Ang pagbabalik sa baley na Calasiao

    Kita ko mula sa bintana ng bus na sinakyan ang pasikat na araw-naalala nanaman kita. Habang palapit nang palapit, lalong nanabik na makita ka. Pero. Dalawa kayo na babalikan ko. At tingin ko, ‘di ko kayang pumili sa inyong dalawa.
   
      Nang huminto ang bus upang magpagasolina,  may umakyat na mama’ na nagtitinda ng pasalubong: peanut brittle, banana chips at yung putong calasyao na naka balot sa dahon ng saging at plastic na pagoda. Alam kong malapit nako sa destinasyon, dito lang may nag titinda ng ganitong puto. Dito lang.

      Ilang minuto pa ang itinagal ng biyahe at napadpad na rin kami sa bababaan. Inakay ko ang dala kong bag at lumakad pababa. Naghintay sa istasyon ng tricycle. Natagalan pa ‘non bago lumarga dahil hindi agad napuno ang tricycle dahil maaga pa (Parang jeep ang tricycle dito, hintayan mapuno. Kung V.I.P ka, magbabayad ka ng 80 pesos.) Buti nalang may sumakay na kasing edad ko at nag bayad ng 80 pesos para bumyahe na ang tricycle.  Medyo malayo ang sakayan papunta sa baranggay namin. Bukod sa maputik pag umulan, lubak lubak din minsan ang daanan. Sakto umaambon ‘non kaya nangingibabaw ang amoy ng tuyong lupa at dahon pag nababasa ng ulan (anyway bago ako umalis ng maynila, abot singit ang pawis ko dahil nahihiya ata ang ulan na bumuhos dahil sa mga nag sasayawang politiko sa mga meeting de avanse).

       Sa wakas, narating ko na rin ang baranggay. Konting lakad pa at napadpad na rin ako sa bahay. Nan ‘don pa rin ang mga bandiritas na ikinabit ‘nung nag daang pista at masasaya pa rin ang mga kapitbahay na bumati sakin-para tuloy akong sikat na artista o OFW na maraming pasalubong na tsokolate.

       Lumabas ang pinsan ko upang kunin ang bitbit kong bag upang ipasok sa bahay. Sumunod na rin ako papunta. Sinalubong ako nila papang at nanang sa sala. Ang daming pagkaen. Pero dahil sa pagod. Umaykat nalang ako sa dati kong kwarto at natulog.

      Kinabukasan. ‘Di pa rin ako kumpleto. May dahilan kasi kung bakit ako umuwi dito-pero hanggang ngayon walang reply. Umupo uli ako sa gawagawang bangko’, umaasa na lalabas siya ng bahay at mag aalok ng kape. Pero wala. May tampo ba siya sakin? baka. Dahil dalawa silang dahilan ng pag balik ko.

      Kahapunan ng pumunta ang dalawa niyang kapatid sa bahay, lagi silang nandito. Sila Kyowa at Hanabishi, mga anak ni Mang Esteban na ipinangalan sa Appliances dahil akala niya pangalan ng anime. ‘Di nawalang maitanong ko sa dalawa ang tungkol sa kanya.

“Si Karla? aay sungit nga e ilang araw na.”
“Bakit?”
“Kupal ka daw kasi e.”.
“Wala akong ginagawa. Ewan ko kung bakit nagalit sakin.”
“Hayaan mo tutulungan ka namin”.

     Kahit wala akong tiwala sa dalalawang ugok, nabuhayan pa rin ako dahil umaasa akong kakausapin niya uli ako.

      Maya maya, bumalik si kiyowa na may dalang gitara. Medyo lasing na kasi. Inaya nila ako sa tapat ng bahay nila. Dahil ‘di ko alam ang nangyayare sumama ako. Maya may sumigaw si Hanabishi.
   “Karlaaang nandito si Dane kakantahan ka o!.
   
   Guto kong tumakbo patakas ngunit ‘di ko nagawa nang dumangaw na siya sa bintana. Kita ko sa mata niya ang inis kahit madilim na ‘non. Maya mata nag simula nang tumugtog ng gitra sa Kyowa.

“Kata na dali”

“Ha? ano kakantahin ko?”

” Parokya dali”

    Kasabay ng pag ihip ng hangin ang pag awit ng garalgal at sintunado kong boses dahil sa kaba.

“Uso pa ba ang harana
marahil ikaw ay nag tataka
sino ba tong mukhang gago
nakandarapa sa pagpagkanta
at nasisintunado sa kaba”

   Maya maya ay nakita ko na siyang ngumiti kahit pilit. Dumungaw na  rin ang tatay niya at nagsalita.
“Ay uso pa pala ang ganyan? naalala ko karla, ginawa ko ‘yan sa mama mo, kaso binuhusan niya ako ng tubig e.”
   
    Natawa si Karla sa biro ng papa niya at nakinig sa awit ko habang nakadantay ang mukha sa dalawang kamay. Kahit hiyang hiya dahil dumarami ang taong nanunuod at nag hihiyawan, inisip ko nalang na para kay Karla to. Para sa kanya lahat gagawin ko. Kasabay ng pag ihip ng hangin ay ag pag awit ko sa kanya, sa ilalim ng bilyong bituwin, sa ilalim ng maiwanag na buwan at sa harap ng tsismosang kapitbahay.
     
     Natapos ang harana, nag palakpakan lahat. Pinatuloy ako ni Mang esteban sa bahay nila perp si Karla pumasok na sa kwarto. Siguro’y galit pa rin. Nag usap nalang kami ng papa niya at ng mga kapatid tungkol sa mga nangyare sa Maynila. Pagsapit ng alas diyes ng gabi, nag paalam na ko upang umuwi sa bahay. Pero bago ako bumaba, naaninag ko na bumukas ang kwarto niya. Alam kong siya ‘yon. At susubukan ko pa ring suyuin siya bukas.

         Kinabukasan, maaga pa lang ay nag punta nako sa kanila, tinulungan kong mag pitas at mag buhat  ng saging  si Mang Esteban, pati ang pag igib kasama sina kyowa mula sa poso. Tapos sinamahan ko siyang mamalengke sa bayan.

       Magkasama kami papunta sa pamilihan pero walang nagsasalita sa amin. Mas kinakausap pa nga nita yung driver ng tricycle kesa sakin. Nakarating kami sa pamilihan, habang namimili. Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanyang mukha. Ang ganda niya talaga. At masasabi kong napaka swerte ko dahil ako ang napili niya.

         Bumalik kami sa bahay nila. Pero ‘di niya ako kinikibo. ‘Di ko tuloy masabi na bukas babalik na ko ng maynila upang mag pa enroll. Hinayaan ko nalang.

        Kinabukasan, pilit akong pumunta sa sakayan ng bus kahit parang ang bigat ng dalawang paa ko at paramg ayaw ko lisanin ang baranggay. Naisip ko kasi na hindi pa kami nag kakaayos at hindi pa ako nakakapag paalam sa kanya.
        Pagdating ko ‘don. Nakita ko si Karla nakatayo, nag hihintay. Lumapit ako sa kanya pero naka simangot siya. Mayamaya nagsimula na siyang mag salita.

“Aalis ka na? ‘di ka man lang nag paalam? kung ‘di pa sinabi sakin nila kuya ‘di ko pa malalaman? ano ba ako sa’yo?”

Payuko akong sumagot
“Sasabihin ko sana kaso galit ka e”

“Diba dalawa kaming sinadya mo dito kaya ka umuwi? edi dun ka na!”

“Oo nga, nandito na ako. Sayo tsaka sa Calasayo. Dalawa kayong binalikab ko.”

“Ca.. Calasyao? dito sa atin?”

“Oo. Ikaw tsaka yung lugar na ‘to. Dalawa kayong dahilan kung bakit gusto kong bumalik dito. Gusto kong kasama kita dito. Gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka dito. Dito hindi sa Maynila. Kaya wag ka nang mag tampo sakin. Sorry. Mahal na mahal kita, ‘di ko kayang magtaksil sa’yo.”

   Kasabay ng pagtulo ng luha mula sa kanyang mata ay ang pagyakap niya sakin at pag hingi ng sorry. Tinignan ko siya mata at sabay sabi ng

“Ilang taon nalang Karla, gagraduate nako. Pagtapos ‘non uuwi na’ko sa’yo. Sana mahintay mo ko”.

Sumagot siya
“Oo naman, pektusan kita e ang drama natin o”

Sabay halik

     Tanaw ko sa bintana ng bus ang pagkaway at pagngiti niya. Ngiti ng taong nagpapasaya sakin at kumukumpleto ng buhay ko. Parang sinag ng araw. Kahit medyo malungkot, masaya pa rin ako dahil nagkaayos kami. Ilang taon nalang. Nanabik na ko ‘non.  At isasama ko siya sa pag akyat ko sa entablado at pagtapos isasama ko uli siya,….. sa harap ng altar.

Leave a comment