas na building na kung tawagin ay The Executive tower sa bandang Edsa, nakatayo at nagmamasid ang isang nilalang na nakasuot ng pang wrestling na pantalon at tshirt na may logong paniki. Suot niya rin ang maskarang gawa sa ginupit na karton ng Zesto. Pinagmamasdan ng kanyang dalawang mata ang buong syudad, actually ‘di buo. Kung ano lang yung matatanaw niya.

Tumunog ang kanyang cellphone, nag ba vibrate. May humihingi ng tulong. Agad siyang tumakbo sa fire exit at mabilis na bumaba hanggang sa hingalin, tangina naman kasi ng building, sobrang taas, at tanga tanga kasi, pipili lang ng vantage point, dun pa sa tuktok. Hanggang sa maisipan niya na gumamit nalang ng elevator. Nakasabay niya sa loob ang isang senador na may kickback sa porkbarrell scam, kinamayan siya nito, pinuri ang suot na costume at binigyan ng yum burger ng jollibee pagtapos masabihang “Gusto ko, happy ka”.

Ilang saglit pa, narating na niya ang unang palapag. Agad siyang lumabas ng gusali at tinungo ang pinanggagalingan ng humihingi ng tulong sakay ng kanyang motorsiklong Barako. Mabilis, singbilis ng kidlat ang kanyang patakbo at ‘di inaalinta ang mga traffic personnel na nananaway ng mga walang helmet at naninikit sa mga  driver na wala naman talagang kasalanan dahil trip lang nila at wala silang pambili ng kojie san. At ayun na, nasa lugar na siya ng pinangyayarihan ng krimen, kita niya ang mga tao na nag sisitakbuhan sa takot dahil umatake nanaman sa baranggay ang isang malaking buwaya, pero di siya kamag anak ni lolong dahil marunong siyang pumirma at manamit ng barong.

Agad niyang nilapitan ang nakakatakot na buwaya. Sinubukan niyang suntukin, pero di tinatablan, may bulelt proof vest kasi. Inatake siya nito na agad niyang kinatumba. Tumayo siya upang tignan ang mga nasa paligid, nakita niya ang mga taong tumatakbo sa takot, mga taong nawalan ng bahay, nawalan ng makakaen, ng kinabukasan at nawalan ng karapatan. Bumulusok ang galit sa kanyang utak. Agad siyang sumigaw gaya ng sa dragonball z, at lumabas ang awra niyang kulay blue. Agad niyang intake ang buwaya, sapul ng suntok sa sintido at tumumba.

Akala niya tapos na ang laban, biglang bumangon ang buwaya at sumakay sa wheel chair at tumakbo sa St. Lukes medical center.

Pagtapos ‘non, di na sila muling nagkita at ang mga tao ay nagdiwang, pinatayuan ng rebulto si Batman sa gitna ng highway kung saan laging may mga sumasalpok na bus.Ang rebulto ay napapalamutian ng mga bulaklak at mga ilaw at may mga bantay para sa mga maninira ng rebulto.

Ilang taon ang lumipas wala na si batman at tanging rebulto at alaala nalang ang naiwan niya sa mga tao. Ngunit ang rebulto ni Batman ay pinamamahayan na ng mga taong walang matirhan. Minsan ginagawang Skate park at kung minsan, inidoro.

Ulan

I

Pumapatak sa bubungan

mga butil ng ulan,

mga tunog na nagbibigay

sakin ng ligaya

Isang libo’t isang alaala

laging bumabalik,

twing pumapatak ang mga ambon

at sa lupa’y humahalik.

 

II

Mga alaala na minsa’y masaya

mga panahong ang isip mo’y

malayo pa sa problema,

Kaya ng mga batang masayang nag lalaro

sa ilalim ng makulimlim na langit na may luhang tumutulo

 

III

Mga ala alang minsan ay kay pait,

at binabalik ng tunog ng patak ng ulan ang mga naramdamang sakit

Sa pagtila ng ulan, liliwanang ang langit,

mag tatapis na ang mga ulap, at ang araw ay sisikat

lilitaw ang isang bahaghari na magsasabing ituloy lang ang kapit.

The heat is on

Nuong nakaraang araw lang nag simula ang araw ng pangangampanya at panigurado, asahan na ang pagdagsa ng mga pagkatamis tamis na pangako, pagkapangipangit na councilor dance at pagkadamidaming basura gawa ng mga streamer, leaflets at tarpouline na may mukha ng mga politiko.

Tatlo lang naman ang panahon sa pinas. Ang panahon ng tag araw, ang panahon ng tag ulan at ang panahon ng kampanya. Mas mahaba nga lang yung pangatlo kasi masyadong maagang nagsisimula. Obvious sa mga commercials at interview ng mga politiko sa balita kung sino bang tatakbo sa susunod na halalan.

At ngayong simula nanaman ng pagpili ng susunod na presidente, siguraduhin natin na tama ang ating mapipili upang hindi na tayo mag fiesta pa uli sa mendiola na may daladalang banner na may nakasulat na “Ibagsak ang gobyernong imperyalismo” at effigy ng kung sino mang pangulo ang mananalo.

Sabi nga sa T.V, dapat Tama

Para tayong tanga

Para tayong tanga,

Aawayin mo ko kapag di ako nag rereply,

Susuyuin kita,

Pero 24 hours bago ka maging sweet uli

 

Para tayong tanga,

Aawayin kita kapag di mo sinasagot yung tawag ko

Susuyuin mo ko

Pero 24 hours bago ako maging sweet uli

 

Para tayong tanga,

Mag aaway tayong dalawa

Usapang break na,

hanggang sa mag sorry ka

Tapos mag sosorry rin ako

Tapos bati na tayong dalawa

 

Para tayong tanga,

Lagi nalang tayong nag aaway

Miski na maliit na bagay

Pero nag kakayos din tayong dalawa

Ganon siguro pag nag iibigan, nagiging tanga kayong dalawa.

Ang bag kong napigtal, bow

Hindi ako masipag na estudyante. Ewan, pero ‘twing martes laging puno ng libro yung bag ko. Kung pwede ko lang hindi dalhin, sana ginawa ko na. Required kasi sa school ‘yon, kahit di naman gagamitin.

So one time, pagkatapos ng statistic 1 na subject, sabay kaming lumabas ng gate ng mga kaklase ko. Yung isa, humabol at kumapit sa bag ko. Napigtal yung sabitan sa braso. Sabi niya lagyan ko nalang ng pardible, binigyan niya ako ng limang piso at binili ko lahat yun ng pardible. Iniligay ko lahat yun sa dulo ng napigtal, at yun naayos. Sabi niya, pansamantala lang daw at dapat daw tahiin ko na. Pero okay naman na e, nung una. Hanggang lumpias yung araw na bumibitaw na yung pardible at tumutusok sa likod ko.

Ang point?. wala, parang sa away sa relasyon. Ayusin dapat hanggang maaga pa at wag patagalin, wag idaan sa alak, dahil pansamantalang sulusyon lang yun, darating yung oras na mawawala ang epekto at mararmdaman mo yung sakit.