Senaryo sa dyip

I. Pag sakay ko ng jeep at pag bayad ng 20 pesos na buo, walang pakelam ang katabi kong pasahero kahit nag mamakaawa nako’t nakikisuyong iabot ang bayad.

II. Buti may isang ma-kokonsensyang mag abot ng bayad ko sa driver.( Ayaw atang mapunta sa impyerno kung saan mag siswimming balang araw sa dagat dagatang apoy yung mga fans ni skusta clee.)

III. Magtatanong ang driver kung saan yung bente (matagal ko nang gustong sagutin ang loko na kakaabot ko lang ng bente ba’t niya hinahanap. joke). Sasagutin ko na dyaan lang sa kanto ng jollibee. Mag bibilang ng barya si manong panukli. Pero di pa pala manunukli.

IV. Maya-maya matapos ang ilang kanta ni Arianna Grande sa playlist ko. Iaabot na ng driver ang sukli at Oo, wala pa ring pakelam yung putang inang katabi kong pasahero kaya mapipilitan akong i stretch yung braso ko hanggang maabot ang sukli. Pag bilang ng sukli. Kulang. Pero di nako nag rereklamo dahil nakakahiyang ibalik yung sukli sa driver at baka maistorbo yung tarantadong katabi ko sa jeep.

V. Habang bumabyahe at sarap na sarap ka sa pakikinig ng kanta ni Sitti Navarro sa earphone ko, bubuksan ng driver ang component at mag papatugtog ng budots at itotodo ang volume hanggang sa pati earphone ko budots na rin ang napapakinggan ko. Wala nakong magagawa kundi itabi ang earphone at sapilitang makinig ng di kaaya-ayang tugtugin.

VI. Hihinto ang Jeep sa isang traffic light sa bandang pureza. May aakyat na dalawang lalaki. Yung isa bading ata may dalang papel na ewan malabong medical certificate ata. Hihinaan ng driver ang component. Magsisimulang mag salita ang isa habang ipinapakita ang hawak na medical certificate at larawan na nakuha lang sa google.
“Magandang araw po, hindi po kami masasamang tao. Nanghihingi lang po kami ng kakaunting tulong. Yung Nanay/kapatid/tiyahin/tiyuhin/apo/apo sa tuhod/ apo sa hinaharap/ kapatid ni jollibee na pinsan ko po kasi ay itinakbo sa ospital. Mayron po siyang level 100 cancer sa kuko at kailangan pong operahan sa buhok sa kili kili. Imbis po na magnakaw at gumawa ng masamang bagay, ganto nalang po ginagawa namin upang makatulong. Kahit gano po kalaking halaga tinatanggap namin pero siyempre kung mag aabot kayo gawin niyo ng 100 pesos”.

Maaawa ang ibang walang alam. Mag aabot ng pera. Tuwang tuwang baba ang dalawang lalaki. at lilipat sa ibang jeep. Makikita mo uli sila next day, ibang picture naman at ibang sakit naman ang sasabihin.

VI. So lalakasan uli ng driver ang component at mag titiis ka sa budots na torture sa mga eardrums mo. Mga ilang minuto’y  malapit kana sa babaan at sisigaw ka ng para. Sasabihin ng driver na saglit lang at igigilid lang pero ang layo ng pag bababaan sayo. Pwede ka nang sumakay ng jeep uli.

Advertisements

Ang fans at ang boksingero

Sabi ng isang mama sa kausap niya,
“Grabe yung laban ni Manny. Umpisa palang suntukan na.”.

      Tumitigil ang buong Pilipinas kapag may laban si Pacquiao. Halos lahat sinasantabi muna ang kanilang ginagawa, mga barbero, jeepney driver, factory worker o maski holdaper o snatcher ay naka break muna para mapanood kung babagsak ba ang kalaban o mapapabagsak ba siya. Maluwag ang mga kalsada, pwede kang mag drag racing. Naka break rin kasi yung mga motorista. Lahat nasa bahay, kung ‘di sa maliit na t.v, malamang sa gymnasium o covered court. Lahat tulala, walang kumukurap. Sabay sa mainit na hangin ng abril na parang hininga ng batang nilalagnat. Tapos sa round 1 habang tahimik na nakatutok ang lahat sa malaking screen na inarkila ng baranggay, may sisigaw at babanat ng,
“Talo si Pacquiao! Unanimous Descision”.

Minsan naisip ko rin, nahahati ang sambayanan sa ilang grupo.

¤Normal- Mga tamang nuod lang habang tumatagay o kumakain ng kornick. Inienjoy ang napapanood na laban kesyo matalo o manalo man ang pambato.

¤Commentator- Mga maiingay pa kesa sa mga tao sa ringside. Laging may komento tungkol sa mga galaw ni Pacquiao.
Hal.
“Kung inuppercut niya na ‘yon edi sana tapos na sa round 1”.

¤Highblood- Kamag anak ng nasa itaas. Palaging masigaw dahil feeling niya matatalo siya sa pustahan. Parang kasalanan ni Pacquiao kung bakit nag break sila ng syota niya, iniwa siya ng alaga niyang pusa at nakatapak siya ng tae papunta ng gymnasium.

¤Messenger- Heto yung mga taong KJ. Hindi kuntento hangha’t di nila naibabalita na Talo si Pacquiao kahit alas 5 palang ng madaling araw sa Pilipinas at nag wawarm up palang yung mga boksingero.

     Pero ang realtalk, nagiging proud ka lang maging Pinoy kapag nananalo si Pacquiao. Tapos mag popost ka sa FB ng “Congrats Manny, Proud Filipino” na nakasulat sa ingles. Pero kapag natatalo, sinisisi ang mga judges na bias o binayaran. Asan ang pagiging Filipino dun?. Ang Filipino may sportmanship. May iba naman na galit kay Pacquiao, lalo na yung isang komedyante at yung mga fans ‘non. Tandaan, maiintindihan lang natin ang halaga ng isang bagay kapag nawala na ito. Balang araw isasabit na niya ang boxing gloves niya at magtutuloy sa simpleng buhay kasama ang pamilya.

Kaya congrats Manny Pacquiao. Mabuhay ka!.

Ba’t nasa labas ang brief ni Superman

     Bata palang ako mahilig nakong manood ng mga superhero movies. Dati yung erpat ko, umarkila ng complete set VCD ng Superman kung saan si Cristopher Reeves pa ang bida. Ayun yung tipong mamangha ka at maiisip mo na may mga taong nakakalipad pero pag tumanda ka na’t pinanood mo uli yung pelikula, nandyan at sasagi sa isip mo “Ay halatang peke, di nagugulo yung buhok”.
         Fan din ako ni Batman. Ang angas kasi ng mga gadget niya. Yung costume parang rakista, e lumaki pa naman ako sa pamilya ng mga musikero. Gustong gusto ko magkaroon ng mga laruan na batman. Pati poster. Kaso, walang pera si erpat kasi na hold ng chief nila yung sahod. E sobrang mapilit ako. Kaya one time, nagising ako alas 3 ng madaling araw sa ingay na parang may nag dadrawing. Pagbaba ko sa sala. Nakita ko tatay ko, pilit na tinatapos yung drawing na batman sa malaking kartolina. Dun ko nalaman ang tunay na meaning ng pagmamahal.
     At ayun, lumaki na mahilig pa rin manood ng mga super hero movies. Ngayon, paulit ulit sa isip ko, “Ba’t nga ba laging nasa labas yung brief ni superman?.”. Tapos naalala ko, sa pagmamadali, nakakalimutan kong magkaiba pala ng pares ang nasusuot kong medyas twing papasok ako ng school. Baka gan’on din si Superman.

Back to the future: Elementary days

    Ihanda na ang seatbelt, icheck ang flux capacitor at mr.fusion, lilipad na tayo sa nakaraan gamit ag delorean. Ang time destination? 2001. Ang kwento ng aking buhay elementarya.
Ready?.

      Nagising ako sa ingay na gawa ng mga kaklase kong kumakanta ng;
   “Natutulog natutulog si Daney, si Daney, bigyan ng kamote bigyan ng kamote, pampa utot pampa utot”
      Sabay sa palakpak at tawanan. Pasimuno ang adviser namin. Lagi siyang ga’non kapag nakakakita siya ng natutulog sa klase. Maririnig mo nalang na sisigaw siya ng “Okay class stand up and sing my toes, my knees!”. Tapos mag tutuloy sa pagtuturo ng 1 apple plus 1 pineapple equals fruit salad.
        Pag tapos ng math, uupo siya sa likod. Ilalabas ang bag at hahalukayin ang mga supot ng yema na ipapabenta sa leader ng classroom namin. Ewan kung nakakapag patalino ba ang yemang tinda niya pero ang sigurado, tataas ang grade mo kapag ikaw ang pinag tinda at may bonus pang tawag na “Gwapo”.
        Tapos balik turo ng panibagong subject. Haban nagtuturo, nakatingin naman ako sa mga alphabet sa taas ng black board, pag natapos ko na ililipat ko yung tingi sa gilid ng classroom kung saan may poster ng mga pambansang sagisag at good manner and right conduct. Maya maya, tapos na ang subject. Recess.
         Ipapasok yung tray na puno ng paninda, puro junk foods. Malas kapag ikaw ang nasa hulihan kasi kundi nissin wafer, yung maliit na green candy na fresh ang matitira sa’yo. Wala kang magagawa kundi hipan hipan pataas habang nakatingala ‘yon.Pero swerte kung may tindang “Soup” na kadalasan spaghetti at champorado, hanggang ngayon tinatanong ko kung pa’no naging soup ‘yon.
      At balik nanaman sa subject tungkol sa mga weather. Pero ako nag dadrawin sa likod ng notebook. Pagtapos uwian na. Maghihintay sa labas ng gate sa sundo. Yung erpats ko yung sumusundo sakin dati gamit yung bisekleta. Konti palang ang may mga motorsiklo ‘non at wala kaming pambili dahil halos kasing halaga pa ng kotse. Pero may kotse kami.
     Minsan ang sarap ‘din balikan yung nakaraan. Yung tipong solution lang sa 1 apple plus 2 manggo lang ang problema mo tapos galos lang sa paa ang dahilan ng sakit.

Sa ngalan ng Mic

    Isang eksena sa isang birthday party: Sa isang malaking tent na ipinapahiram ng mga politiko, may mahabang lamesa at sa gilid nito ay may mga nag iinuman. Yung isa tamang kanta sa videoke kahit sintunado naman at wala pa sa tono. Tapos maya maya aagawin ng katabi yung mic pag malapit na sa chorus.

      Sabi nila, Pinoy daw ang nag imbento ng videoke. Mali. Ayon sa nabasa kong libro ng history of technology na phase out na ngayon, isang hapon na nagngangalang Daisuke Inoue   at hindi pinoy ang unang naka imbento ng Videoke na nuong panahon na ‘yon ay tinatawag pa lang na “Karaoke” na ang ibig sabihin ay “Kara” o empty at oskesotura “orchestra”. At sa maniwala ka’t sa hindi, naimbento niya ‘to dahil sa katamaran.
      Pero teka nga, ba’t ba humaling na humaling tayong mga Pinoy sa Videoke?. Gaya ng paliwanag kung bakit ang ganda ng boses natin kapag naliligo sa banyo, hindi ko rin alam.
    Sa isang birthday party o binyag, hinding hindi mawawala ang eksenang may bumibirit ng todo sa saliw ng awitin ni Whitney Houston, Regine Velasquez at Fralippo lippi. Sabay sa malamig at nakakapangilabot na gabi lalo na’t pag masakit ang ngipin o ag ulo mo. O ‘di kaya mga lasing na kumakanta ng “Samtayms when we tats….”. Parang hindi kumpleto ang party kapag walang kantahan. Pero minsan dahilan ‘din ito ng gulo gaya ng maalamat na pagkanta ng “My way”, aba goodluck nalang sa’yo. Lalo na pag kainuman mo si Bombom Hernandez.
    Sa dinamirami ng problema sa mundo, ang pang aagaw pa rin ng mic habang kumakanta ang no.1 na puno’t dulo ng gulo. Siguro dahil naiimbyerna sila dahil sa kumakantang sintunado o mga bading na mahilig mag falsetto ng boses para magtunog boses babae. Naalala ko tuloy yung dalawang barkada ko na nagsuntukan dahil nag agawan sa kantang “Magbalik”. Pero isa lang ang masasabi ko. Kailangan na mag patupad ng batas tungkol dito:

“Sa ikapapapayapa ng mundo, ikulong ang mga sintunado.”.

Estudyante blues

    Tapos na ang sem pero ang laki ng iniwang aftershock ng final week, lalo na sa eyebag ko. Ikaw ba naman mag puyat kaka basa e. Pero ito lang ang masasabi ko, kahit gaano ka stress sa school, may mga bagay pa rin na magpapasaya sa’yo. Gan’on naman ang buhay. Minsan masaya, minsan nakakainis. At hetong mga ‘to ang iba’t ibang nalaman at naranasan ko last sem;

1.) Pag nagkayayaang kumaen, mag tatalo talo kung saan kakaen at kung anong oorderin.

2.) May kaklase kang nagiging transformer sa text:
“San ka na?”
“MRT na’ko”
“Naks transformer”.

3.) May mga prof na uubusin pera mo sa dami ng pinapa photocopy.

4.) Mapapadasal ka na sana ‘di matawag ang pangalan mo sa recitation. Lalo na kung ‘di ka nag review at masungit ang prof.

5.) May kaklase kang mahilig mag crossover sa harap mo kahit walang bola.

6.) May kaklase kang hanggang pwet na yung bag.

7.) May mga prof na ang gagaling mag bigay ng mababang grade pero ‘di naman nag tuturo.

8.) Hindi nasusunod yung rules na 5 absent drop. Dahil mas madalas pang umabsent ang prof.

9.) May mga driver ng jeep na kupal at hindi nag susukli ng tama kahit ipagdukdukan mo pa sa mukha niya yung i.d mo.

10.) Sa math, mapalingon ka lang di muna masusundan ang formula.

11.) Pagtapos ng class, lalo na pag maaga ang uwian. Gala mode.

12.) May mga minor subject na feeling major.

13.) Pag Civil engineering/Architech ka, palaging tanong sa’yo “Magaling ka mag drawing?” or “Edi magaling ka sa math?”.

14.) Pag I.T ka or CS, ang tanong naman ay “Marunong kang manghack? hack mo naman wifi ng kapitbahay namin”.

15.) May mga subject na required ang libro pero ‘di naman ginagamit.

16.) Nakakaboring mag seminar.

17.) ‘Twing malapit na mag exam, laging may namimigay na free sample ng shampoo, vitamins at deodorant sa harap ng unibersidad.

18.) May mga buraot pa rin ng papel.

Ang tunay na tagumpay

      Sa kalye papasok sa looban kung saan ako nakatira, may limang magbabarkadang nag iinuman. Yung isa nakasalampak na sa lamesa, lasing na at may kornick pa sa tenga. Papaalis ako ‘non para pumasok na sa school nang harangin ako ng pasimuno, si Rosana. Babae pero sing katawan ni Arnold swachi.. a ewan arnold nalang, basta arnold. Inalok niya ako ng tagay, tinanggihan ko. Tapos humirit nalang siya ng pandagdag sa pamibiling alak. Dahil mabait ako, inabot ko yung sobrang sampumpiso sa pamasahe ko. Tuwang tuwang bumalik sa kinuupuan si Rosanna para makipag tagisan ng tibay ng atay sa mga kainuman. Lumakad nako papasok ng eskwelahan.
     Pagbalik ko bandang hapon, tuloy pa rin ang kanilang inuman. Parang wala na atang talab yung iniinom na Gin. Napadaan ako’t hiniritan nanaman ni Rosana, nag abot ako ng limang piso at lumakad pauwi.
     Kinabukasan. Sa kalyeng ‘yon, may apat na lalaking naka handusay sa sobrang kalasingan at may kornick sa tenga na nilalagay ni Rosanna sa mga napapabagsag niya sa inuman. Si Rosanna, parang.hindi nalasing, tuloy pa rin sa pag inom ng gin habang tinatawanan ang mga kainuman. Si Rosanna na may lolang el shadai.