Tips sa pagiging rockstar

I. Walang baduy na musika sa taong musikero (Pwera nalang kung nakikinig ka ng budots,
dapat kang ipa tawas).

II. Wag mag da drugs. Rock and Roll lang wag Rock.

III. Ang galing ng banda ay wala sa ganda ng design ng tshirt.

IV. Kung walang talent sa pag kanta at gitara, mag aral mag drums. Pag ‘di pa rin umubra sa
drums, mag bass. Paw wala pa rin, mag aral nalang umi slam.

V. Tandaan: Di payabangan ang pag babanda. Ang susi: Teamwork at pakikisama. Wag gayahin
si Butchoy at Albert Pacheco.

VI. Wag pigilan ang mga kabanda na tumugtog sa iba, ‘di mo sila sinasahuran at wala kayong
pinirmahang kontrata.

VII. Mas luma ang pinapakinggang kanta, mas matututo. at higit sa lahat.

VIII. Wag feeling superstar. Parepareho lang tayong underground.

Advertisements

Ang pinakamalupit na kwento

     May isang baklang nag chachat sa jowa niyang foreigner. Nabasa niya sa screen, “Show me your tits.”. Dahil ‘di niya alam ang ibig sabihin ‘non, tinawag niya ang kaibigan niyang bading na si Ruby.
    
      Si Ruby naman ang umupo sa harap ng screen at binasa uli ang chat ng foreigner.

“Show me your tits”.

    Sabay harap sa webcam at pakita ng ngipin.

Ang fans at ang boksingero

Sabi ng isang mama sa kausap niya,
“Grabe yung laban ni Manny. Umpisa palang suntukan na.”.

      Tumitigil ang buong Pilipinas kapag may laban si Pacquiao. Halos lahat sinasantabi muna ang kanilang ginagawa, mga barbero, jeepney driver, factory worker o maski holdaper o snatcher ay naka break muna para mapanood kung babagsak ba ang kalaban o mapapabagsak ba siya. Maluwag ang mga kalsada, pwede kang mag drag racing. Naka break rin kasi yung mga motorista. Lahat nasa bahay, kung ‘di sa maliit na t.v, malamang sa gymnasium o covered court. Lahat tulala, walang kumukurap. Sabay sa mainit na hangin ng abril na parang hininga ng batang nilalagnat. Tapos sa round 1 habang tahimik na nakatutok ang lahat sa malaking screen na inarkila ng baranggay, may sisigaw at babanat ng,
“Talo si Pacquiao! Unanimous Descision”.

Minsan naisip ko rin, nahahati ang sambayanan sa ilang grupo.

¤Normal- Mga tamang nuod lang habang tumatagay o kumakain ng kornick. Inienjoy ang napapanood na laban kesyo matalo o manalo man ang pambato.

¤Commentator- Mga maiingay pa kesa sa mga tao sa ringside. Laging may komento tungkol sa mga galaw ni Pacquiao.
Hal.
“Kung inuppercut niya na ‘yon edi sana tapos na sa round 1”.

¤Highblood- Kamag anak ng nasa itaas. Palaging masigaw dahil feeling niya matatalo siya sa pustahan. Parang kasalanan ni Pacquiao kung bakit nag break sila ng syota niya, iniwa siya ng alaga niyang pusa at nakatapak siya ng tae papunta ng gymnasium.

¤Messenger- Heto yung mga taong KJ. Hindi kuntento hangha’t di nila naibabalita na Talo si Pacquiao kahit alas 5 palang ng madaling araw sa Pilipinas at nag wawarm up palang yung mga boksingero.

     Pero ang realtalk, nagiging proud ka lang maging Pinoy kapag nananalo si Pacquiao. Tapos mag popost ka sa FB ng “Congrats Manny, Proud Filipino” na nakasulat sa ingles. Pero kapag natatalo, sinisisi ang mga judges na bias o binayaran. Asan ang pagiging Filipino dun?. Ang Filipino may sportmanship. May iba naman na galit kay Pacquiao, lalo na yung isang komedyante at yung mga fans ‘non. Tandaan, maiintindihan lang natin ang halaga ng isang bagay kapag nawala na ito. Balang araw isasabit na niya ang boxing gloves niya at magtutuloy sa simpleng buhay kasama ang pamilya.

Kaya congrats Manny Pacquiao. Mabuhay ka!.

Ba’t nasa labas ang brief ni Superman

     Bata palang ako mahilig nakong manood ng mga superhero movies. Dati yung erpat ko, umarkila ng complete set VCD ng Superman kung saan si Cristopher Reeves pa ang bida. Ayun yung tipong mamangha ka at maiisip mo na may mga taong nakakalipad pero pag tumanda ka na’t pinanood mo uli yung pelikula, nandyan at sasagi sa isip mo “Ay halatang peke, di nagugulo yung buhok”.
         Fan din ako ni Batman. Ang angas kasi ng mga gadget niya. Yung costume parang rakista, e lumaki pa naman ako sa pamilya ng mga musikero. Gustong gusto ko magkaroon ng mga laruan na batman. Pati poster. Kaso, walang pera si erpat kasi na hold ng chief nila yung sahod. E sobrang mapilit ako. Kaya one time, nagising ako alas 3 ng madaling araw sa ingay na parang may nag dadrawing. Pagbaba ko sa sala. Nakita ko tatay ko, pilit na tinatapos yung drawing na batman sa malaking kartolina. Dun ko nalaman ang tunay na meaning ng pagmamahal.
     At ayun, lumaki na mahilig pa rin manood ng mga super hero movies. Ngayon, paulit ulit sa isip ko, “Ba’t nga ba laging nasa labas yung brief ni superman?.”. Tapos naalala ko, sa pagmamadali, nakakalimutan kong magkaiba pala ng pares ang nasusuot kong medyas twing papasok ako ng school. Baka gan’on din si Superman.

Imaginary speech

My dearest countrymen,

Now I’m standing in front of you. Surviving the bruising electoral race. I stand tall and triumph. It is all because of you. And now it’s my turn to pay back and fulfill my promises.

In 60 days. I will clean this country and will get rid of these criminals.

So dare me mga putang ina niyo. Do bad things and tonight you’ll dine in hell. But be thankful, you’ll get a credit in history as the first criminal to be executed in my administration.

As I said during my campaign: pwede naman kayong mag negosyo. Magpatayo kayo ng furenaria. Let it help bloom our economy. Immigrants are not an exception, specially those drug courier. Slip drugs to my country and you’ll end up blind folded facing a firing squad. And those rapist and child molester, mga putang ina niyo, ako subukan niyo, ako mismo magbababa ng switch ng silya elektrika na uupan ninyo.

  To gain success we must first impliment discipline. It is time to sacrifice our pitty for good. Yes, I know you’ll raise your brows and complain that death penalty is inhumane but neither the crime they do is humane. They even do worse. I will not let another child be a victim of drug abuse, rape or violence. I will not let another sinfull hand lay upon an innocent. So expect a new program in T.V that will televise the execution.

       The use of solar energy for more efficient and reliable source of electricity will be develope. Nevermind the petition of those heartless rich guy in Meralco to shelve the idea, for it will harm their multi-million income. If it proves to be a success, NAIA will never be the same no more. Or atleast, distance itself from shameful controversy involving power shortage or Brown out. To those “laglag” bala gang, consider this a warning. Do that in my governance, i’ll put bullet in your temple. Mga putangina niyo.
 
    (Nawalan nako ng idea wahahaha.)

Back to the future: Elementary days

    Ihanda na ang seatbelt, icheck ang flux capacitor at mr.fusion, lilipad na tayo sa nakaraan gamit ag delorean. Ang time destination? 2001. Ang kwento ng aking buhay elementarya.
Ready?.

      Nagising ako sa ingay na gawa ng mga kaklase kong kumakanta ng;
   “Natutulog natutulog si Daney, si Daney, bigyan ng kamote bigyan ng kamote, pampa utot pampa utot”
      Sabay sa palakpak at tawanan. Pasimuno ang adviser namin. Lagi siyang ga’non kapag nakakakita siya ng natutulog sa klase. Maririnig mo nalang na sisigaw siya ng “Okay class stand up and sing my toes, my knees!”. Tapos mag tutuloy sa pagtuturo ng 1 apple plus 1 pineapple equals fruit salad.
        Pag tapos ng math, uupo siya sa likod. Ilalabas ang bag at hahalukayin ang mga supot ng yema na ipapabenta sa leader ng classroom namin. Ewan kung nakakapag patalino ba ang yemang tinda niya pero ang sigurado, tataas ang grade mo kapag ikaw ang pinag tinda at may bonus pang tawag na “Gwapo”.
        Tapos balik turo ng panibagong subject. Haban nagtuturo, nakatingin naman ako sa mga alphabet sa taas ng black board, pag natapos ko na ililipat ko yung tingi sa gilid ng classroom kung saan may poster ng mga pambansang sagisag at good manner and right conduct. Maya maya, tapos na ang subject. Recess.
         Ipapasok yung tray na puno ng paninda, puro junk foods. Malas kapag ikaw ang nasa hulihan kasi kundi nissin wafer, yung maliit na green candy na fresh ang matitira sa’yo. Wala kang magagawa kundi hipan hipan pataas habang nakatingala ‘yon.Pero swerte kung may tindang “Soup” na kadalasan spaghetti at champorado, hanggang ngayon tinatanong ko kung pa’no naging soup ‘yon.
      At balik nanaman sa subject tungkol sa mga weather. Pero ako nag dadrawin sa likod ng notebook. Pagtapos uwian na. Maghihintay sa labas ng gate sa sundo. Yung erpats ko yung sumusundo sakin dati gamit yung bisekleta. Konti palang ang may mga motorsiklo ‘non at wala kaming pambili dahil halos kasing halaga pa ng kotse. Pero may kotse kami.
     Minsan ang sarap ‘din balikan yung nakaraan. Yung tipong solution lang sa 1 apple plus 2 manggo lang ang problema mo tapos galos lang sa paa ang dahilan ng sakit.

Sa ngalan ng Mic

    Isang eksena sa isang birthday party: Sa isang malaking tent na ipinapahiram ng mga politiko, may mahabang lamesa at sa gilid nito ay may mga nag iinuman. Yung isa tamang kanta sa videoke kahit sintunado naman at wala pa sa tono. Tapos maya maya aagawin ng katabi yung mic pag malapit na sa chorus.

      Sabi nila, Pinoy daw ang nag imbento ng videoke. Mali. Ayon sa nabasa kong libro ng history of technology na phase out na ngayon, isang hapon na nagngangalang Daisuke Inoue   at hindi pinoy ang unang naka imbento ng Videoke na nuong panahon na ‘yon ay tinatawag pa lang na “Karaoke” na ang ibig sabihin ay “Kara” o empty at oskesotura “orchestra”. At sa maniwala ka’t sa hindi, naimbento niya ‘to dahil sa katamaran.
      Pero teka nga, ba’t ba humaling na humaling tayong mga Pinoy sa Videoke?. Gaya ng paliwanag kung bakit ang ganda ng boses natin kapag naliligo sa banyo, hindi ko rin alam.
    Sa isang birthday party o binyag, hinding hindi mawawala ang eksenang may bumibirit ng todo sa saliw ng awitin ni Whitney Houston, Regine Velasquez at Fralippo lippi. Sabay sa malamig at nakakapangilabot na gabi lalo na’t pag masakit ang ngipin o ag ulo mo. O ‘di kaya mga lasing na kumakanta ng “Samtayms when we tats….”. Parang hindi kumpleto ang party kapag walang kantahan. Pero minsan dahilan ‘din ito ng gulo gaya ng maalamat na pagkanta ng “My way”, aba goodluck nalang sa’yo. Lalo na pag kainuman mo si Bombom Hernandez.
    Sa dinamirami ng problema sa mundo, ang pang aagaw pa rin ng mic habang kumakanta ang no.1 na puno’t dulo ng gulo. Siguro dahil naiimbyerna sila dahil sa kumakantang sintunado o mga bading na mahilig mag falsetto ng boses para magtunog boses babae. Naalala ko tuloy yung dalawang barkada ko na nagsuntukan dahil nag agawan sa kantang “Magbalik”. Pero isa lang ang masasabi ko. Kailangan na mag patupad ng batas tungkol dito:

“Sa ikapapapayapa ng mundo, ikulong ang mga sintunado.”.