Not a typical rockstar

 

image

Actually, everytime na naririnig ko ang salitang “rockstar”. Bigla biglang sasagi sa isip ko si Pepe Smith na may hawak na gitara at may sigarilyo sa bibig o kaya mga payat na maraming tatoo, lubog ang pisngi at mahahaba ang buhok-‘yun bang mukhang adik at mapadaan lang ata ng presinto e huhulihin na ng mga pulis.

Lumaki ako sa pamilya ng mga musikero. ‘Pag sinabi kong musikero, hindi ito ‘yung basta basta nakikinig lang ng musika-tumutugtog mismo ng musika. Leadista ang erpat ko sa banda ‘nung kabataan niya (Bago pa siya maging pulis).Β  ‘Nung mga panahong ‘yun kung saan nasa ilalim ng diktadurya ang bansa, siya namang usbong ng mga “hippie”-at isa ang erpat ko ‘dun. Sila ‘yung mga tumutugtog kapag merong music fest, mahahaba ang buhok, payat at laging naka belly bottom. Masasabi mo nga raw talaga na “Sex, drugs and rock and roll”.
90’s naman ‘nung yung panganay kong kapatid ang naging leadista sa banda, sumunod
yung isa ko pang kuya ‘nung bandang 2006 tapos 2010 up to present ako naman.

Pag sinabing “Rakista” ka, parang ang sama ng dating sakin e. Para kang sinabihan na “Drogista ka?”. Kung iisipin mo, rock o bato rin ang tawag sa shabu na kadalasang ginagamit ng mga nagbabandang ayaw nang umusbong ang career. At nakakainsulto, mas gusto kong tinatawag akong musikero.

Pero, hindi ako yung typical na rockstar. Kung sukatan ng pagiging rockstar sa kanila ay “sex, drug and rock & Roll” malamang tanggal na ko ‘don. Una, hindi ako nag da drugs, ni alak at sigarilyo ‘di ko tinikman at bugbog sarado ako sa girlfriend ko kung mambababae pako. Abutin nga lang ako ng alas onse sa gig, inaaway nako e. Siguro maihahalintulad ko nga ang sarili ko sa Jonas Brothers o kay Daniel Padilla, yun bang :
“Hindi ka naman rockstar e, pero nag papaka rockstar ka, so shut up nalang”.

Ang mahalaga lang naman e, yung makatugtog ka dahil ayun ‘yung passion mo. Hindi na mahalaga kung tatawagin ka nilang “boloks” o nagpapanggap o kaya sundin ‘yung talagang lifestyle ng mga taong nag babanda. Hindi mahalaga kung ano yung pinapapakinggan mong mga kanta, kung rage against the machine man ‘yan, pantera o metallica o kaya Imelda Papin o Justin Bieber-as long as naiimpluwnesiyahan kang mahalin pa lalo ang musika.
More Photos

 

Advertisements

40 thoughts on “Not a typical rockstar

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s