Follow me

Capture.PNG

Advertisements

3 AM thoughts: Don’t english me

Actually, ‘di ako naiimpress sa mga taong kinakausap ako ng english. Parang tanga. Nasa Pilipinas ka naman, hindi naman ako amerikano? ba’t papahirapan mo pa yung utak mong maghalukay ng mga salita para ma impress ako?. Matagal nakong nagsusulat ng english sa blog pero ‘di naman ako nagkakapera at di ko makita ang dahilan para mag enlish kapag Pinoy naman ang kausap.

     Intellectual? Brainy? ‘di bagay sa’yo. Smart-allecked siguro pwede. ‘Di mo naman pwedeng ibase ang talino ng isang tao base lang sa galing nilang magsalita ng banyagang wika (Lalim no?). Lalo na siguro kung pinipilit mo pang mag enlish kahit alam naming mga nakikinig sa’yo na nagiging katulad ka na ni Jimmy Santos. Maraming mokong diyan ang magagaling mag english lalo na kapag nag mumura (shit!). At maraming mokong ‘din ang nagiging fluent kapag asar na asar na:
“F@ck you! @$$hole!!”.

    Pero balik tayo, ‘Di mo naman talaga kailangan mag english kapag Pinoy ang kausap mo. Pwera nalang kung;

1.) Anak ka ng mga panginoong may lupa
2.) Nag aral sa ibang bansa o mga exclusive na paaralan.
3.) Call center agent
4.) May sayad.

Thank you Noy (P-Noy)

  A letter to the leaving president of my country.

    Naalala ko pa ‘nung inauguration mo sa Quirino Grand stand. Nandun ako. Sobrang bata ko pa ‘non (15 years old). At tuwang tuwa ako kasi isa nanamang Aquino ang mamumuno sa bansa.
     Sa likod ng mga bakal na harang na humahati sa mga nanunuod at nagpaparadang mga artista-nandun ako. Kitang kita kita. Kung makikita mo lang ako ‘non baka nakita mo ‘rin yung pag asa sa mga ngiti ko.
     Anim na taon ang nakalipas, aalis ka na ng Malancañan dahil may bago nang uupo para pamunuan ang bansa. Lahat nananabik, dahil darating na daw ang inaasahang pag babago; pero naaasar ako dahil hindi man lang sila nag pasalamat sa’yo.

Maraming salamat Noy.
  Kahit marami kang haters at maraming issue ang binato sa’yo di ka sumuko, Kahit ang daming
reklamo sayo na ba’t ‘di mo daw nasulusyonan ang
ibang problema ng bansa. ‘Di kasi nila alam na isa
lang ang katawan mo, buong bansa ang pinapatakbo mo at 24 oras lang ang meron ka sa
isang araw. Masyado kasi nilang tinitignan lang
‘yung kamalian mo. Magaling lang naman silang
manisi. Kahit papano marami kang nagawa at nagpapasalamat ako ‘don. I guess ga’non talaga. Mas gugustuhin pa daw ng tao na bumalik sa panahon ni Makoy. (Filipinos are desperate to have another Dictator. ‘Di kasi sila nag babasa ng libro tungkol sa Martial Law. At tingin nila, golden years yung mga panahon na ‘yun pero nirerespeto ko ang paniniwala nila)

    Basta salamat uli Noy. Salamat dahil pinaglaban mo ang Spratlys, salamat sa pag ligtas mo kay Mary Jane Veloso, salamat sa 4p’s marami ang natulungan nito, salamat sa ligtas na APEC summit at Papal Visit, Salamat sa kalayaang binigay ng administrasyon mo. At pang huli Salamat at ‘di mo ginaya si Gloria- tinupad mo ang pangako mong ‘di ka magnanakaw.
 

Ang pinaka soysal na mura

Paalala ang susunod na mababasa ay bawal sa mga bata, pwera na lamang kung makulit ka. Sige basahin mo na.

     Naglalakad ka papuntang sakayan ng jeep. Maulan pero may dala ka namang payong kaya keri na. Tapos sobrang proud ka kasi sobrang puti ng uniform mo dahil 7.50 nalang ang Ariel. Kaso. May humarurot na motor at nag talsikan ang mga putik sa polo mo. Bigla ka nalang napasigaw ng sosyal na mura:

“Puñeta!!!!”

  ‘Di ko alam kung saan ba nag mula ang salitang puñeta pero siguro sa mga kastilang nabibwisit na sa mga rebolusyunaryo dahil ‘di nila mahuli:
“Ay puñeta na mana indio! cailangan na mahuli nan di na pamarisan pa!!!”.

       ‘Nung bata ako, madalas kaming sermonan ng erpat namin na puro curse word. Nakakatakot siya lalo na pag galit. Pero pag tapos, bigla siyang babait at mag sasalita ng: “Wag niyo gagayahin ‘yon. Galit lang ako kaya nasabi ko ‘yon”.

      Ngayon, wala na si erpat pero yung mura nanaitili pa ring lumiligid. Hindi ko nga naririnig pero nababasa ko naman. Lalo na sa mga tao sa social media pag nag paparinigan.

Girl 1: Ang landi mo pu!$@:@; mo!
Girl 2: Mas malandi ka P;!#^#;# ka!!!

me: *sign of the cross

       Siguradong may matinding parent issue yung mga ‘yon. Nababasa palang ‘yon aa. Pano pa kaya kung maririnig mo. Mas malutong pa sa Lapid’s chicharon. Parang ang sarap sabunin ng mga bibig.

Pero.

      Miski rin naman ako napapamura pag badtrip. Lalo na pag nag lalakad ka tapos makakatapak ka ng ebak? Ay shit!.

Diba?

   Wala namang taong perpekto. Kung ang presidente nga malayang nakakapag mura e ikaw pa kaya?. Bugso na ng galit ang dapat sisihin kapag nag mumura ang isang tao. Gaya ng pag labas ng dumi pag may LBM, ‘Di mo to mapipigilan kahit pa sabihin mo na lalagyan mo ng sili ang mga bunganga nila o puputulan mo ng dila (Pwede pa rin silang mag mura gamit ang gitnang daliri).

E ano naman kung palamura? Masama ang ugali?
Sino ba ang masama? ang mga taong napapamura dahil badtrip sa pamahalaan o yung mga miyembro ng gobyernong nagnanakaw na di nag mumura?.

Kaya. Puñeta,! !@#$! magmurahan tayo!.

Makuha ka sa “Seen”

Note: Feb, 07. 2016

Hoy Ikaw!,
      Yung pabango mo naiwan na ata sa ilong ko. Lols. May sasabihin ako sa’yo.
    Gusto kong magtampo. ‘Di dahil sa abnormal ako, kundi dahil sa namimiss ko na yung lambing mo. Busy ka kasi lagi. Wala kang oras kausapin ako. Pero may oras kang ipa mukha sakin na siniseen mo ko. Supalpal sa pagkatao ko ‘yon. Pero sinasantabi ko yung pride ko. Dati sabi ko sa’yo 5’7 ako. Joke ko lang ‘yon. 7 footer ako, di ko nalang sinama kung gano kataas yung pride ko.
    Gusto kong mag mura. Lagi nalang kasi akong nagmamahal. You know? para maiba naman. Boom!. ‘Di to long sweet message, wag kang ano ‘dyan. May kilala ka bang nag I lsm nang galit? wala diba?. Lakas ng tama neto o, positive na positive.
      Mag dadrama ako dito mismo sa fb. Public. Dahil wala akong mapag sabihan ng problema, busy yung bestfriend ko kasi nagtatrabaho tapos yung alaga kong aso pina ampon na ng ermats ko, ang saya diba? tsaka bakit sa fb? dahil di lang naman sa banyo pwede mag labas ng sama ng loob diba? literal!.
    Busy? walang oras? e kung regaluhan kaya kita ng relo? o ng wall clock, o kaya pag kulang pa rin e pagiipunan kong bilhin yung Big ben sa London, yung torreng may malaking orasan?.
     Ba’t ganon?  20 seconds lang ang kakailanganin para makapag reply sa text o kaya sa chat pero ba’t parang ang laking abala sa’yo? pero in fairness. Ang effort mo. Nag effort ka pang I seen talaga ako. Pwede mo naman buksan lang yung message tapos I mark as unread mo para di halata diba?

Parang gusto mong ihampas sa pagkatao ko na “Aa sineen kita! heto saging akyat kang puno dun ka mag emote!”. Pero okay lang. Wala lang naman talaga sakin. Nag eemote lang ako kasi pinamigay yung alaga kong aso tsaka may nang aasar sa fb, “Aa di kana priority”.
    Sana matuto rin akong baliwalain ka. Sana lumipas yung araw na di ko inaalala kung kumaen ka na ba, kung may dala ka bang payong, kung okay na pakiramdam mo, o kung nakauwi ka ba nang maayos. Sana talaga. Pero lintek na sana ‘yan hanggang sana lang talaga.
      Marami akong gustong sabihin sa’yo, marami akong gustong ikwento, marami. Sana pag nagkaoras ka, tawagan mo naman ako. Usap tayo. ‘Di ako mag iiba ng number, wala naman akong pambili ng bagong sim e. Kahit ganyan ka, ganyan ka talaga. At kakapit ako sa mga sinabi mo nung gabing ewan kung busog ka lang kaya ka masaya o nakalimutan mo lang inumin yung gamot mo kaya mo nasabi ‘yon. Kakapit ako, sa pinagsasabi mo dahil chill, ilang months nalang 1 year na tayo. Diba sabi ko dati, walang titibag? Jejeje PrInCe D4ni3l meehehez! yun lang.

Ang pagbabalik sa baley na Calasiao

    Kita ko mula sa bintana ng bus na sinakyan ang pasikat na araw-naalala nanaman kita. Habang palapit nang palapit, lalong nanabik na makita ka. Pero. Dalawa kayo na babalikan ko. At tingin ko, ‘di ko kayang pumili sa inyong dalawa.
   
      Nang huminto ang bus upang magpagasolina,  may umakyat na mama’ na nagtitinda ng pasalubong: peanut brittle, banana chips at yung putong calasyao na naka balot sa dahon ng saging at plastic na pagoda. Alam kong malapit nako sa destinasyon, dito lang may nag titinda ng ganitong puto. Dito lang.

      Ilang minuto pa ang itinagal ng biyahe at napadpad na rin kami sa bababaan. Inakay ko ang dala kong bag at lumakad pababa. Naghintay sa istasyon ng tricycle. Natagalan pa ‘non bago lumarga dahil hindi agad napuno ang tricycle dahil maaga pa (Parang jeep ang tricycle dito, hintayan mapuno. Kung V.I.P ka, magbabayad ka ng 80 pesos.) Buti nalang may sumakay na kasing edad ko at nag bayad ng 80 pesos para bumyahe na ang tricycle.  Medyo malayo ang sakayan papunta sa baranggay namin. Bukod sa maputik pag umulan, lubak lubak din minsan ang daanan. Sakto umaambon ‘non kaya nangingibabaw ang amoy ng tuyong lupa at dahon pag nababasa ng ulan (anyway bago ako umalis ng maynila, abot singit ang pawis ko dahil nahihiya ata ang ulan na bumuhos dahil sa mga nag sasayawang politiko sa mga meeting de avanse).

       Sa wakas, narating ko na rin ang baranggay. Konting lakad pa at napadpad na rin ako sa bahay. Nan ‘don pa rin ang mga bandiritas na ikinabit ‘nung nag daang pista at masasaya pa rin ang mga kapitbahay na bumati sakin-para tuloy akong sikat na artista o OFW na maraming pasalubong na tsokolate.

       Lumabas ang pinsan ko upang kunin ang bitbit kong bag upang ipasok sa bahay. Sumunod na rin ako papunta. Sinalubong ako nila papang at nanang sa sala. Ang daming pagkaen. Pero dahil sa pagod. Umaykat nalang ako sa dati kong kwarto at natulog.

      Kinabukasan. ‘Di pa rin ako kumpleto. May dahilan kasi kung bakit ako umuwi dito-pero hanggang ngayon walang reply. Umupo uli ako sa gawagawang bangko’, umaasa na lalabas siya ng bahay at mag aalok ng kape. Pero wala. May tampo ba siya sakin? baka. Dahil dalawa silang dahilan ng pag balik ko.

      Kahapunan ng pumunta ang dalawa niyang kapatid sa bahay, lagi silang nandito. Sila Kyowa at Hanabishi, mga anak ni Mang Esteban na ipinangalan sa Appliances dahil akala niya pangalan ng anime. ‘Di nawalang maitanong ko sa dalawa ang tungkol sa kanya.

“Si Karla? aay sungit nga e ilang araw na.”
“Bakit?”
“Kupal ka daw kasi e.”.
“Wala akong ginagawa. Ewan ko kung bakit nagalit sakin.”
“Hayaan mo tutulungan ka namin”.

     Kahit wala akong tiwala sa dalalawang ugok, nabuhayan pa rin ako dahil umaasa akong kakausapin niya uli ako.

      Maya maya, bumalik si kiyowa na may dalang gitara. Medyo lasing na kasi. Inaya nila ako sa tapat ng bahay nila. Dahil ‘di ko alam ang nangyayare sumama ako. Maya may sumigaw si Hanabishi.
   “Karlaaang nandito si Dane kakantahan ka o!.
   
   Guto kong tumakbo patakas ngunit ‘di ko nagawa nang dumangaw na siya sa bintana. Kita ko sa mata niya ang inis kahit madilim na ‘non. Maya mata nag simula nang tumugtog ng gitra sa Kyowa.

“Kata na dali”

“Ha? ano kakantahin ko?”

” Parokya dali”

    Kasabay ng pag ihip ng hangin ang pag awit ng garalgal at sintunado kong boses dahil sa kaba.

“Uso pa ba ang harana
marahil ikaw ay nag tataka
sino ba tong mukhang gago
nakandarapa sa pagpagkanta
at nasisintunado sa kaba”

   Maya maya ay nakita ko na siyang ngumiti kahit pilit. Dumungaw na  rin ang tatay niya at nagsalita.
“Ay uso pa pala ang ganyan? naalala ko karla, ginawa ko ‘yan sa mama mo, kaso binuhusan niya ako ng tubig e.”
   
    Natawa si Karla sa biro ng papa niya at nakinig sa awit ko habang nakadantay ang mukha sa dalawang kamay. Kahit hiyang hiya dahil dumarami ang taong nanunuod at nag hihiyawan, inisip ko nalang na para kay Karla to. Para sa kanya lahat gagawin ko. Kasabay ng pag ihip ng hangin ay ag pag awit ko sa kanya, sa ilalim ng bilyong bituwin, sa ilalim ng maiwanag na buwan at sa harap ng tsismosang kapitbahay.
     
     Natapos ang harana, nag palakpakan lahat. Pinatuloy ako ni Mang esteban sa bahay nila perp si Karla pumasok na sa kwarto. Siguro’y galit pa rin. Nag usap nalang kami ng papa niya at ng mga kapatid tungkol sa mga nangyare sa Maynila. Pagsapit ng alas diyes ng gabi, nag paalam na ko upang umuwi sa bahay. Pero bago ako bumaba, naaninag ko na bumukas ang kwarto niya. Alam kong siya ‘yon. At susubukan ko pa ring suyuin siya bukas.

         Kinabukasan, maaga pa lang ay nag punta nako sa kanila, tinulungan kong mag pitas at mag buhat  ng saging  si Mang Esteban, pati ang pag igib kasama sina kyowa mula sa poso. Tapos sinamahan ko siyang mamalengke sa bayan.

       Magkasama kami papunta sa pamilihan pero walang nagsasalita sa amin. Mas kinakausap pa nga nita yung driver ng tricycle kesa sakin. Nakarating kami sa pamilihan, habang namimili. Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanyang mukha. Ang ganda niya talaga. At masasabi kong napaka swerte ko dahil ako ang napili niya.

         Bumalik kami sa bahay nila. Pero ‘di niya ako kinikibo. ‘Di ko tuloy masabi na bukas babalik na ko ng maynila upang mag pa enroll. Hinayaan ko nalang.

        Kinabukasan, pilit akong pumunta sa sakayan ng bus kahit parang ang bigat ng dalawang paa ko at paramg ayaw ko lisanin ang baranggay. Naisip ko kasi na hindi pa kami nag kakaayos at hindi pa ako nakakapag paalam sa kanya.
        Pagdating ko ‘don. Nakita ko si Karla nakatayo, nag hihintay. Lumapit ako sa kanya pero naka simangot siya. Mayamaya nagsimula na siyang mag salita.

“Aalis ka na? ‘di ka man lang nag paalam? kung ‘di pa sinabi sakin nila kuya ‘di ko pa malalaman? ano ba ako sa’yo?”

Payuko akong sumagot
“Sasabihin ko sana kaso galit ka e”

“Diba dalawa kaming sinadya mo dito kaya ka umuwi? edi dun ka na!”

“Oo nga, nandito na ako. Sayo tsaka sa Calasayo. Dalawa kayong binalikab ko.”

“Ca.. Calasyao? dito sa atin?”

“Oo. Ikaw tsaka yung lugar na ‘to. Dalawa kayong dahilan kung bakit gusto kong bumalik dito. Gusto kong kasama kita dito. Gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka dito. Dito hindi sa Maynila. Kaya wag ka nang mag tampo sakin. Sorry. Mahal na mahal kita, ‘di ko kayang magtaksil sa’yo.”

   Kasabay ng pagtulo ng luha mula sa kanyang mata ay ang pagyakap niya sakin at pag hingi ng sorry. Tinignan ko siya mata at sabay sabi ng

“Ilang taon nalang Karla, gagraduate nako. Pagtapos ‘non uuwi na’ko sa’yo. Sana mahintay mo ko”.

Sumagot siya
“Oo naman, pektusan kita e ang drama natin o”

Sabay halik

     Tanaw ko sa bintana ng bus ang pagkaway at pagngiti niya. Ngiti ng taong nagpapasaya sakin at kumukumpleto ng buhay ko. Parang sinag ng araw. Kahit medyo malungkot, masaya pa rin ako dahil nagkaayos kami. Ilang taon nalang. Nanabik na ko ‘non.  At isasama ko siya sa pag akyat ko sa entablado at pagtapos isasama ko uli siya,….. sa harap ng altar.