Nang magkasala ang anak ng hari

Ikaw ay nag kasala,
at dapat mo itong panagutan
masakit man sa’kin,
tungkulin bilang hari’y kailangang gampanan

Ang batas ay batas,
walang sino mang makahihigit dito
miski ako na ama mo
Patawarin mo sana ako,
Kung mas pinili ko ang kapakanan ng nakararani kaysa sa’yo.

Ilang minuto nalang,
at ang talas ng latigo ng tiga parusa ay dadampi na sayong mga balat.
Bawat latay at sigaw ay parang sibat na tumutusok saking puso.
Sa pagtapos nito at sa araw pa na daraan,
Hihilingin ko kay bathala ang iyong kapatawaran

Advertisements

How I won the war

If fighting in a war against my inner self for being a lazy bastard is considered to be an honorable activity, i maybe become atleast a corporal now. Yes, you’ve read it right. I’m a lazy bastard: picture someone chubby, laying on a couch with a pack of jack ‘n jill nova on his hand while watching Ancient Alien on History channel, that’s the best representation of me. I don’t know why, but after the last day of semester, i always had this urge to stay in the couch all day doing nothing. I even joked my mom that she needs a surgeon to help me get this couch surgically remove from my body.
As far as i remember, i promised myself to be a responsible human being this summer: Go to somewhere else like Makati or Taguig and find a summer job so that i can pay all my expenses without asking my brother in Australia to send money so i can pay those bills. But i guess,  promise were meant to broken. It is the 2nd week of summer and still i’m laying in the couch watching Anthony Burdain: Parts unknown.
Of course, i don’t want to be a useless piece of crap all my life. I wanted to do something. Something that can make my Mom and my brother proud. So i carry my lazy-ass up, and head to the kitchen to do the dishes. I make sure that no one is at home, i don’t want my relatives to see me doing choires, they’re all bully, bragging like: “Whoa! sa wakas, sinipag ‘din ang walang hiya!”. And off course “kasipagan” are hard to come by these days.
After the dishes, i do the laundry, swept the floor, changed the sofa cover and fix the t.v anthena. Out of tiredness, i fell asleep on the couch. Minutes later, i woke up in the shout of my mom;

“Sutil ka talaga! nakahiga ka nanaman dyan! ‘di mo gayahin ate mo, naglinis ng bahay, naglampaso, nag hugas ng plato, nag laba at nag palit pa ng cover ng sofa! Magbago bago ka nga”.

But atleast, i won the war. I won the war against my inner lazyness. I’m happy to be this useful human being even for a day. If my mom could only knew.

Mahal na araw

Naalala ko yung palaging sinasabi sakin ng  nanay ko ‘nung bata ako tuwing byernes santo;

“Pumirmi ka nga dito sa bahay!. Pag ikaw  nasugatan ‘di na gagaling ‘yan. Patay ang diyos.”

o kaya:

“Maligo ka na, mamayang alas tres patay na ang diyos, magiging kulay dugo ang tubig sige ka.”

o kaya:

“Pumasok ka na sa bahay, mag gagabi na, maraming kung ano ano dyan sa labas!”

Sumusunod ako. Takot ako e. Patay daw ang diyos. Walang diyos na mag babantay sa mundo laban sa mga kung ano ano.

‘Di ko alam kung san galing pero takot na takot at paniwalang paniwala ako. Lalo na ‘pag magbubuhos ako ng tubig, bigla kong maiisip yung duguang mukha ni kristo.

Sa modernong mundo, halos hindi mo na maramdaman ang  Buong linggo ng holy week: dahil na rin siguro sa patuloy na pag usbong ng teknolohiya. Dati rati buong linggong katahimikan ang nangingibabaw at tanging mga ingay lang sa malaking speaker ng mga nag babasa ng pasyon ang maririnig. Walang ibang palabas sa T.V kundi mga lenten special; sa GMA, ang madramang palabas ng eat bulaga, sa ABSCBN kundi 10 commandments, jesus of nazareth. Tapos yung iba, puro home shopping TV.
Wala rin sa mga kapit bahay ang nag papatugtog. Walang nag iinom. Walang nag lalaro. Animo’y may laban si Pacquiao. Bakante ang mga kalsada sabay sa nakakapasong init ng panahon. Swerte nalang kapag may napadaang nag papanata; mga mamang hinahampas ng lubid na may matalas na bagay sa dulo ang likod hanggang dumugo, o kaya isinasabuhay ang pagpapasakit kay kristo buhat ang malaking krus. Halos lahat ng nasa kanilang tahanan magsisilapitan para manuod at damhin ang aral ng pag tubos ni kristo sa sanlibutan. Ngayon, asahan mo na may lalapit para manuod pero may dalang cellphone na may camera upang maiupload sa fb o instagram sabay hashtag: #blessed.

Heto rin yung panahon ng alay-lakad. Isang panata kung saan mag lalakad ka ng malayo hanggang marating mo ang simbahan ng Antipolo. Minsan nakong sumama sa mga ganto. Marami kang matitinong taong makakasabay. Nandyan ang:

Lalaking pulang pula ang mata at tawa nang tawa. Nang tanungin ko, ang sagot sa’kin “Puyat ako men kaya mapula ‘yan”
Mga grupo na naghahanap ng away.
Mga todo pormang kabataan na gusto nang umuwi dahil sa pagod, sakit ng binti at paltos sa paa.
Mga mandurukot at snatcher
at kung sino sino pang mababait na nilalang.

Tapos kinabukasan, may mag yayabang na nakarating sila ng simbahan, di sila napagod at nalinis na ang mga kasalanan nila. Sa totoo lang. Hindi pag papahirap sa sarili ang sukatan ng pananampalataya. May iba dyan pala simba pero at the same time pag nasa bahay palamura. May iba dyan nag papanata, nag aalay lakad, nag papasakit sa sarili, dumadalo sa mga prusisyon. Pero hanggang ‘dun lang. Sakit sa katawan lang ang natatamo, hindi tumatagos sa kaibuturan ng kaluluwa. Hindi isinasa puso ang aral kung bakit ba nag papanata.  Pero bakit nga ba tayo nag papanata? ba’t natin pinapahirapan at sinasaktan ang sarili gayung matagal nang nailigtas ang sang katauhan?. Diba mas masarap manampalataya kung walang pangako at premyo ng langit at walang parusa ng dagat dagatang apoy?.

Ngayon kasi halos wala na ang taimtim na pag gunita ng  mahal na araw. Bawat isa sa atin may cellphone na kahit anong oras pwedeng kumonekta sa internet. Gustuhin mo mang manalangin o magnilay, guguluhin ka ng isip mo na mag facebook ka nalang at mag post ng kung ano anong bagay tungkol sa mahal na araw gaya ng:
“Buti pa yung araw mahal, ako mahal mo ba?”.

Sabunin ang bibig at kaluluwa

*Note: Alam kong medyo sensitive ang topic na ‘to. Sana walang ma offend. Opinyon ko ‘to.

 

“Mga saksi ni hudas ‘yan.”

 

Yang ang pagkakarinig ko sa Matandang may kargang bata sa kausap niyang dalawang ale. Hawak hawak kasi ng isang ale ang isang manipis na magazine na ibinibigay ng mga misya
unaryong kumakatok sa mga bahay bahay upang mangaral ng mga nilalaman ng bibliya at ng diyos nilang si Jehova.

Pumantig ang tenga ko, hindi sa dahil isa ako sa kanila, kundi dahil sa kabastusang narinig ko: “Saksi ni Hudas yan” kung may katabi akong miyembro ng saksi ni jehova malamang nakalimutan niyang mabaet siya at sinabunan niya na na ‘yung bastos na bibig ng matandang ‘yon. Gusto ko ‘ring tanungin ‘yung matanda: “Ano bang relihiyon mo? tinuturo ba ‘dun ang mambastos ng paniniwala ng iba?”.

Actually, Katoliko ako pero minsan lang ako magsimba at hindi ako naniniwala sa mga rebulto sa simbahan kahit marami ‘non sa simbahan sa amin in short-Oo, minsan hiprokrito ako. Ewan. Para sakin kasi, lilok ng tao ‘yun. Gawang kamay. Kung sumasamba ka sa gawa ng tao, ‘di ba parang siya na rin ang sinasamba mo?. At hindi naman itinuturo sa bibliya na sumamba sa mga ga’non diba?.

Mas gusto ko yung sinabi ng professor namin sa NatSci na si sir. Antonio. Ang sabi niya;
“Hindi sa wala akong relihiyon, naniniwala akong may diyos and i submit to my creator.”
Siya ‘rin ‘yung may sabi na wala pang proof kung kawangis nga ba talaga ng mga nasa rebulto ang mukha ng diyos at siya rin ay ‘di panatikl ng mga rebulto dahil bakit daw mukhang kastila si hesus kung sa jerusalem siya ipinanganak?.

Alam kong katoliko ‘yung aleng ‘yon dahil may mga imahe ng santo sa bahay nila, at base narin sa mga christmas decor sa bahay nila ‘nung mga nakaraang pasko-ninang ko kasi ang anak niya. Pero, ‘di kanais nais ang  nasabi niya. Kung gusto mong galangin ng iba ang paniniwala mo, galangin mo rin sila. Sa totoo lang, hindi masasabing makadiyos ang isang tao dahil lang sa palagi silang nag sisimba, maraming rebulto ng santo sa bahay nila o lagi silang nag dadasal. Marami diyan relihiyoso, pero hanggang simba, dasal at pag bili lang ng rebulto ang alam. Marami diyan, pagtapos mag simba, tatadtad ng mura pag uwi. Marami diyan, sumasama sa prosisyon, nag aalay lakad at nag papasakit sa sarili tuwing mahal na araw pero hanggang ‘dun lang sila, sakit ng katawan lang ang nararamdaman, ‘di tumatagos sa kanilang kaluluwa.

Let’s take our time tonight, girl

‘Yan yung unang lyrics na bumungad pag sakay ko ng jeep patungo sa school. Sinasabayan pa ng babaeng katabi ko, una siya lang hanggang sa maya maya, nag si sabayan na sa pag kanta lahat: Parang eksena sa Glee. Ako? naipit sa kumpol ng mga pasahero na kumakanta ng walang kamatayang Versace on the floor habang naka takip ang tenga.

Tapos na ang tinatawag na “era” ng thinkin’ out loud at closer, heto nanaman at may bagong kantang lumulutang sa bawat sulok at eskinata ng Pilipinas. Maging saan at kung ano mang ginagawa mo: kung kumakaen ka man sa karinderya, nag gugupit sa barberya, nag lalaro sa comp shop o tulad kong nakasakay sa jeep, malamang heto’t heto ang kantang maririnig mo. Parang kulang ang isang araw nang hindi napapatugtog ‘to. Lalo na ng mga feeling super star sumasabay sa kanta ni Bruno Mars lalo na sa mataas na part;
“Andernit da tsaaandileeer *ubo *ubo”

Ano kayang sunod? malamang pag agawan ang kantang ‘to sa mga videoke at pag mulan ng away gaya ng pagkanta ng maalamat na “My Way”. Parang ganto ba;

*Pagtapos kantahin ang kantang “sayang na sayang talaga”

Guy 1: “Hoy, versace kanta ko ‘yan”

Guy 2: “Hoy tang ina mo kakatapos mo lang aa, ano ‘yan concert? concert?”

Guy 1: “E ano? ako nag lagay niyan e! tsaka ikaw ba may birthday?

Guy 2:

Videoke:

Mic:

Versace:

Ang tanong lang? ano ba meaning ng kantang ‘to?. Pati ata yung mga anim na taon kabisadong kabisado ang lyrics neto e. Pero, mas okay na ‘to kesa sa mga kanta ni Skusta Clee.

Typical human beings sa mga rock concerts

 

boss-fight-stock-images-photos-free-band-rock-concert-people-music

 

Nakadalo ka na ba sa mga rock concerts? malamang sa malamang nakasalamuha mo na ang mga taong ito. Sa gitna ng napakaraming taong nag tatalunan, nag kakantahan, nag kacamera’t nag rerecord ng performance ng paborito nilang mga banda o nakaki slam at nakikipag palitan ng amoy ng underarms sa mosh pit, nandun ka sa gitna, pinagmamasdan mo sila. Mas pinapanood kesa sa tumutugtog na callalily:

 

  1. Todo Porma: Mga rockstar  na  pumupunta sa concert kung saan todo sa get up. Yung iba puno ng spray net ang buhok na taas taas, yung iba puno ng hikaw sa mukha, puro tattoo, naka all black, at ma padaan lang ata sa police station baka matkhang na ng mga pulis.
  2. Cool guy: Yung simple lang sa porma, naka band shirt lang, denim pants at nike o vans na sapatos. Nasa isang gilid lang at nakikinig sa banda habang may hawak hawak na redhorse
  3. Kupal: Pumunta sa concert para makipag slam, at pag nasaktan makikipag suntukan.
  4. Nakiki concert: Kadalasan mga nagpunta lang dahil nayaya ng kaibigan o dahil gusto maging in kahit di nila alam kung sino yung tumutugtog. Madalas kuha nang kuha ng selfie, sabay upload sa instagaram with caption #withmyfavoritebands.