Gusto ko nang lumipat, bow

Isa isa nang nag sisilipatan ‘yung mga classmate ko. Ako stuck pa rin dito. Dito lang ata na inaabot ng isang taon bago mo makuha mga papeles mo e. Shit!. Isang sem nanaman kami mag kikita ni Prof. Panot.
Matagal ko na balak lumipat. Hindi sa naninira ako ng paaralan. Sa dami ng mga classmate kong nag si pag drop at nag si transfer? let it speak for itself. Ewan aa. Pero, ang tagal na ng nilagi namin dito pero kakaunti palang ang natututunan namin. Ikaw ba naman mag karon ng prof na puro sermon at basa lang ng libro e. Ni isang beses ata ‘di ko nakitang tumayo sa monoblock na upuan at nag lesson si sir. Panot. Sa school pa naman na ‘to, paulit ulit lang yung mga professor. Kung sino prof mo last year sa Math 1? siya rin magiging prof mo sa Math 2, 3 at 4.
Para kaming nasa Pinoy big brother. Unang nawala si Rachele. First sem palang natapos nag drop na. Hirap ata sa sistema ng enrollment na natatapos ng 2 to 3 days at grade na makukuha kapag tapos na ang susunod na sem. Sunod si Steph at yung dyowa niya. Sabi niya ‘di niya daw gusto yung pamamalakad. Ang daming iregularidad. Tapos si Shaina na kinausap pako kung gusto ko lumipat para makasabay na. Pero sabi ko saka na. Ngayon nag aaral siya sa Pasig ng Nursing at chinachat niya ko kung kumusta nako at ang magaling naming eskwelahan. Sabi ko ga’non pa rin.
Ngayon si Eres. Yung katulong namin gumawa ng plates lumipat na rin. Iiilan nalang ata kami natitira. Nag paplano pa sila jenny, juner at John Rey. Sabi ko isabay na nila ako. Pero kaka enroll ko lang ng isa pang sem. Ano kayang mang yayare?. Uso pa naman yung mga nag papasabog ng bomba sa Quiapo.
Abangan nalang natin.

ABNKKBADTRIPKNPLA?

Sumigaw yung proctor namin sa exam sa Natsci

“Stop stalking”

Kasi tingin niya, ang iingay naming lahat. Pinakuha niya yung mga bag namin upang ilagay sa harapan para wala daw kodigo. Siya lang naman ang nag iisip na may ganon kami. Sobrang moody ng prof na yun. Sinabihan niya yung classmate ko na babae na “Ang bobo mo”, porket di lang naka hilera yung upuan niya sa linya.

Lumakad ang walang hiyang proctor sa harapan at nung napansin ang kulay pula kong bag, binuhat niya ‘to at ibinalibag.

“Bag ko yon aa.”.

Agad siyang tumingin sakin.

“E ano?, naka balandra e”.

Lumunok ako ng laway at tumayo. Para akong abogado sa isang korte na maglalabas ng defense para sa kaso ng kawawa kong bag na jansport.

“Inaano ba kayo ng bag ko?”

Tumaas ang isa niyang kilay. Parang baliktad na bibig ng natateng emoji, pagtapos ay nagsalita.

“E naa asar ako e”.

‘Dahil nasabi ko na sa blog ko na mataas ang pride ko, sumagot ulit ako.

“Ma’am, mawalang galang na ho. Hindi ho sa lahat ng bagay, pwede mong gawing reason ang na asar ako.”.

Tinuro niya ang pamaypay niya sakin na parang si Harry Potter na nag ka cast ng spell,

“Gusto mo absenan kita at di pakuhain ng prelim?”

Dito ko na inilabas ang aking hinanaing.

“Kung ikaw yung nasa kalagayan ng bag ko, tapos ibalibag kita, tapos sabihin ko sayo na naiinis ako at pag umangal ka sasabihin ko sayo na di kita papakuhain ng prelim, matutuwa ka ba?. Siyepre hindi.”.

At lalong umusok ang ilong ng matandang proctor na pilit ginagaya si Sen. Miriam pero di niya magaya dahil si Sen. Mirriam, nakakatakot pag nagalit, yung proctor, mukhang tanga.

Nagpalakpakan at nagsigawan ang mga kaklase ko. Pinuri ako. Ang saya.

Lahat kami ay di nakapag exam at lumabas ng room na may baong ngiti sa aming labi dahil kahit papaano, naipagtanggol namin ang aming karapatan, kahit gaano man yun kaliit, kahit pag balibag lang sa bag.