Sa probinsya walang wifi, pero…

 

 

 

Sa ilalim ng mayabong na puno ng mangga di kalayuan sa baybayin, umupo ako’t nag pahinga. Kakatapos ko lang mag kayod ng niyog na gagamitin sa pag gawa ng tupig. Sumunod ang aso naming si MaƱago na itinulad ko ang pangalan sa apelyido ng teacher namin sa P.E nuong highschool. Umupo sa tabi ko’t mahimbing na natulog. Tumingin lang ako sa malayo at malalim na nag isip.

Ika-apat na linggo na ng bakasyon namin ngayon. Malamang pag tatawanan ako ng mga kaklase ko sa pasukan dahil ang itim na ng balat ko. Pero ano?. Atleast na enjoy ko ang bakasyon ko dito. Medyo ma bo-bored ka lang dahil malayo ang mall, bihira ang mga comp shop at wala ring cable t.v. Buti nalang nagka free data na sa Pilipinas kaya anytime pwede kang mag online kaya pwede mo nang iupload ang kahit anong walang kwentang bagay na piniktyuran mo gaya nitong inupload ko:

 

Use data to see photos

 

Pero actually. ‘Di mo naman kailangan ng wifi o data para malibang e, kung ugaling tao ka lang at marunong kang makipag kapwa. Ako kahit pabalik balik ako dito galing sa Maynila, hindi ko nakakalimutang kumustahin ang mga barkada kong sina Hanabishi at Kyowa. (nabanggit ko na sila dito dati. Magkapatid na ipinangalan sa appliances dahil akala ng tatay nilang si mang esteban, pangalan ng anime ‘yon). Maglabas lang si Kyowa ng gitara at kape, masaya na kaming aawit ng kantang “ang tangi kong pag-ibig” sa may beranda ng bahay nila habang nakadungaw yung kapatid nilang kababata ko kaya tuwing ga’non parang laging may nanghaharana sa kanila. Minsan nag kikwentuhan pa kami. Gustong gusto nilang marinig ang pasalubong kong kwento galing sa Maynila. Tingin nila sa’yo, ang astig mo pag doon ka nag aaral. Pangarap pa naman ng dalawang mag kapatid na doon na mag trabaho. Silang dalawa lang ata yung kilala kong hindi nangarap makapag aral sa maynila. Gusto nila trabaho agad. Akala siguro nila ga’non kadali ‘don. Sentro kasi ng komersyo pero ‘di nila alam, sentro rin ng tinatagong kahirapan ng bansa.

Bakit ba kasi ang daming nag sisiksikan sa Maynila. Kahit saan ata, mayron at mayroon kang makikitang nakatira: Sa gilid ng riles, sa bangketa malapit sa paaralan o kahit sa ilalim ng mga tulay. Ang lawak lawak ng probinsiya e. Ang lilibog pa naman ng mga ‘to, di kontento sa isang anak. Bawat isang mag asawa, may walong anak. Yung mga anak pa mag aasawa at mag aanak ‘din ng walo. Hindi ‘yon aalis sa poder ng magulang at mag sisiksikan sila sa masikip na tagpi-tagping bahay sa gilid ng riles kung san dumadaan ang tren ng PNR. Pag dinemolish ng gobyerno, sila naman ‘tong galit na mambabato pa ng tae sa mga pulis at nag dedemolish. Haharap pa sa Camera ng media na nag ko cover sa pangyayari at sasabihin:
“Maawa na kayo Mr. president. Bakit hindi yung mga kriminal pag balingan niyo ng pansin!”

‘Diba?. Nakaka stress?. Habang kinikwento ko yan sa dalawang mag kapatid na sina Hanabishi at Kyowa. Parang unti-onti na silang umaayaw lumuwas ng maynila at mag tanim nalang dito sa Calasiao. Mabuti pa dito sa probinsya. Walang wifi. Kaya malayo ang utak mong makabasa ng mga maling impormasyon tungkol kay Aquino at Marcos. Ang tagal na ng isyu na ‘yun e. Dapat sa mga trolls sa internet manahimik nalang at wag nang mangalat ng maling impormasyon. Ang mga ka henerasyon ko pa naman ngayon, makabasa lang ng post sa fb tungkol sa history, pinaniniwalaan na. Hindi muna mag research kong totoo ba ang binasa. Tapos mag yayabang na pro ganto ako, anti ganto ako kasi may nabasa ako. Parang kala mo may Phd na sa History e. Sarap batukan.
AdobePhotoshopExpress_62f4cc76c25b46dda4183d5f81d2e96b.jpg

 

 

 

 

Advertisements

Dito po sa amin, baley na Calasiao

Nagkatay ng baboy si papang para ipanghanda sa pista. Di ko alam kung masasayahan ako o magagalit dahil ayun yung alaga kong baboy na pinangalanan kong dorothy bago ako lumuwas ng Maynila para mag aral ng Civil Engineering. Sa labas ng bahay, naghihiwa ng gulay na pang sahog ang magkapatid na sina Hanabishi at Kyowa. Oo magkapatid na ipinangalan sa Appliances. Akala siguro ng tatay nilang si Mang Esteban na pangalan ng anime ‘yon. Bihira lang kasi ang may telebisyon dito dati nung di pa nauuso yung internet at di pa pinandidirian ng mga snatcher yung Nokia.

Sa bandang kalsada, nakita ko naman si Karla na tumutulong magkabit ng bandiritas. Si Karla na diyosa sa paningin ko. Tinutulungan niya yung tatay niyang si Mang Esteban na nagsasabit ng bandiritas sa mga dingding ng bahay. Minsan iisipin mo na ampon niya lang si Karla dahil ‘di niya hawig. Pero nung nakilala ko yung Asawa ni Mang esteban na Canadian Citizen, e makukumbinsi ka na sa mama niya lang talaga nag mana. Paglakad ko bigla akong binati ng kapit bahay namin at inabutan ng isang basket na gulay, iabot ko daw kay papang. Ganito sa probinsya bigayan. Walang inggitan. Sabi nga, kung di ka mapili sa kakainin, di ka magugutom dito. Ayaw lang ng mga tiga maynila sa probinsya dahil malayo sa Megamall at tatawid ka pa ng bundok para makasagap ng free wifi at free data.

Umupo ako sa isang maliit na silya na gawa sa kawayan. Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. “Huy, manila boy. Nang iinsab ka na aa.”. Si Karla, may dalang dalawang tasa ng kape. “O, tara kape tayo”. Inabot niya sakin yung tasa. Natuwa ako. (Di joke lang kinilig talaga ako.) Humigop siya ng kape pagtapos ay nagtanong.

“Sarag toy mantepet?”

“Oo naman”.

“Kumusta ka sa maynila?”.

“aaa… ayos lang. Masaya”.

“Aa kaya pala nakalimutan mo nakong kumustahin e.”

“Ha!? di aa. Masaya pero mas masaya dine. Lalo na pag kasama kita”.

Bigla siyang ngumiti tapos nag salita.

“Buhusan kaya kita ng kape diyan, nambola ka pa. Utut mo!”

Nagtawanan kami ng malakas tapos biglang tahimik. Matagal bago siya nakapag salita uli.

“Madaming magagandang babae ‘dun”.

‘Di ko alam ang isasagot ko. Bigla niyang sinundan ng, “Pero may tiwala ako sa’yo”. Sabay dantay sa balikat ko. Matagal din bago kami nag kita muli. Ilang buwan. Akala ko nga ipinagpalit niya na’ko. ‘Di pala. At ngayon nawala ang stress na gawa ng school life dahil katabi ko na muli ang babaeng nagpapawala ng lahat ng pagod, sakit at insecurites ko sa katawan. Alam kong ilang buwan nanaman kaming ‘di magkikita dahil maigsi lang ang bakasyon. Pero sa ngayon. Eenjoyin ko muna. Tinignan niyako sa mata sabay sabing;

“Inaro ta ka.”.

Sinagot ko siya ng “I love you too”.

Lumabas si Papang, may dalang platito na may lamang mechado. “Hoy! lovers in paris, mamaya na yang moment niyo tikman niyo muna ‘tong niluto ko”. Inilapag ni Karla ang tasa ng kape at inabot ang platito tapos sumandok ng konti at isunubo sakin. “Ano masarap?” Tanong ni Karla at ni Papang. Mangiyakngiyak ako sa inis dahil ang sarap ng luto ni papang sa alaga kong baboy na si Dorothy.