O pilipinas, mamimiss kita.

Note: Itong blog post na ‘to ay alay sa aking bansa at mga kababayang OFW.

Ang pakiramdam na bukas na ang flight mo papuntang Melbourne. Todo buhos ang emosyon, pero sinasarili ko lang. ‘Di pwedeng panghinaan. ‘Di na pwedeng umatras. Mahal magpa book ng flight.

Ganito pala kapag iiwan mo na yung lugar na kinalakihan. Yung lugar kung saan ka komportable. Yung lugar kung saan, kalahati ata ng buhay mo ay dun mo binuno. Tapos iiwan mo rin yung mga taong malalapit sa’yo. Lalo na yung pamilya mo para makipagsapalaran sa ibang bansa. Nung nagpaplano ka palang, parang nakaka excite pero pag dumating yung araw na kailangan mo nang mag empake ng gamit dahil lilipad ka na bukas, parang ang bigat sa loob. Pero iisipin mo nalang na para sa kanila rin ‘to, kung di mo gagawin, walang ibang gagawa- Nasa Australia na nakatira utol ko, yung Mama ko, matanda na para mag OFW, yung isa busy sa pag aaral ng kung fu at yung ate ko? maagang nag pamilya.

Ganito pala talaga. Kapag lalo mong iniisip na lilipad ka na bukas lalo ka lang malulungot. Maiiwan mo dito lahat- Pamilya, kaibigan, syota, crush, kaklase, paboritong drama rama sa T.V, alagang pusa at pati yung mga taong akala mong ‘di mo mamimiss, mamimiss mo rin e. ‘Di ka panga umaalis, namimiss mo na agad. In short, mamimiss mo ang Pilipinas.

At pag dumating yung araw nang flight mo, ‘dito ka lalong mangangayaw. Kaya pala mas madalas isama ng mga mag iibang bansa yung mga kaibigan nila kesa sa pamilya nila sa airport e dahil baka ‘di nila kayanin at ‘di na sila tumuloy. Bawat hakbang kasi na ginagawa ko papasok ng terminal e parang pabigat nang pabigat. Parang may humihila sakin pabalik-parang ayoko na talaga tumuloy. Ilang minuto kang maghihintay sa loob, sa ilang minuto na ‘yun palang kung ano ano na maiisip mo. Pag nag page na tungkol sa departure, aakyat ka ng eroplano. At pag lumipad na, ‘di ka na talaga makaka atras. Makikita mo na lang sa bintana ang unti unting pagliit ng mga bahay at unti unting pagtakip dito ng mga ulap. Kaya pala sabi nila, ang pagiibang bansa pala ay para lang sa matatapang. Buti nalang medyo natanggal ang emosyon ko nang may magiiyak na bata sa harapan ng upuan ko, nang ngitian ko, bigla akong pinakyuhan. Parang gusto ko siya ilaglag ng eroplano.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s