Inaro ta ka

“Karla” “Karla”…

Sunod sunod ang pagbigkas ng pangalan mo. Nananaginip nanaman ako. Masamang panaginip. Unti unti kang lumalayo sakin. Bakit ganto?. Nangangamba ako. Karla.

Sumikat na ang araw. Sumisingit sa maliit na siwang ng kurtina ang sinag nitong gumigising sa aking mga mata. Masamang panaginip. Tagaktak ang pawis. Sa lahat ng mapapanaginipan bakit ayun pa?. Tumungo nako sa labas upang maligo at kumaen. Babalik ako ng Calasiao. Babalik ako ngayon.

Bitbit ang bag na nag lalaman ng mga gamit, dali dali akong tumungo sa estayon ng bus. Saktong may huling byahe pa pangasinan, sumasangayon ata sakin ang tadhana. Pero bakit?. Bakit parang dinadala ako ng paa ko pabalik sa lugar kung nasaan ka ngayon?.

Mag aalas dyes na nang makaalis kami ng maynila, mag aalas dyes na walang mensahe sa cellphone galing sa’yo. Ano bang nang yayare Karla?. Bakit nung huli sinabi mo sakin na tama na? tapos na? kala ko ba magkasama tayong gagawa ng pamilya sa calasiao?. Mayron na bang iba?.

Mag gagabi na nang makarating ako samin. Sinlubong ako ni Papang. Kinuha ang gamit ko’t hinatid ako sa kwarto upang magpahinga. Bukas ko nalang daw gawin kung ano mang sadya ko sa calasiao. Bukas.

Kinabukasan, makulimlim ang langit. May nag babadyang bagyo. Tinatangay ng ihip ng hangin ang mga lumang bandiritas na taon nang nakasabit. Tanda ko pa Karla, ikaw ang tumulong magkabit ‘non. Masaya tayo ‘non. Ewan. Ba’t naman ganto.

Sumadya ako sa inyo. Ngunit pati ang mga kapatid mong sila Hanabishi at Kyowa ay tila ayaw kang pag usapan sakin. Ayaw nilang banggitin sakin kung ano mang nangyayare sayo. Galit ka ba?. Alam kong ‘di na ‘to madadaan sa harana. Pero Karla nag mamakaawa ako.

Lumabas ka nang bahay, kasama ang papa mong si mang Esteban, ni di na siya tumingin sakin para bumati man lang. Dala niya yung malaking maleta habang kasunod ang isang babaen foreigner na hula ko ay yung tinutukoy niyang dating asawa dati. Gusto kitang makausap.

Hinawakan kita sa braso. Nag mamakaawa ako na kahit isang saglit mag usap tayo kung bakit. Bigla kang humarap sakin, lumuluha. Sa una ay tahimik hanggang sa nagkaron ka na ng lakas ng loob mag salita:

“Ayoko na Dane”

Parang gumunaw ang mundo. Mas masakit pala pag harap harapan nang sinabi sa’yo?

“Bakit? may nagawa bako?. Kung gusto mo dito nalang ako. Di nako babalik ng Maynila para mag aral?”

“Hindi to dahil sa’yo. Sakin”

“Bakit? nananawa kana ba?”

“H.. hindi”

“Kinukuha nako ni Mama, isasama ako sa Ontario, Dun nako titira”

“P.. pero Karla naman, pano ako?”

“Ewan ko, pero ngayon palang sinasabi ko sayo na ayoko na. Buo na loob ko. Ayoko na”

Lumakad kana palayo. Parang walang pakielam. Naiwan akong nakatayo. Umiiyak. Nakidalamhati narin ata ang langit. Biglang buhos ang malakas na ulan. Agad kang pinayungan ng mga kapitd mo na maghahatid sa inyo sa Airport.

Pero bago ka umalis, bigla akong sumigaw:

“Pinag laban kita! bakit ako hindi? Naalala mo yung huling sinabi mo sakin nung bumalik ako ng may nila?”

Pero di mo nako pinapansin, tuloy lang lakad niyo.

“Inaro taka!. Mahal kita! Yan ang huling sinabi mo, at ayan ang panghahawakan ko!”

Halos mabulol bulol nako sa pagsasalita dahil sa pag iyak. Basang basa na rin ako ng ulan!

“Maghihintay ako Karla!. Maghihintay ako”

Sumakay na kayo ng taxi patungo sa airport. Kasabay ng pagbuhos ng napakalakas ng ulan ang pagbagsak ng mga luha sakin mata. Napakalungkot ng mga oras na yon. Bakit ganito?. Bakit Karla?

Advertisements

Trulalove!

Trulala

 

 

Ahem! game? ok,isipin mo na lang na isang segment to sa t.v kung saan ako yung host ok?,rolling na ba tayo? good.
Ang title ng segment na ito ay ang TRULALOVE.Marami pa rin sa atin ang naniniwala sa Forever.Maraming nag hahanap ng tunay na pagmamahal.Pero ang totoo Forever doesn’t exist,ewan gawagawa lang siguro to ng mga hipster na nag imbento rin ng to infinity and beyond.FOREVER? e halos lahat ng bagay sa mundo may hangganan?FOREVER? sa mundong ito kung saan ang attention span ng syota mo sayo ay hanggang 1 month lang? FOREVER? kung saan ang lahat e may Expiry date? lintik forever? oo siguro yung bansa natin,Forever mahirap.

Pero ayokong basagin ang trip mo.Actually,wala mang Forever e meron namang growing old together at nangyayare lang yun sa mga taong marunong talagang magmahal.Kasi sa panahon ngayon, sa pisikal o pablabas na anyo tayo na-aattract.Mas malala pa nga ngayon e,kasi yung iba naiinlab sa galing pumorma,dami ng likes sa fb at ewan bahala na kayo.Pero paano mo nga ba mahahanap ang sinasabi mong FOREVER kung nandyan na e humahanap ka pa ng iba? bakit? hindi pogi? hindi maganda? konti ng likers? hindi peymus? at harinawa saan ba nanggaling ang salitang PEYMUS na yan? mas mataas ba ang halaga nito sa diploma? tataas ba ang reputasyon mo pag inilagay mong peymus ka sa Resume mo? at anong meron sa dami ng likes? sa porma? a ewan.Kung Naghahanap ka ng magaling pumorma, edi sana dyinowa mo na lang yung mga manequin sa mall?.At paano mo makikita yung tamang tao para sayo kung mismong ikaw e hindi alam kung tamang tao ba para sa kanya? o paano mo mararanasan yung sinasabi mong forever kung masyado kang choosy? bahala kayo.alam ko naboring kayo.pero alam ko na nakuha ko ang atensyon niyo sa maikling status na to kaya ….ACHECHE! to Infinity and beyond 🙂