Inaro ta ka

“Karla” “Karla”…

Sunod sunod ang pagbigkas ng pangalan mo. Nananaginip nanaman ako. Masamang panaginip. Unti unti kang lumalayo sakin. Bakit ganto?. Nangangamba ako. Karla.

Sumikat na ang araw. Sumisingit sa maliit na siwang ng kurtina ang sinag nitong gumigising sa aking mga mata. Masamang panaginip. Tagaktak ang pawis. Sa lahat ng mapapanaginipan bakit ayun pa?. Tumungo nako sa labas upang maligo at kumaen. Babalik ako ng Calasiao. Babalik ako ngayon.

Bitbit ang bag na nag lalaman ng mga gamit, dali dali akong tumungo sa estayon ng bus. Saktong may huling byahe pa pangasinan, sumasangayon ata sakin ang tadhana. Pero bakit?. Bakit parang dinadala ako ng paa ko pabalik sa lugar kung nasaan ka ngayon?.

Mag aalas dyes na nang makaalis kami ng maynila, mag aalas dyes na walang mensahe sa cellphone galing sa’yo. Ano bang nang yayare Karla?. Bakit nung huli sinabi mo sakin na tama na? tapos na? kala ko ba magkasama tayong gagawa ng pamilya sa calasiao?. Mayron na bang iba?.

Mag gagabi na nang makarating ako samin. Sinlubong ako ni Papang. Kinuha ang gamit ko’t hinatid ako sa kwarto upang magpahinga. Bukas ko nalang daw gawin kung ano mang sadya ko sa calasiao. Bukas.

Kinabukasan, makulimlim ang langit. May nag babadyang bagyo. Tinatangay ng ihip ng hangin ang mga lumang bandiritas na taon nang nakasabit. Tanda ko pa Karla, ikaw ang tumulong magkabit ‘non. Masaya tayo ‘non. Ewan. Ba’t naman ganto.

Sumadya ako sa inyo. Ngunit pati ang mga kapatid mong sila Hanabishi at Kyowa ay tila ayaw kang pag usapan sakin. Ayaw nilang banggitin sakin kung ano mang nangyayare sayo. Galit ka ba?. Alam kong ‘di na ‘to madadaan sa harana. Pero Karla nag mamakaawa ako.

Lumabas ka nang bahay, kasama ang papa mong si mang Esteban, ni di na siya tumingin sakin para bumati man lang. Dala niya yung malaking maleta habang kasunod ang isang babaen foreigner na hula ko ay yung tinutukoy niyang dating asawa dati. Gusto kitang makausap.

Hinawakan kita sa braso. Nag mamakaawa ako na kahit isang saglit mag usap tayo kung bakit. Bigla kang humarap sakin, lumuluha. Sa una ay tahimik hanggang sa nagkaron ka na ng lakas ng loob mag salita:

“Ayoko na Dane”

Parang gumunaw ang mundo. Mas masakit pala pag harap harapan nang sinabi sa’yo?

“Bakit? may nagawa bako?. Kung gusto mo dito nalang ako. Di nako babalik ng Maynila para mag aral?”

“Hindi to dahil sa’yo. Sakin”

“Bakit? nananawa kana ba?”

“H.. hindi”

“Kinukuha nako ni Mama, isasama ako sa Ontario, Dun nako titira”

“P.. pero Karla naman, pano ako?”

“Ewan ko, pero ngayon palang sinasabi ko sayo na ayoko na. Buo na loob ko. Ayoko na”

Lumakad kana palayo. Parang walang pakielam. Naiwan akong nakatayo. Umiiyak. Nakidalamhati narin ata ang langit. Biglang buhos ang malakas na ulan. Agad kang pinayungan ng mga kapitd mo na maghahatid sa inyo sa Airport.

Pero bago ka umalis, bigla akong sumigaw:

“Pinag laban kita! bakit ako hindi? Naalala mo yung huling sinabi mo sakin nung bumalik ako ng may nila?”

Pero di mo nako pinapansin, tuloy lang lakad niyo.

“Inaro taka!. Mahal kita! Yan ang huling sinabi mo, at ayan ang panghahawakan ko!”

Halos mabulol bulol nako sa pagsasalita dahil sa pag iyak. Basang basa na rin ako ng ulan!

“Maghihintay ako Karla!. Maghihintay ako”

Sumakay na kayo ng taxi patungo sa airport. Kasabay ng pagbuhos ng napakalakas ng ulan ang pagbagsak ng mga luha sakin mata. Napakalungkot ng mga oras na yon. Bakit ganito?. Bakit Karla?

Advertisements

Senaryo sa dyip

I. Pag sakay ko ng jeep at pag bayad ng 20 pesos na buo, walang pakelam ang katabi kong pasahero kahit nag mamakaawa nako’t nakikisuyong iabot ang bayad.

II. Buti may isang ma-kokonsensyang mag abot ng bayad ko sa driver.( Ayaw atang mapunta sa impyerno kung saan mag siswimming balang araw sa dagat dagatang apoy yung mga fans ni skusta clee.)

III. Magtatanong ang driver kung saan yung bente (matagal ko nang gustong sagutin ang loko na kakaabot ko lang ng bente ba’t niya hinahanap. joke). Sasagutin ko na dyaan lang sa kanto ng jollibee. Mag bibilang ng barya si manong panukli. Pero di pa pala manunukli.

IV. Maya-maya matapos ang ilang kanta ni Arianna Grande sa playlist ko. Iaabot na ng driver ang sukli at Oo, wala pa ring pakelam yung putang inang katabi kong pasahero kaya mapipilitan akong i stretch yung braso ko hanggang maabot ang sukli. Pag bilang ng sukli. Kulang. Pero di nako nag rereklamo dahil nakakahiyang ibalik yung sukli sa driver at baka maistorbo yung tarantadong katabi ko sa jeep.

V. Habang bumabyahe at sarap na sarap ka sa pakikinig ng kanta ni Sitti Navarro sa earphone ko, bubuksan ng driver ang component at mag papatugtog ng budots at itotodo ang volume hanggang sa pati earphone ko budots na rin ang napapakinggan ko. Wala nakong magagawa kundi itabi ang earphone at sapilitang makinig ng di kaaya-ayang tugtugin.

VI. Hihinto ang Jeep sa isang traffic light sa bandang pureza. May aakyat na dalawang lalaki. Yung isa bading ata may dalang papel na ewan malabong medical certificate ata. Hihinaan ng driver ang component. Magsisimulang mag salita ang isa habang ipinapakita ang hawak na medical certificate at larawan na nakuha lang sa google.
“Magandang araw po, hindi po kami masasamang tao. Nanghihingi lang po kami ng kakaunting tulong. Yung Nanay/kapatid/tiyahin/tiyuhin/apo/apo sa tuhod/ apo sa hinaharap/ kapatid ni jollibee na pinsan ko po kasi ay itinakbo sa ospital. Mayron po siyang level 100 cancer sa kuko at kailangan pong operahan sa buhok sa kili kili. Imbis po na magnakaw at gumawa ng masamang bagay, ganto nalang po ginagawa namin upang makatulong. Kahit gano po kalaking halaga tinatanggap namin pero siyempre kung mag aabot kayo gawin niyo ng 100 pesos”.

Maaawa ang ibang walang alam. Mag aabot ng pera. Tuwang tuwang baba ang dalawang lalaki. at lilipat sa ibang jeep. Makikita mo uli sila next day, ibang picture naman at ibang sakit naman ang sasabihin.

VI. So lalakasan uli ng driver ang component at mag titiis ka sa budots na torture sa mga eardrums mo. Mga ilang minuto’y  malapit kana sa babaan at sisigaw ka ng para. Sasabihin ng driver na saglit lang at igigilid lang pero ang layo ng pag bababaan sayo. Pwede ka nang sumakay ng jeep uli.

Ang magnanakaw

Panay ang tingin sa bawat pasaherong umaakyat sa Bus. Wala pa ring mapili.
Ilang minuto na siyang sakay ng sasakyan
at tila nag dududa na ang drayber at kunduktor. Mga ilang minuto pa’y huminto ang bus sa isang estasyon sa cubao. Nag si akyatan ang mga pasahero. Aligid ang kangyang tingin. Nag babakasakaling may mahalagang gamit na maitatakbo.

Sa wakas!. Isang lalaking tisoy na may bitbit na bag na mukhang mayaman. Alam niyang mamahalin ang mga laman nito. Sa tagal ba naman niya sa ganitong trabaho, kabisang kabisa na niya ang bawat bagay na laman ng bag ng kanyang mga bibiktimahin. Lumapit siya paunti unti. Singit sa mga pasaherong nakatayo sa estribo. Maya maya’y nasa  likod na siya ng lalaki.

Huminto uli ang bus sa estasyon sa tapat ng isang mall sa EDSA . Bumaba ang ibang pasahero kasabay ng lalaking bibiktimahin. Sumabay na rin ang kawatan. Pagkababa’y hablot sa bag. Sigaw ang lalaking tisoy: “Magnanakaw!”.
Kumaripas ng takbo ang magnanakaw. Mala-palos. Gulantang ang ibang naka kita sa pangyayare. Ang iba’y naki habol upang tumulong.

Hingal ang magnanakaw habang patuloy na tumatakas. Naki habol na rin ang mga pulis at baranggay tanod. Sa pagtakas ay natalisod ang gago. Salubsob sa mga tindang pekeng relo sa bangketa. Dali-daling tumayo ang kawatan ngunit huli na. Nasa harap na niya ang mga humahabol. Pag angat ng mukha’y sabay tadyak at suntok ang inabot ng tatantado. Mga ilang suntok at tadyak pa’y dinala na ang magnanakaw sa presinto.

Sa harap ng matabang pulis na kumakaen ng donut habang nag susulat sa log book, nakaupo ang magnanakaw. Puro pasa at black eye. Kanina pa hinihintay ang lalaking tisoy na ninakawan ngunit hindi na pumunta sa presinto. Dahil sa inip, binuksan na ng isa sa mga pulis ang bag. Abot tenga ang ngiti dahil malamang sa kanila nanaman mapupunta ang laman ng bag. Pag kabukas na pagka bukas ay agad itinapon ito ng pulis sa magnanakaw at sabay sapak sa mukha.
Laman ng bag ang daang daang pekeng DVD na puro gay porn.

Takbo

AdobePhotoshopExpress_3a59cf1bf598457d9b7bbf1b26fc657b.jpg

I.
Hakbang. Hinto. Ubo.
Hakbang uli. May natapakang kung ano.
Tingin: Kalderong may lamang patay na pabo.
Tuloy ang lakad.

II.
Lakad. Lakad. Tigil.
Sa di kalayuan may anino ng kung ano.
Lapit ng kaunti. Tanaw.
May mamang may dalang itak.
Tago.

III.
Sa pag tago, natabig ang bote ng toyo na kakalatkalat.
Ngayon ang mama ay naghahanap.
Lingon lingon. Hanap doon. Hanap dito.
Maya maya’y papalapit na sa’yo.

IV.
Wasiwas ang itak habang sambit ang salitang: Nariyan nako!.
Napa mura ka sa sobrang takot:
Tang ina mo!
Karipas ng takbo. Mas mabilis pa sa alas kwatro.

V.
Kasunod pa rin ang mamang may dalang itak na mabilis din ang takbo.
Napadasal ka na sa lahat ng santo.
Takbo. Takbo. Takbo.
Duguan na ang paa sa mga tumusok na mga basag na basyo.
“Tanginang ‘to” ang sambit mo.

VI.
Lingon. Hanap. Wala na ang nag hahabol na mama.
Baka na bubog ang gago o napagod at nag pahinga na.
Pagod kana rin. Kanina ikaw ang hinahabol. Ngayon ikaw naman ang naghahabol- ng hininga.

VII.
Tumaas ang balahibo pagkaraang makarinig ng kung ano.
Sa mga nag kukumpulang halaman may nilalang na nag tatago.
Pigil ang hininga. Hintay.
Kaba. Kaba. Kaba.
Ayan na!

VIII.
Lumabas mula sa halaman ang mamang may dalang itak. Sigaw. Mura.
Nag salita ang mama.
“Sutil kang bata ka! sinabi ko bawang ang bilhin mo! hindi boy bawang! pano ko ipang gigisa ‘to! Siraulo ka!”.
Karipas ng takbo. Malayo sa amang hindi pala itak ang dala, kundi patpat pamalo.

Gusto ko nang lumipat, bow

Isa isa nang nag sisilipatan ‘yung mga classmate ko. Ako stuck pa rin dito. Dito lang ata na inaabot ng isang taon bago mo makuha mga papeles mo e. Shit!. Isang sem nanaman kami mag kikita ni Prof. Panot.
Matagal ko na balak lumipat. Hindi sa naninira ako ng paaralan. Sa dami ng mga classmate kong nag si pag drop at nag si transfer? let it speak for itself. Ewan aa. Pero, ang tagal na ng nilagi namin dito pero kakaunti palang ang natututunan namin. Ikaw ba naman mag karon ng prof na puro sermon at basa lang ng libro e. Ni isang beses ata ‘di ko nakitang tumayo sa monoblock na upuan at nag lesson si sir. Panot. Sa school pa naman na ‘to, paulit ulit lang yung mga professor. Kung sino prof mo last year sa Math 1? siya rin magiging prof mo sa Math 2, 3 at 4.
Para kaming nasa Pinoy big brother. Unang nawala si Rachele. First sem palang natapos nag drop na. Hirap ata sa sistema ng enrollment na natatapos ng 2 to 3 days at grade na makukuha kapag tapos na ang susunod na sem. Sunod si Steph at yung dyowa niya. Sabi niya ‘di niya daw gusto yung pamamalakad. Ang daming iregularidad. Tapos si Shaina na kinausap pako kung gusto ko lumipat para makasabay na. Pero sabi ko saka na. Ngayon nag aaral siya sa Pasig ng Nursing at chinachat niya ko kung kumusta nako at ang magaling naming eskwelahan. Sabi ko ga’non pa rin.
Ngayon si Eres. Yung katulong namin gumawa ng plates lumipat na rin. Iiilan nalang ata kami natitira. Nag paplano pa sila jenny, juner at John Rey. Sabi ko isabay na nila ako. Pero kaka enroll ko lang ng isa pang sem. Ano kayang mang yayare?. Uso pa naman yung mga nag papasabog ng bomba sa Quiapo.
Abangan nalang natin.

Noise

I. Here i am. Far from the concrete jungle of Manila. Far from the ear-wrecking noises of jeepney’s stereo that play songs of Air Supy and Renz Verano. Far from Stereo blasting Neighbors. Far from the noise polluted place that i ever known.

Nowdays, no places or ocasions can be considered quiet. ‘Quiet’ for the millenials is an imaginary word. There are spaces inside our brain that needed to be filled with music, it has some neurons that command us the necesity of sound in everything we do. Everyday is a day full of decibels piercing straight to our ear drums. The shout of someone bad mouthing their neighbor, the beep of our cellphones when someone is calling, the siren of some random emergency vehicles passing by and even the cry of an infant.
Tell me a moment in your life when you’re doing something without listening to your favorite songs. Even when you’re broken hearted, you feel some comfort when your earphone is plugged in into your ear while your favorite song like “i’ll never go” speak to yourself.

What is holy week for the people who grew in 2000’s?. A week filled with noises of lenten special television shows? or static of a microphone from someone rapping the lyrics of pasyon?. Maybe in 80’s or 90’s, silence is a big word but now?, every day is a fiesta filled with sound, songs, music and decibels even in the days where silence is a big part of the ocasion: holy week and all saints day. Expect someone in your neighborhood turning on their sound system and blasting its volume up to 10. But maybe partying is their kind of being spiritual.

The days like christmas and new year’s eve are not complete without music. Songs of Jose Marie Chan are playing in every shopping mall. Music from international and local hiphop and pop stars are conquering the minds of every teen playing their songs in their house even the lyrics are explicit.

II.  Being Noisy in elementary and highschool  days is considered an undesciplined act. But I’m too young to understand that. Now, it shed light to my consiousnes why Mrs. Tuazon, our grade 6 adviser pinch us in the ear everytime she hear us talking about the latest dance craze of Mark Herras on S.O.P.

The murmurs we hear is a distraction in our mind to do our job properly and that’s the biggest problem of many teachers like Mrs. Tuazon. How can someone teach something if their student is busy talking to their seat mate about the lovelife of Kris Aquino?. I even understand why they pinch us. It is the noise and uhm, Krissy?.
III. But noise is a part of life. Nothing is quiet even inside the church or cemetery.  Have you seen a mass without a choir? or people visiting their love ones in the cemetery talking, singing or even playing music from their portable speakers?.
I’m writing this thing and there’s no minutes passes without hearing some motorcycle’s engine noise roamong into my brain.
Maybe the world really is noisy and that silent is just a word.

Nang magkasala ang anak ng hari

Ikaw ay nag kasala,
at dapat mo itong panagutan
masakit man sa’kin,
tungkulin bilang hari’y kailangang gampanan

Ang batas ay batas,
walang sino mang makahihigit dito
miski ako na ama mo
Patawarin mo sana ako,
Kung mas pinili ko ang kapakanan ng nakararani kaysa sa’yo.

Ilang minuto nalang,
at ang talas ng latigo ng tiga parusa ay dadampi na sayong mga balat.
Bawat latay at sigaw ay parang sibat na tumutusok saking puso.
Sa pagtapos nito at sa araw pa na daraan,
Hihilingin ko kay bathala ang iyong kapatawaran