Politika nga naman

Politika nga naman sa Pilipinas. Puro siraan. Masisilip ito mula pa nung panahon ng mga kastila.
History 101. Mga nakikinig kay skusta clee kung di niyo alam.

*Andres Bonifacio- ‘Dun palang sa Tejeros Convention kung saan nahalal bilang direktor interior si Boni ay nagkaroon na ng siraan. Isang Caviteño na si Daniel Terona ang tumutol sa paghalal sa Supremo. Sabi ni Terona, hindi raw maaaring magkaroon ng ganong posisyon ang isang taong hindi nakapag aral ng abogasya at sa halip ini rekomenda ang isang abogado na si Jose del Rosario. Dahil sa pag insulto, uminit ang ulo ng supremo at tinutukan si Terona ng baril ngunit inawat ni Artemio Ricarte. Pagkatapos ng pangyayare, idiniklara ng supremo na Null and void ang ginanap na halalan. Dito rin nag simula ang kaunaunahang political violence dahil sa sulsol na rin ng mga nasa paligid ni Aguinaldo na baka ikudeta ng Supremo ang Gobyerno at balak daw na patayin ang presidente, pinlano nilang litisin at patawan ng parusang kamatayan ang magkapatid na Andres at Procopio sa bundok magpatong. (Oo, may kinalaman si Aguinaldo sa pagkamatay ni Bonifacio,  Ayon sa “La revolucion Filipina” na isinulat ni Apolinario Mabini, si Aguinaldo lamang ang dapat sisihin sa
pagkasawi ni Gat Andres Bonifacio at Heneral Luna dahil sa kaniyang sobrang paghahangad ng kapangyarihan.   ).

*Emilio Aguinaldo- 1935, panahon naman ng mga amerikano nang tumakbo si Aguinaldo sa pagka presidente. At ang kalaban? Si Manuel L. Quezon. (‘Nung panahon ng Philippine-American war, si Quezon ay naging ayuda de campo ni Aguinaldo.). ‘Dahil tuso, ang tsimis. Sa pangunguna ng dating katipunerong si Guillermo Masankay, pinahukay daw ni Quezon ang labi ni Bonifacio sa bundok magpatong upang i display at gawing black propaganda. Kanino nga ba maiiuugnay ang pagpatay kay Bonifacio? edi sa katunggali ni Quezon sa politika-si Aguinaldo. (Pero duda ang ilan na buto nga ni Bonifacio ang nahukay, dahil isang pares lang ‘yon. Kung maaalala, dalawa sila ng kapatid na si Procopio ang pinatay. At kung may nakakaalam man kung saan inilibing ang labi ng dalawa, ayun ay si Lazaro Macapagal na heneral ng rebolusyon na inatasan sa pagyayare.).

(Itutuloy, nakakagutom e)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s