Tres

Naaalala ko. Sinulat ko ang kauna-unahang entry ko sa blog na ‘to exactly 3 years ago. Umuulan ‘non. Mag isa lang ako sala habang naka bukas yung desktop pc ko. Nakatingin sa blangkong microsoft office na may kumukurap na cursor ng mouse.

Ilang beses ko nang naitanong sa sarili ko: “ba’t ba ako nag bablog?. Kailan ba ‘to nag simula?”. Ang pagkaka-alala ko, nag babalak palang akong mag college ‘non at nag tatrabaho pako sa isang fast food kung san dinaya ko yung birth certificate ko dahil ‘di sila tumatanggap ng minor. Dun ‘din yung may nakasabay akong na reject dahil may butas sa baga. Last step na siya ng application. Abot kamay na. Kaso biglang lumabas sa xray na may spot. Hindi ko na alam kung anong nangyare ‘don. Ang mahal pa naman ng medical na tingin ko ipinangutang pa niya dahil akala niya makakapag trabaho na siya. Doon ko ata naisulat yung una kong entry kaso hindi agad sa wordpress ang diretso. Sa likod ng resibo ng binili kong chichirya sa grocery habang nag hihintay ng NBI. Sa sobrang bored at awa, naisulat ko ‘yon-kahit puro grammatical error. Hanggang ngayon pa rin naman.

Ngayon tatlong taon na. Parang kailan lang. Ang dami ko nang naipost dito kahit minsan Hiatus. Wala namang nakakapansin dahil wala naman atang nag babasa ng blog ko. Pag chinicheck ko yung stat, puro tiga middle east at america. Ang tanong ko: “Naiintindihan kaya nila ‘tong pinag sasabi ko.”. Parang feeling ko, buti pa tong mga ‘to may appreciation kahit ‘di nila linggwahe ‘tong mga kababayan ko magkaka interest lang pag puro love quotes at hugot ang ipopost ko e. Pag chinicheck at pinag kukumpara ko yung status dati at status ngayon, halos walang pinag kaiba e. Pero siguro nadagdagan naman. Dati tatatlo lang ang nag babasa, ngayon lima na. Isa pako ‘don.

Pero thankful pa rin ako. Sa lahat ng naka follow sakin dito. Salamat sa inyo (thank you). Kahit anong mangyare basta may maisip ako. Isusulat ko. Happy 3 years,  Alotoftruthissaidinjest.wordpress.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s