The Cavity heartbreak

Sabi nila, masakit daw iwan ng jowa. Pero LOL. Mas masakit ngipin ko.

Oo dahil umatake nanaman ang walang hiyang sakit na umaabot hanggang ulo. Naubos ko kasi ang isang balot ng green na Kitkat. Sa tagal ng inilagi ko sa mundo, ngayon lang ako nakakita at nakatikim ng Kitkat na green.

Habang nakahiga ako, unti unti kong naramdaman ang pagsakit ng ngipin ko. E saktong ka text ko si forever na galit na galit na dahil ang tagal ko daw mag reply. E paano ba naman, sobrang sakit na, yung sakit na parang tinutusok ng barrena yung ulo mo. Ngipin lang pero yung sakit hanggang ulo.

Kumuha ako ng malamig na tubig, nag tooth brush, naglagay ng asin at kung ano ano pang payo ng iksperto kong pinsan tungkol sa sakit ng ngipin. ‘Di ko namalayan na 15 message at 5 missed calls na pala ang narecieve ko. Makalipas ang ilang minuto, nawala ang sakit ng ipin. Okay na sana kaso nabasa ko ang text ni jowa;

“ayaw mo magreply aa, K. fine, break na tayo.”.

Advertisements

O pilipinas, mamimiss kita.

Note: Itong blog post na ‘to ay alay sa aking bansa at mga kababayang OFW.

Ang pakiramdam na bukas na ang flight mo papuntang Melbourne. Todo buhos ang emosyon, pero sinasarili ko lang. ‘Di pwedeng panghinaan. ‘Di na pwedeng umatras. Mahal magpa book ng flight.

Ganito pala kapag iiwan mo na yung lugar na kinalakihan. Yung lugar kung saan ka komportable. Yung lugar kung saan, kalahati ata ng buhay mo ay dun mo binuno. Tapos iiwan mo rin yung mga taong malalapit sa’yo. Lalo na yung pamilya mo para makipagsapalaran sa ibang bansa. Nung nagpaplano ka palang, parang nakaka excite pero pag dumating yung araw na kailangan mo nang mag empake ng gamit dahil lilipad ka na bukas, parang ang bigat sa loob. Pero iisipin mo nalang na para sa kanila rin ‘to, kung di mo gagawin, walang ibang gagawa- Nasa Australia na nakatira utol ko, yung Mama ko, matanda na para mag OFW, yung isa busy sa pag aaral ng kung fu at yung ate ko? maagang nag pamilya.

Ganito pala talaga. Kapag lalo mong iniisip na lilipad ka na bukas lalo ka lang malulungot. Maiiwan mo dito lahat- Pamilya, kaibigan, syota, crush, kaklase, paboritong drama rama sa T.V, alagang pusa at pati yung mga taong akala mong ‘di mo mamimiss, mamimiss mo rin e. ‘Di ka panga umaalis, namimiss mo na agad. In short, mamimiss mo ang Pilipinas.

At pag dumating yung araw nang flight mo, ‘dito ka lalong mangangayaw. Kaya pala mas madalas isama ng mga mag iibang bansa yung mga kaibigan nila kesa sa pamilya nila sa airport e dahil baka ‘di nila kayanin at ‘di na sila tumuloy. Bawat hakbang kasi na ginagawa ko papasok ng terminal e parang pabigat nang pabigat. Parang may humihila sakin pabalik-parang ayoko na talaga tumuloy. Ilang minuto kang maghihintay sa loob, sa ilang minuto na ‘yun palang kung ano ano na maiisip mo. Pag nag page na tungkol sa departure, aakyat ka ng eroplano. At pag lumipad na, ‘di ka na talaga makaka atras. Makikita mo na lang sa bintana ang unti unting pagliit ng mga bahay at unti unting pagtakip dito ng mga ulap. Kaya pala sabi nila, ang pagiibang bansa pala ay para lang sa matatapang. Buti nalang medyo natanggal ang emosyon ko nang may magiiyak na bata sa harapan ng upuan ko, nang ngitian ko, bigla akong pinakyuhan. Parang gusto ko siya ilaglag ng eroplano.

 

A shot of courage

‘Nga naman, kung broken-hearted ka o may dinadalang mabigat na problema, malamang ito ang kakailanganin mo-Alak.

Ayon sa isang survey na ginawa ng UP-DOH, heto ang mga dahilan kung bakit tayo lumalaklak.

Socializing 45.5%
Relieving stress 23.8%
Seeking pleasure 17.5 %

Pero may mga tao talagang trip lang uminom ng alak. Yun bang kahit walang okasyon o walang problema e laklak pa rin ng laklak. Sa lugar namin, ordinaryo nang tanawin sa umaga ang isang grupo ng mga mama’. Yung isa sa kanila nakasubsob sa lamesa habang may hawak na bote ng lapad at yung isa naman, nagtatawag ng uwak sa sulok.

Sabi ng commercial ng alak, “drink responsibly”. Siguro tulad ng isang super hero sa mga comics, may matinding responsibilidad ang isang taong lasing. Una, sa sarili. Ikalawa, sa kapwa. At siguro, ang pagiging iresponsable ng isang taong lasing ang dahilan kung bakit meron pa ring mga motoristang nagmamaneho ng lasing na sinusubukan ba kung gaano ba katigas ang poste ng kuryente at concrete barrier. At ang pagiging iresponsable rin ang dahilan kung bakit marami pa ring krimen ang nagaganap dahil sa alak.

Paniniwala ng pilosopong si Aristotle, ang sinumang gumawa ng krimen habang lango sa alak ay dapat parusahan ng dalawang beses, una dahil sa krimen. At ikalawa, para sa kalasingan.

Pero, dapat di lang sa paglaklak inaapply ang pagiging responsable. Dapat siguro ilagay na rin ang mga salitang ito sa commercial ng yosi, “Smoke responsibly”.

Oo, dahil malaki ang nagiging epekto ng isang iresponsableng smoker sa lipunan. Ang basic human courtesy, ay ang pag asta ng tama. Gaya ng pag utot, di mo dapat pinapaamoy ang usok ng yosi mo sa iba. Di mo alam na baka nababadtrip na sila sa’yo o sa mas madaling salita, kung gusto mong mamatay ng maaga dahil sa lung cancer, wag mo nang idamay ang iba.

Medyo napapalayo na tayo kaya balik sa alak.

Nuon pa man ay matindi na ang pagka humaling ng mga pinoy sa alak. Wala pang redhorse, Gilbey’s, Ginebra san miguel at yung paborito ng mga nag lalasing lasingan, ang San Mig light. E meron nang kinaa adikang alak ang mga ilocano na tinatawag na “Basi”. In fact, nagkaroon pa nga ng pag-aaklas nuong 1807 na pinangungunahan ni Tomas Escobedo. Dahil nuong 1786, ipinagbawal ng mga kastila sa mga katutubo ang pag gawa at paginom ng basi, kailangan sa mga tindahan ka lang na pag aari ng gobyerno bibili, at heto ang tinatawag nilang “Basi Revolt of 1807. Ngayon isipin mo kung ngayon nangyare ang pagbabawal ng alak? Baka di lang pag aaklas ang gawin ng mga deboto ng San Miguel.

Siyempre dahil may alak, dapat di rin mawawala sa mesa ang pulutan. Laging magkasama yan. Kumbaga, di kumpleto ang pagkaen mo ng kare-kare, kapag walang bagoong. At kung tatanungin ang mga dakilang manginginom, mas masarap ang mag-inom ng may pulutan. Siguraduhin lang na bubudburan mo ng isang kilong sili ang kung ano mang ihahain mo, nang sa ganon e hindi ubusin ng mga taong pulutan lang ata ang pinunta sa inuman at hindi alak. Pero sa mga lasenggong gipit, kwentuhan lang talo-talo na.

Siguro sa iba, masama ang magiging imahe mo kapag malakas kang uminom ng alak. Pero, nagiging masama lang naman ang imahe ng isang taong manginginom kapag siya ay;

Menor de edad- i mean, gago ka ba? Bata ka pa para diyan. Sabi nga sa kanta “mag softdrinks ka na lang muna”. Pero kung wala ka nang paki sa baga at kinabukasan mo, shot lang nang shot.

Walang trabaho- heto iniisip ko kung saan ba kumukuha ng perang pambili at kapal ng mukha.

May sakit- hindi mo alam kung sinasadya niyang paigsiin ang buhay niya, sana alam niya yung kantang, “sa langit wala ang beer!”

Pero kanya kanyang trip yan, kung gusto mong nag inom, makalimot ng panandalian sa problema o magpakawasak, nasa sa’yo yan. Basta tandaan lang na ilagay sa tiyan at wag sa ulo ang tama ng alak, wag sumuka sa dingding ng kapit bahay, wag mag hamon ng away, wag itext ang ex ng madadramang mensahe at higit sa lahat, ibalik ang bote ng red horse sa tindahan, mahiya ka naman hoy, binabayaran nila yan.

Mga kadalasang matanggap na regalo ‘twing Christmas party

°Damit- Na nabili sa tabi-tabi. Mura kasi at madaling makita kapag nag hahanap ng pang regalo. Kadalasan yung may mga print na kung ano mang uso, aldub man yan o mukha ni kuya Willie.

°Mug- Na parang sinasabi sayo pag natanggap mo na, Sige mag kape ka pa dahil pag tapos ng pasko balik ka na uli sa tunay na buhay, maraming thesis, exams, quiz at kung ano ano pang nagpapalusog sa eyebag mo.

°Wall Clock- Siguro mga boss sa trabaho ang nagpauso nito, palagi kasing late sa trabaho yung mga trabahador nila. O kaya baka sa mag jowa kasi yung isa nawawalan na ng oras.

°Figurine- Kadalasan kung ano yung year, halimbawa year of the monkey. Nung grade 1 nakatanggap ako hindi figurine kundi Kandila ng Cake.

°Picture Frame- Kasi sobrang unique. No words to say basta sobrang unique.

Tinta

Tinta

 

Maraming nagsasabing may pagkakapareho ang istilo namin ng pagsusulat ni maestro Bob.At marami ring nagsasabing gaya-gaya ako ng istilo nila sr.Lourd at sir.Nick joaquin na hindi ko naman maitatanggi.Ayun ang isang problemang hindi matatakasan ng mga may iniidolo,ang tumakas sa anino ng panggagaya.At inaamin ko,Oo.May inpluwensiya nila ang istilo ko.Kasi tingin ko,ayun ako habang pinag-aaralan ko pa kung paano gumawa ng sarili kong istilo.At kahit na nagustuhan ng iba ang mga sulat ko,Tagalog o Ingles e alam kong marami pa rin akong mali dun.At kung meron mang magtatama ng grammar,spelling o format ng sulat ko,ayun ay taos-puso kong tatanggapin.Wala naman sigurong masama sa pagtanggap ng pagwawasto ng iba na mas may alam sa akin sa mundo.At alam kong nagsisimula pa lang ako.noob,rookie,baguhan.Tanggap ko yon.

Tingin ko rin,hindi kailangan ng mataas na pinag-aralan para makapagsulat ka,hindi ito required.Kung gusto mong isulat ang mga saloobin mo na hindi mo masabi,gawin mo.Hindi hadlang ang mababang natapos mo para hindi mo na hawakan ang panulat at hayaang sumayad ang isip sa papel.Marami rin namang mga sikat na manunulat ang hindi nakatapos ng kolehiyo e.

Pero tandaan mo na ang kakayahang makapagsulat ay isang kapangyarihan,At sabi nila kaakibat ng kapangyarihan ang isang responsibilidad.Ihalintulad mo ito sa isang baril at ang mga salita ang bala nito.Tandaan mong salita ang pinakamasakit na sandata na pwedeng gamitin ng tao.Pwede mong ipagtanggol ang sarili mo o ang iba pero pwede ka ring makasakit.At tulad ng baril,nakasalalay yon sa nagmamay-ari o gumagamit.Sa pagsusulat kasi pwede kang maka-apak ng paniniwala at opinyon ng iba.Tandaan mong hindi lahat ng tao pwede mong mapasang ayon,ganon yon.

May nakapag-tanong na rin sa akin kung ba’t daw ba ako nag susulat?.Para magkapera? o para sumikat?.Ang totoo walang gaanong pera sa pagsusulat,di ka yayaman dito lalo kung baguhan ka pa lang.Kung gusto mong magkapera at yumaman,hindi ang pagsusulat ang para sayo.Hindi ka rin masyadong sisikat dito( mas madali ka pa ngang sisikat kung bi videohan mo yung sarili mo habang sumasayaw sa kalsada o nagiinles ng mali-mali)Hindi madaling sumikat sa pagsusulat lalo na kung gagamit ka pa ng pseudonym o hindi love story,fiction,comedy o horror ang genre mo.Walang royalty.Sapat na yung suporta ng mga mambabasa,Kaunti man o marami.Ang mahalaga may nagising kang paniniwala sa isip nila na natutulog lang sa isang sulok ng kanilang utak.