Mahal na araw

Naalala ko yung palaging sinasabi sakin ng  nanay ko ‘nung bata ako tuwing byernes santo;

“Pumirmi ka nga dito sa bahay!. Pag ikaw  nasugatan ‘di na gagaling ‘yan. Patay ang diyos.”

o kaya:

“Maligo ka na, mamayang alas tres patay na ang diyos, magiging kulay dugo ang tubig sige ka.”

o kaya:

“Pumasok ka na sa bahay, mag gagabi na, maraming kung ano ano dyan sa labas!”

Sumusunod ako. Takot ako e. Patay daw ang diyos. Walang diyos na mag babantay sa mundo laban sa mga kung ano ano.

‘Di ko alam kung san galing pero takot na takot at paniwalang paniwala ako. Lalo na ‘pag magbubuhos ako ng tubig, bigla kong maiisip yung duguang mukha ni kristo.

Sa modernong mundo, halos hindi mo na maramdaman ang  Buong linggo ng holy week: dahil na rin siguro sa patuloy na pag usbong ng teknolohiya. Dati rati buong linggong katahimikan ang nangingibabaw at tanging mga ingay lang sa malaking speaker ng mga nag babasa ng pasyon ang maririnig. Walang ibang palabas sa T.V kundi mga lenten special; sa GMA, ang madramang palabas ng eat bulaga, sa ABSCBN kundi 10 commandments, jesus of nazareth. Tapos yung iba, puro home shopping TV.
Wala rin sa mga kapit bahay ang nag papatugtog. Walang nag iinom. Walang nag lalaro. Animo’y may laban si Pacquiao. Bakante ang mga kalsada sabay sa nakakapasong init ng panahon. Swerte nalang kapag may napadaang nag papanata; mga mamang hinahampas ng lubid na may matalas na bagay sa dulo ang likod hanggang dumugo, o kaya isinasabuhay ang pagpapasakit kay kristo buhat ang malaking krus. Halos lahat ng nasa kanilang tahanan magsisilapitan para manuod at damhin ang aral ng pag tubos ni kristo sa sanlibutan. Ngayon, asahan mo na may lalapit para manuod pero may dalang cellphone na may camera upang maiupload sa fb o instagram sabay hashtag: #blessed.

Heto rin yung panahon ng alay-lakad. Isang panata kung saan mag lalakad ka ng malayo hanggang marating mo ang simbahan ng Antipolo. Minsan nakong sumama sa mga ganto. Marami kang matitinong taong makakasabay. Nandyan ang:

Lalaking pulang pula ang mata at tawa nang tawa. Nang tanungin ko, ang sagot sa’kin “Puyat ako men kaya mapula ‘yan”
Mga grupo na naghahanap ng away.
Mga todo pormang kabataan na gusto nang umuwi dahil sa pagod, sakit ng binti at paltos sa paa.
Mga mandurukot at snatcher
at kung sino sino pang mababait na nilalang.

Tapos kinabukasan, may mag yayabang na nakarating sila ng simbahan, di sila napagod at nalinis na ang mga kasalanan nila. Sa totoo lang. Hindi pag papahirap sa sarili ang sukatan ng pananampalataya. May iba dyan pala simba pero at the same time pag nasa bahay palamura. May iba dyan nag papanata, nag aalay lakad, nag papasakit sa sarili, dumadalo sa mga prusisyon. Pero hanggang ‘dun lang. Sakit sa katawan lang ang natatamo, hindi tumatagos sa kaibuturan ng kaluluwa. Hindi isinasa puso ang aral kung bakit ba nag papanata.  Pero bakit nga ba tayo nag papanata? ba’t natin pinapahirapan at sinasaktan ang sarili gayung matagal nang nailigtas ang sang katauhan?. Diba mas masarap manampalataya kung walang pangako at premyo ng langit at walang parusa ng dagat dagatang apoy?.

Ngayon kasi halos wala na ang taimtim na pag gunita ng  mahal na araw. Bawat isa sa atin may cellphone na kahit anong oras pwedeng kumonekta sa internet. Gustuhin mo mang manalangin o magnilay, guguluhin ka ng isip mo na mag facebook ka nalang at mag post ng kung ano anong bagay tungkol sa mahal na araw gaya ng:
“Buti pa yung araw mahal, ako mahal mo ba?”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s