Tulang pagtuligsa

soulevements-Felix-VALLOTTON-La-Charge-homepage-440x272

 

I.
Kumusta ka na?
Sa bawat taong umupo, puro reklamo ka.
Alam kong karapatan mo ‘yon
Pero sa tagal mo nang nag rereklamo,
Kumusta ka na nga ba?

II.
Tanda ko pa dati. Panahon ni Apo.
Sumama ka sa rally,
Nakipag kapit bisig ka pa para humarang sa mga tangkeng nag daraan.
Maayos kayo ‘non: alay bulaklak, kanta, dalangin at sayaw.
Walang gulo.

III.
Ngayon, may edad kana. Pero dahil may ipaglalaban ka, sumama ka uling makibaka.
Hagis ng sisidlang may lamang dumi ng tao sa mga pulis na ginagawa lang ang kanilang tungkulin.
Sipa. Tadyak. Hampas.
Yan ang ganti mo sa mga awtordad. Baka sa bawat pamimisikal, nasasktan din ang mga namumunong manhid parin sa problemang idinadaing.

IV.
Dumaan ang ilang taon, ilang pangulo narin ang namuno.
Ang ipinag laban mo noon, ipinag lalaban mo parin hanggang ngayon.
Kumusta kana? Nakaupo sa silong ng barong barog na tinuturing mong tahanan
Nakatanaw sa malayo, iniisip hindi lahat ng laban naipapanalo dahil di lahat ng tao’y may puso’t kaluluwa.

Advertisements