Minsan merong “You and I”

    Matagal ko na sanang ikikwento ‘to e. Kaso busy lang talaga-busy sa pagtakip ng tenga ‘twing may dadaang kotse ng mga nangangampanya na nagpapatugtog ng katakot takot na political jingle. “Tesda tesda maaaan lalalalala!”. Mapapa Omaygad ka nalang talaga.

Bale,

   Inadd ako sa Fb ng crush ko ‘nung highschool. Medyo nagulat ako kasi dati ‘di niya ako pinapansin. Kahit ata mahimatay ako sa harapan ‘nun e di talaga ako ‘non papansinin.  Suki kasi siya ng mga pageant sa school at masasabi mong campus crush kasi talagang maganda.
    So pag accept ko, maya maya nag PM siya sakin. Sobrang nagulat ako (Sobra as in super, mag kaiba yung nagulat lang at sobrang nagulat.). Siyempre ba naman  ikaw ba naman i pm ng crush mo e di ka ba naman mapapa talon sa tuwa. Tapos ‘nung binasa ko:

   “Hi classmate, busy ka tomorrow? dinner tayo? if you’re not busy?”.

    So ako, siyempre crush ko, nag pabebe muna ako sabi ko.
   “Ahhm nanaginip ba’ko?”.

And then nag reply siya
    “No you’re not, tomorrow aa? 3Pm sa Mega. Akin na contact mo”.

   Then binigay ko contact ko at na excite hanggang kinabukasan.
     
Tapos nandun na ako sa mega. Malayo palang kita ko na siya. Ang laki ng nadagdag sa timbang niya. As in Pandesal. Tapos sabi niya.

“Bago tayo mag dinner, samahan mo muna ako please?. Punta lang tayo sa work ko”.

      Sumakay kami ng Bus papuntang Robinson ortigas tapos tumawid sa kabilang kalsada. Dinala niya ako sa isang malaking building kung saan may gwardyang nanlalaki ang mata. Pagtapos kaming papasukin, nakita ko sa loob ang madaming taong naguusap, tingin ko yung iba dala lang rin ng mga kasama nila. Tapos pag pasok namin sa loob ng malaking kwarto kung saan may nag seseminar at yung nag sasalita may hawak na sabon, kape at lotion at nag kikwento ng dahil daw sa pagbebenta niya ng sabon, lotion at kape, nagkaroon siya ng kotse, bigla kong naisip:
    ” Tangina, Marketing ‘tong napuntahan ko.”.

    Dahil pagod na sa kakasalita ang nag seseminar, nakipag palitan siya sa isa pang “yumaman” din daw dahil ‘don. (Hindi talaga ako naniniwala sa mga nag sasabing yumaman sila dahil sa pagbebenta ng sabon, kape at lotion. Mas naniniwala pa ako kung sasabihin nilang nagbibenta sila ng bato). Pasimple akong umisip ng paraan kung paano makakauwi. Sabi ko “Uy CR muna ako aa, san CR dito?”. Tinuro ng crush ko yung CR pero sa exit ako pumunta, tuloy tuloy hanggang sa sakayan ng bus. Dinner niya mukha niya.
     Habang sakay ako ng bus pag uwi, napuno ng galit at puot ang aking puso. Dapat talaga mag patupad na ng batas upang parusahan ang mga taong paasa. Mga taong yayain ka mag dinner o mag kape, yun pala dadalhin ka sa Marketing.

Tapos nag text siya

“Ayaw mo bang yumaman?”.

Advertisements

One thought on “Minsan merong “You and I”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s