Kwentong Musikero

Sabi ng sikat na amerikanong Makata na si Pitbull:

Oooooeeeeeeeeeeeeeeiiiiii!
Burrito mama casa cabeza
Andale andale el niño cerveza
Mister World Wiiiiiide
macadadofinifanabootybadahammatime
yayayayayankovichesoirpopipogalazipperoscardri
ppertoscaoppenheimer, Dale
Sydney.
Mumbai.
Osaka.
Oslo.
Miami
Manila
Parañaque
Divisoria
O isa pa isa pa lalarga na! Dale!.”.

  Pero siyempre joke ko lang ‘yan. Actually, tuwang tuwa ako kay Pitbull. Bakit?. Siyempre, siya lang ata yung rapper na may introduction sa kanta e. So alam mo kung kailan mo ililipat yung kanta sa playlist mo-pero teka nga, may mga tao pala talagang nakikinig ‘don?.
   
     Tingin ko, habang paunlad nang paunlad ang mundo, papasagwa naman nang pasagwa ang mga kantang nauuso dito. Kung dati may kantang Imagine ni John Lennon, ngayon mayron ka ng “My anaconda don’t, my anaconda don’t want none  unless you got buns hon.”. Mga kantang maganda lang pakinggan pero ang sagwa ng lyrics- tungkol sa pwet ni Nicky Minaj.

    Tapos sa Pilipinas, may umuusbong na mga rapper na puro mura ang lyrics. Kung dati mayron kang Francis M. na kumakanta tungkol sa kulturang pinoy, ngayon mayron ng Skusta Clee na walang ibang ginawa sa kanta kundi turuang mag mura ang naka babata mong kapatid- Nagulat nga ako ‘nung kumanta yung 6 years old kong pamangkin ng “Kaya ayaw na kitang kanain kasi sa una ka lang magaling”.

     Tingin ko, sobrang laki ng ipekto ng musika sa tao. Pag badtrip ka sa boss o sa prof mo, salpak mo lang yung earphone sa tenga tapos patugtugin mo yung playlist, maya maya para ka nang wala sa totoong mundo. Wala kang pake sa katabi mo kung nag bubunganga ba ‘yan o minumura ka na ng malutong. Pero swear, nakakinis ‘din palang may kumakausap sa’yo habang naka earphone ka.
 
     May matindi ring dahilan kung bakit di ako nanunuod ng mga talent show tungkol sa pagkanta. Lalo na kung artista lang ‘yung judge o kaya pilit na singer na naka auto tune lang ang boses sa recording. Yung papanoorin mo yung isang contestant na ilang taong nag practice tapos sasabigan lang ng judge na “Not enough, sorry more practice pa”. Diba?. Buong buhay niyan ginugol niya para sa pag awit tapos sasabihan lang ng ga’non ng judge na kaya lang naman nagka platinun records dahil maganda o gwapo (Kung ga’non ang sukatan ng galing sa pag awit, para saan pa ang microphone?). Buti pa dati may Regine Velasquez na talagang magaling kahit sabihan ka na more practice e maniniwala ka dahil napag daanan niya na rin ‘yon.

     Sana dumating yung araw na mas nangingibabaw satin yung Original Pinoy Music kesa sa nga foreign, sana mas nauuso yung catchy na kanta na maganda ang ibigsabihin ng lyrics at sana,
 
   Unahin ng bagong presidente si Skusta Clee.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s