Chasing Potato chip

   Para tuloy akong si Bubba Blue minus the shrimp talk sa pelikulang Forrest Gump:

” Anyway, like I was sayin’, Potato is the
vegetable of life . You can barbecue it,
boil it, broil it, bake it, saute it. Dey’s
uh, potato chips, potato fries, potato swirls, potato grain snack, mashed potato…. “.

   Biruin mo, nag lakbay ako ng dalawang kilometro maka bili lang ng potato chips. Sold out kasi sa mga tindahan sa’min pati mga maliliit na grocery walang stock. Waaaah potato chips!!..

     “Potato potato potatoooooo!!”.
    ‘Yan ang paulit ulit na dumadaan sa isip ko. Paulit ulit habang nakasakay ako ng jeep papunta sa pinakamalapit na Puregold. (dalawang sakay, ayun na ‘yung pinaka malapit.). Habang palapit nang palapit. Lalo akong nananabik mahawakan ang isang balot ng potato chips. Saktong tanaw ko na ang bilihan kaya bumaba na agad ako at napatakbo sa loob.
       Dahil hindi ko alam ang pasikot sikot sa puregold, nag tanong ako sa isang promodiser kung saan makakabili ng potato chips.

Me: Boss, ‘san ba dito yung isle ng potato chips
Diser: Ano ho?
Me: Saan dito yung isle ng mga potato chips
Diser: Aa duon po sa condiments. Isle 4

   So sumunod ako. Pagdating ko sa isle na ‘yon. Nagulat ako sa bumungad sakin Walang potato chips. Puro lata at pakete ng tomato paste.

Advertisements

3 thoughts on “Chasing Potato chip

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s