Takbo

AdobePhotoshopExpress_3a59cf1bf598457d9b7bbf1b26fc657b.jpg

I.
Hakbang. Hinto. Ubo.
Hakbang uli. May natapakang kung ano.
Tingin: Kalderong may lamang patay na pabo.
Tuloy ang lakad.

II.
Lakad. Lakad. Tigil.
Sa di kalayuan may anino ng kung ano.
Lapit ng kaunti. Tanaw.
May mamang may dalang itak.
Tago.

III.
Sa pag tago, natabig ang bote ng toyo na kakalatkalat.
Ngayon ang mama ay naghahanap.
Lingon lingon. Hanap doon. Hanap dito.
Maya maya’y papalapit na sa’yo.

IV.
Wasiwas ang itak habang sambit ang salitang: Nariyan nako!.
Napa mura ka sa sobrang takot:
Tang ina mo!
Karipas ng takbo. Mas mabilis pa sa alas kwatro.

V.
Kasunod pa rin ang mamang may dalang itak na mabilis din ang takbo.
Napadasal ka na sa lahat ng santo.
Takbo. Takbo. Takbo.
Duguan na ang paa sa mga tumusok na mga basag na basyo.
“Tanginang ‘to” ang sambit mo.

VI.
Lingon. Hanap. Wala na ang nag hahabol na mama.
Baka na bubog ang gago o napagod at nag pahinga na.
Pagod kana rin. Kanina ikaw ang hinahabol. Ngayon ikaw naman ang naghahabol- ng hininga.

VII.
Tumaas ang balahibo pagkaraang makarinig ng kung ano.
Sa mga nag kukumpulang halaman may nilalang na nag tatago.
Pigil ang hininga. Hintay.
Kaba. Kaba. Kaba.
Ayan na!

VIII.
Lumabas mula sa halaman ang mamang may dalang itak. Sigaw. Mura.
Nag salita ang mama.
“Sutil kang bata ka! sinabi ko bawang ang bilhin mo! hindi boy bawang! pano ko ipang gigisa ‘to! Siraulo ka!”.
Karipas ng takbo. Malayo sa amang hindi pala itak ang dala, kundi patpat pamalo.

3 AM thoughts: Don’t english me

Actually, ‘di ako naiimpress sa mga taong kinakausap ako ng english. Parang tanga. Nasa Pilipinas ka naman, hindi naman ako amerikano? ba’t papahirapan mo pa yung utak mong maghalukay ng mga salita para ma impress ako?. Matagal nakong nagsusulat ng english sa blog pero ‘di naman ako nagkakapera at di ko makita ang dahilan para mag enlish kapag Pinoy naman ang kausap.

     Intellectual? Brainy? ‘di bagay sa’yo. Smart-allecked siguro pwede. ‘Di mo naman pwedeng ibase ang talino ng isang tao base lang sa galing nilang magsalita ng banyagang wika (Lalim no?). Lalo na siguro kung pinipilit mo pang mag enlish kahit alam naming mga nakikinig sa’yo na nagiging katulad ka na ni Jimmy Santos. Maraming mokong diyan ang magagaling mag english lalo na kapag nag mumura (shit!). At maraming mokong ‘din ang nagiging fluent kapag asar na asar na:
“F@ck you! @$$hole!!”.

    Pero balik tayo, ‘Di mo naman talaga kailangan mag english kapag Pinoy ang kausap mo. Pwera nalang kung;

1.) Anak ka ng mga panginoong may lupa
2.) Nag aral sa ibang bansa o mga exclusive na paaralan.
3.) Call center agent
4.) May sayad.

Thank you Noy (P-Noy)

  A letter to the leaving president of my country.

    Naalala ko pa ‘nung inauguration mo sa Quirino Grand stand. Nandun ako. Sobrang bata ko pa ‘non (15 years old). At tuwang tuwa ako kasi isa nanamang Aquino ang mamumuno sa bansa.
     Sa likod ng mga bakal na harang na humahati sa mga nanunuod at nagpaparadang mga artista-nandun ako. Kitang kita kita. Kung makikita mo lang ako ‘non baka nakita mo ‘rin yung pag asa sa mga ngiti ko.
     Anim na taon ang nakalipas, aalis ka na ng Malancañan dahil may bago nang uupo para pamunuan ang bansa. Lahat nananabik, dahil darating na daw ang inaasahang pag babago; pero naaasar ako dahil hindi man lang sila nag pasalamat sa’yo.

Maraming salamat Noy.
  Kahit marami kang haters at maraming issue ang binato sa’yo di ka sumuko, Kahit ang daming
reklamo sayo na ba’t ‘di mo daw nasulusyonan ang
ibang problema ng bansa. ‘Di kasi nila alam na isa
lang ang katawan mo, buong bansa ang pinapatakbo mo at 24 oras lang ang meron ka sa
isang araw. Masyado kasi nilang tinitignan lang
‘yung kamalian mo. Magaling lang naman silang
manisi. Kahit papano marami kang nagawa at nagpapasalamat ako ‘don. I guess ga’non talaga. Mas gugustuhin pa daw ng tao na bumalik sa panahon ni Makoy. (Filipinos are desperate to have another Dictator. ‘Di kasi sila nag babasa ng libro tungkol sa Martial Law. At tingin nila, golden years yung mga panahon na ‘yun pero nirerespeto ko ang paniniwala nila)

    Basta salamat uli Noy. Salamat dahil pinaglaban mo ang Spratlys, salamat sa pag ligtas mo kay Mary Jane Veloso, salamat sa 4p’s marami ang natulungan nito, salamat sa ligtas na APEC summit at Papal Visit, Salamat sa kalayaang binigay ng administrasyon mo. At pang huli Salamat at ‘di mo ginaya si Gloria- tinupad mo ang pangako mong ‘di ka magnanakaw.
 

Facts about the blog and its author

  

image

1.) I’m a guy (Kaya please ‘wag niyo kong tawaging ate, nakaka loka kayo)

2.) The blog’s name came from a page of Shakespeare’s king lear that i picked up when i’m walking home from school (Mahilig talaga ako mamulot basta napag interesan ko).

3.) The blog’s name means: “Karamihan sa katotohanan, sinasabi ng pabiro” and i find it very poetic.

4.) I’m a Civil Engineering student but my passion is to rock and roll and write nonsense stories and poems.

5.) I’m an Addict-to potatoes

6.) I’m not a bookworm, but i do like to read. (Specially FHM or the poorman’s alternative tiktik and bomba. ‘Di joke lang).

8.) My late father used to say “Pag laki mo gusto ko maging pulis ka”. I guess that’s the reason why always i smell lit candle when i’m taking a bath.

9.) I own a Hamer Californian 3 series electric guitar (which my eldest brother gave as a gift before he flew to Australia; it cost 24,000 pesos. I don’t know what would be his reaction when he see it now full of scratches).

10.) I hate list and irony.

Not a typical rockstar

 

image

Actually, everytime na naririnig ko ang salitang “rockstar”. Bigla biglang sasagi sa isip ko si Pepe Smith na may hawak na gitara at may sigarilyo sa bibig o kaya mga payat na maraming tatoo, lubog ang pisngi at mahahaba ang buhok-‘yun bang mukhang adik at mapadaan lang ata ng presinto e huhulihin na ng mga pulis.

Lumaki ako sa pamilya ng mga musikero. ‘Pag sinabi kong musikero, hindi ito ‘yung basta basta nakikinig lang ng musika-tumutugtog mismo ng musika. Leadista ang erpat ko sa banda ‘nung kabataan niya (Bago pa siya maging pulis).  ‘Nung mga panahong ‘yun kung saan nasa ilalim ng diktadurya ang bansa, siya namang usbong ng mga “hippie”-at isa ang erpat ko ‘dun. Sila ‘yung mga tumutugtog kapag merong music fest, mahahaba ang buhok, payat at laging naka belly bottom. Masasabi mo nga raw talaga na “Sex, drugs and rock and roll”.
90’s naman ‘nung yung panganay kong kapatid ang naging leadista sa banda, sumunod
yung isa ko pang kuya ‘nung bandang 2006 tapos 2010 up to present ako naman.

Pag sinabing “Rakista” ka, parang ang sama ng dating sakin e. Para kang sinabihan na “Drogista ka?”. Kung iisipin mo, rock o bato rin ang tawag sa shabu na kadalasang ginagamit ng mga nagbabandang ayaw nang umusbong ang career. At nakakainsulto, mas gusto kong tinatawag akong musikero.

Pero, hindi ako yung typical na rockstar. Kung sukatan ng pagiging rockstar sa kanila ay “sex, drug and rock & Roll” malamang tanggal na ko ‘don. Una, hindi ako nag da drugs, ni alak at sigarilyo ‘di ko tinikman at bugbog sarado ako sa girlfriend ko kung mambababae pako. Abutin nga lang ako ng alas onse sa gig, inaaway nako e. Siguro maihahalintulad ko nga ang sarili ko sa Jonas Brothers o kay Daniel Padilla, yun bang :
“Hindi ka naman rockstar e, pero nag papaka rockstar ka, so shut up nalang”.

Ang mahalaga lang naman e, yung makatugtog ka dahil ayun ‘yung passion mo. Hindi na mahalaga kung tatawagin ka nilang “boloks” o nagpapanggap o kaya sundin ‘yung talagang lifestyle ng mga taong nag babanda. Hindi mahalaga kung ano yung pinapapakinggan mong mga kanta, kung rage against the machine man ‘yan, pantera o metallica o kaya Imelda Papin o Justin Bieber-as long as naiimpluwnesiyahan kang mahalin pa lalo ang musika.
More Photos

 

Init, brown out at politika part II

  Bigla nanamang nawalan ng kuryente. Para talagang hokage ang meralco. Mahilig mag paasa. At speaking of paasa, kanina lang ay umulan ng mahina. Mga limang minuto rin siguro ‘yon habang tirik ang araw. Akala ko tuloy tuloy na hanggang bukas. Pati ba naman panahon pinag lalaruan tayo?.

      Dati pag umulan habang umaaraw, paniniwala ng iba na may ikinakasal na tikbalang. Pero sa panahon ngayon, alam mo sa sarili mo na epekto na ‘to ng global warming.

    Kahit abot kamay na ng tao ang inpormasyon sa pamamagitan ng internet ay mayron at mayron paring magtatanong sa facebook kung USA ba ang capital ng America o may mga tao pa rin na hindi naniniwala na totoo ang global warming.
    
        Kung paniniwalaan ang mga nangyareng kalamidad nitong nagdaang taon, maku kumbinsi ka na nangyayare na nga ang global warming. May isa akong professor na laging nagkikwento tungkol sa global warming at nalalapit na pagka wasak na mundo. Palagi niya ring sinasabi na “Mawawasak ang mundo at wala tayong magagawa!”. Pero kung may kapal ng mukha at lakas ng loob ako mag sasasagot ‘non baka ‘di ko sinang ayunan ang kanyang pananaw. Sabihin na natin na oo, mawawasak nga ang mundo. Pero wala tayong magagawa? anong klaseng opinyon ‘yan?.
      Kung tutuusin tao ang dapat sisihin sa paglala ng epekto ng global warming.  At napaka walang hiya ng tao kung sasabihin niya lang na “wala tayong magagawa”. Isang malaking kabastusan ito lalo na sa mga  natures group at activists na nagtatanim pa rin ng puno, nag lilinis ng ilog, humahanap ng solusyon sa polusyon sa hangin at tubig at niniwala pa rin na may solusyon sa global warming.
      At isa pa, ba’t ba may mga taong gumagastos ng bilyon para malaman kung may tubig sa Mars?. Kung iisipin, maaring magamit ‘yon sa pag ayos ng mundo. Ga’non na ba kagarapal ang tao na pagtapos pakinabangan e pababayaan nalang?.
        Tao ang umuubos ng likas yaman ng mundo, tao ang sumisira tapos sasabihin lang ng tao “wala kaming magagawa”.
       Kung nakapanood ka ng documentary tungkol sa mga pating na pinapatay para kunin lang ang kanilang “fin”, talagang dudugo ang puso mo. Pati sa mga asong pinapatay upang gawing karne.
       Kung dati, tao ang gumagawa ng pader para malayo sa disgrasya dahil sa pag atake ng mga hayop ngayon hayop na ang ginagawan ng pader para ilayo sa mga taong nangangaso.
        At yung iba na inilalagay sa hawla o zoo ang mga hayop upang gawing pasyalan, gaano man kalaki o kaganda ang kulungan ng isang hayop, kulungan pa rin ‘yon at nilalayo mo sila sa kanilang natural na habitat.

May kumatok sa bahay upang mangampanya. Nag abot ng leaflets. Siya nanaman.

      Sa nakaraan nating kwentuhan, napag usapan natin ang tungkol sa epekto ng teknolohiya sa ating buhay. At siguro maidadagdag na rin dito ang epekto ng teknolohiya sa Politika. Kung dati, nag tiyatiyaga tayong isulat pa sa papel ang buong pangalan ng napupusuang kandidato, ngayon kailangan nalang sundin ang turo ng sexbomb (Si bitoy na ata) na punuin o i shade ang bilog na hugis itlog (punuin o ishade hindi bilugan). At kung dati ay kailangan mo pa ng libong piso para mangampanya, ngayon fb lang pwede na.
      At oo masasabing epektibo nga ang pagamit ng social media lalo na para sa politika. May mga taong ginagamit ito sa pagpapakalat ng mga maling inpormasyon. At dahil madaling mabola ang lipunan, ang iba sa kanila ay maniniwala dito nang wala man lang ginawang pag sasaliksik kung totoo ba ang nabasa.
        Kung dati ang pag post lang ng picture ng alagang aso o pusa ang libangan natin, ngayon may iba na pagpapakalat ng kwestyonableng inpormasyon ang libangan.
         Iniisip ko, 10 years from now? ano na kayang itsura ng politika sa Pilipinas?.

for the meantime, nuod muna ako ng Dolce Amor. May kuryente na ulit e.

Init, brown out at politika

Abril pa sana ‘tong post na ‘to e. Kaso anong magagawa ko?

Una. Laging nag ba brown out ang meralco ‘twing ala una, kung kailan kasagsagan ng init at mas kailangan ng tao ng electricfan at aircon.

Ikalawa. Dahil brown out, wala ring masaksakan ng router ng internet. Miski sa kapit bahay walang kuryente kaya wala kang ma konekan. Gagamit ka man ng free data, goodluck nalang sa’yo sa kabagalan.

At ikatlo, p@t@ng ina ang init e.

     Sobrang init ng panahon. Paglabas mo ng  bahay, ‘di ka pa nakakalayo na babaskil na ang kili kili mo (Baskil short for basang kili kili). Kaya wala ka nang rason para hindi maligo ng tatlong beses, actually kulang pa nga ‘yon. Dahil pag dating ng gabi kung kailan nag tapis na ang araw at dapat nangingibabaw na ang lamig e wala pa ring talab ang naka number 3 na electric fan, kahit standard pa tatak niyan.
     
       Minsan naiisip ko. Kaya siguro nagkakagulo ngayon sa middle east, sobra kasing init. Sumasabay sa init ng panahon ang init ng ulo ng mga tao. Parang niluluto ka sa kumukulong kawali  at ang temperatura ay mainit pa sa hininga ng batang nilalagnat. Ga’non din sa mga driver ng bus sa maynila na sumasalpok sa mga concrete barrier, dahil siguro sa sobrang badtrip. Ang init na nga, traffic pa. Tapos kinokotongan pa sila ng mga enforcer na wala atang pang meryenda at kung ano anong violation nalang ang ipapataw kahit sumusunod ka naman sa batas trapiko.

     Pero ang pinaka nakakainis, ba’t lagi bang nag ba brown out?. At nangyayare pa kung kailan mas kailangan mo ng kuryente?.

Usapan sa kabilang bahay:

Bata: Mama ba’t namatay yung T.V?
Magulang: Walang ilaw.
Bata: Anong walang ilaw? baka walang kuryentw
Magulang: Halika nga ditong bata ka, p^!#$! ka! namimiloso ka pang hayop ka!.

 
      Ewan ko kung ba’t asar na asar ako ngayon pag nag ba brownout. Samantalang ‘nung bata ako, halos mag hihiyaw kami ng mga kalaro ko ‘twing mawawalan ng kuryente sa baranggay lalo na pag gabi. Nandyaan at maririnig mo ang mga sigaw na,
“Yehey walang ilaw! brown out! brown out! 4x”.

       Madilim pero maingay ang paligid. Para kang tumira sa probinsya. Puro kandila lang ang nagbibigay liwanag sa mga bahay. At sikat ka kung kayo lang ang natatanging bahay na may kuryente dahil sa iba nakalinya ang bahay ninyo. Yung mga tao, nasa labas nag kekwentuhan tungkol sa mga nakakatakot. Tapos kami ng mga kalaro ko, dadalhin namin sa pagtulog yung kwento hanggang mapuyat kami sa takot.

        Siguro dahil na rin sa mga maka bagong teknolihiya kaha asar na asar ako ‘twing mag ba brown out.

1.) Mainit, walang electricfan.
2.) Palobat na CP ko. Walang machargan.
3.) Mang iistalk pako kay crush sa fb, walang net.
4.) Manonood pako ng Dolce Amor, walang T.V.

       Iba rin kasi ang impluwensiya ng teknolohiya lalo na ng FB sa ating araw araw na pamumuhay. Matutulog ka na nga lang e ginugulo ka pa ng isip mo na baka nag message si ano, nag comment sa picture ng patay mong kuko si crush o baka may bagong post si crush na ‘di mo na like.
       Sa ayaw man natin at sa gusto. Nakakulong tayo sa mundo ng social media. Nakakaramdam tayo ng inggit at insecurities ‘twing kakaunti lang ang naglalike sa mga ina upload nating pictures samantalang sa iba e umaabot ng libo. Na obvious naman na cleavage lang ang gustong ipakita sa’yo at walang kinalaman at mali mali pa ang grammar at spelling ng inilalagay na quotes sa caption.

Pero teka, lumalayo na tayo.

Balik sa init ng panahon.

Last month lang ng ma beat natin ang pinakamai nit na temperatura sa kasaysayan ng Pilipinas. Sabi ng isang sikat na network, mag dala ng payong o kung maari wag nang lumabas ng bahay. May punto sila. Lalo’t mainit na nga e puro picture pa ng mga kandidatong  naka sabit sa barong barong ang bubungad sa’yo.
    Isipin mo, mag kano rin ang nagagastos ng mga ‘to sa pangangampanya na maari sanang magamit sa mas magagandang programa?. At ang ilan sa mga ‘to ay bumabalik balik na lang sa politika o magkakamag anak.
      Sabi nila, may dalawang uri daw ng political dynasty. Ang una, ang thin dynasty kung saan sunod sunod lang silang tatakbo. Ang ikalawa, ang fat dynasty, kung saan sabay sabay silang tatakbo, tatay, nanay, anak, o apo.
      Sa isang banda, kahit gaano man kaganda ang hangarin ng mga nag haharing angkan o kahit sabihin man nilang tao pa rin ang bumubuto. Mayron pa rin silang nasasaging karapatang pantao: Ang karapatan ng isang indibidwal na mag lingkod sa bayan kahit isang beses man lang sa buong buhay niya.
     
at nasabi sa batas:

” The state shall guarantee equal access to oppurtunities for public service and prohibit political dynasty as may be defined by law”.

Pero mahahabang usapan pa ‘to

Uy buti may kuryente na. Diyan na kayo.