Eskwela

 

Tangan ang bag na naglalaman ng kaunting aklat at iba pang gamit pang paaralan, tinungo ko ang daan patungong sakayan ng dyip. Mag aalas-syete na noon ng umaga at kaunting oras na lang ay mahuhuli na ako sa klase. Masungit pa naman ang propesor ko sa unang subject na si Gng. Tabana na nagtuturo ng Filipino sa wikang ingles. Ibang klase pa namang propesor si Gng. Tabana. Siya ang kinakatakutan ng lahat ng department ng college. Dati siyang dean ng College of Liberal Arts ngunit natanggal dahil sa sobrang kasungitan. Siya lang ata ang propesor sa Pilipinas na strictly english-only ang linggwaheng gagamitin kapag  klase niya-take note, Filipino ang tinuturo niya samin. Nag tatagalog lang siya pag galit at mambabara.
“Mr. Andrade, would you please tell us your reason why you’re late?”
Yan ang unang bungad ni Gng. Tabana gamit ang pimipiyok na boses na parang galing sa kung saan man. Para akong batang iniwan ng magulang sa gitna ng grocery store-di alam ang gagawin. Halos buong klase ay nakatingin sa akin. Pigil ang tawa dahil konting bungisngis lang ay sila naman ang pag iinitan ni Gng. Tabana.

“Ah. Ma’am”
Dali dali akong sumagot ngunit ‘di ko alam ang idurugtong dahil kahit ano mang sabihin ko may salita siyang ipang kokontra sakin.

Heto ang mga naisip kong pwedeng idahilan at ang maari niyang isagot.

“Traffic po e”
-Aah traffic? alam mo namang traffic e, bakit ‘di ka gumising ng maaga para maaga kang makaalis at di abutan ng traffic?.

o kaya:

-May bago ba ‘don? lagi naman traffic sa maynila e.

“Wala pong masakyan”
-Bakit strike ba? wag moko pinag lololoko iistrikin ko mukha mo!.

o kaya

-Wala ring masakyan grade mo e.

“Ngayon lang po ako nagising. Napuyat ho kasi kagabi kakagawa ng project sa Integral”

-Aa ganon?. Sige, pagpuyatan mo rin kung pano mo ipapasa tong subject mo.

Ganyan si Gng. Tabana. Para kayong naglalaro ng chess at alam mong ikaw lagi ang talo. Ewan pero dahil sa wala nakong naisip. Napasagot ako.

“Kapag na late ka ba ma’am, tinatanong ko rin kung anong dahilan?”

 

 

 

 

C__Data_Users_DefApps_AppData_INTERNETEXPLORER_Temp_Saved Images_12311115_923830777685552_4914608333337244557_n

How I won the war

If fighting in a war against my inner self for being a lazy bastard is considered to be an honorable activity, i maybe become atleast a corporal now. Yes, you’ve read it right. I’m a lazy bastard: picture someone chubby, laying on a couch with a pack of jack ‘n jill nova on his hand while watching Ancient Alien on History channel, that’s the best representation of me. I don’t know why, but after the last day of semester, i always had this urge to stay in the couch all day doing nothing. I even joked my mom that she needs a surgeon to help me get this couch surgically remove from my body.
As far as i remember, i promised myself to be a responsible human being this summer: Go to somewhere else like Makati or Taguig and find a summer job so that i can pay all my expenses without asking my brother in Australia to send money so i can pay those bills. But i guess,¬† promise were meant to broken. It is the 2nd week of summer and still i’m laying in the couch watching Anthony Burdain: Parts unknown.
Of course, i don’t want to be a useless piece of crap all my life. I wanted to do something. Something that can make my Mom and my brother proud. So i carry my lazy-ass up, and head to the kitchen to do the dishes. I make sure that no one is at home, i don’t want my relatives to see me doing choires, they’re all bully, bragging like: “Whoa! sa wakas, sinipag ‘din ang walang hiya!”. And off course “kasipagan” are hard to come by these days.
After the dishes, i do the laundry, swept the floor, changed the sofa cover and fix the t.v anthena. Out of tiredness, i fell asleep on the couch. Minutes later, i woke up in the shout of my mom;

“Sutil ka talaga! nakahiga ka nanaman dyan! ‘di mo gayahin ate mo, naglinis ng bahay, naglampaso, nag hugas ng plato, nag laba at nag palit pa ng cover ng sofa! Magbago bago ka nga”.

But atleast, i won the war. I won the war against my inner lazyness. I’m happy to be this useful human being even for a day. If my mom could only knew.

Kwentong chalk

      Nag susulat ako ngayon dito sa kinalakihan kong lugar sa bayan ng Calasiao. Gamit ko ‘tong mongol na lapis naipinahiram ng pamangkin kong nag aaral sa elementarya, naubos na kasi yung binili kong my gel na ballpen dahil ginagamit ko sa pag do drawing. Tapos minsan pag nahuhulog sa lapag habang nagkakalase e nawawala agad kahit isang kurap lang.

     Kumalakalam na ang tiyan, pawis ang kamay panulat, may punto pang tinanong ako ng pinsan ko kung nasa tama pa ba akong katinuan dahil naka tingin lang ako sa kawalan habang nagiisip ng idea. Hindi ko siya nasagot. Ang tanging nasa isip ko lang ‘non ay ang paghuli sa mga nagliliparang salita na iaayos at isisiksik ko sa kamalayan ng mga makakabasa. Sa pag dampi ng lapis sa sinusulatan kong papel, bigla biglang may bumalik na ala ala sakin. May mga bagay talaga na parang time-machine na ibabalik ka sa nakaraan.

       Para tuloy akong estudyante ulit sa elementarya na pinapasulat ng teacher sa kwaderno. Kahit sobrang tagal na ng mga nangyare nuong elementary at highschool palang ako, parang lahat ng nakaraang ‘yon ay kahapon lang naganap at tingin ko, masarap din pala talagang mag review:

                  “Estupidyante”

       Sa totoo lang, hindi ako naging mabuting mag aaral dati. Parang gusto kong ikahiya ang dating sarili ko dahil nagawa kong i take for granted lang ang libreng edukasyon nuon. Masyado pa kasing bata ang isip ko na ang hangad lang sa isang araw ay ang matapos ang ipinapagawa ng guro sa notebook na ipapasa bukas para makapag laro na ng teks sa labas. Hindi ko man lang naisilid sa utak ko ang ibang turo na ngayon ko lang nalaman na may halaga pala talaga (Gaya ng lesson kung pano mag saing: di talaga ako marunong, swear).
       
       Ngayon medyo nag matured na ang isip ko tungkol sa mga bagay sa mundo. Maraming eskwelahan sa Calasiao ang kulang sa classroom: pero di ko naisip yun dati kahit 70 kaming estuyante ang nag sisiksikan sa isang silid. Araw araw kang makikipag agawan ng upuan, araw araw paunahan kahit ilang kilometro ang layo ng eskwelahan sa inyong bahay. Swertihan na kahit upuang walang armchair ang mapunta sa’yo. Atleast ‘di ka tatayo buong maghapon at pagkamalang pinatayo ng adviser dahil unang una sa listahan ng “Noisy”.

       Swerte na rin na hindi na namin kailangan pang tumawid ng ilog at bundok para marating ang paaralan. Kahit malayo, may mga pumapasada namang sasakyan na duon ang daan. ‘Yun nga lang, inaabot ng 1 hanggang kalahating oras ang biyahe. Sama mo na ‘don ang alikabok at pawis na matatanggap mong regalo sa biyahe. Elementary palang ‘yan. Dahil minsan magkahiwalay ang paaralan ng highschool at elementary, kaunti lang kasi ang silid aralan kaya hindi kaya ng school administrator ang magbigay ng highschool sa paaralan. Matagal nang problema ‘to ng Calasiao pero ‘di pa rin nasusulusyunan.

       Sa dami ng mga estudyanteng nag aaral taon taon, bakit parang hanggang ngayon ay problema pa rin ang kakulangan ng pondo?. Maraming mag aaral ang gustong makatapos at maka tungtong sa kolehiyo, marami sa mga gumagraduate ng highschool ay valedictorian na hindi na nag tutuloy sa kolehiyo dahil sa kakapusan, maraming nagtutuloy sa kolehiyo ang nag sasanla muna ng lupa, matinding sugal sa kanilang magulang kung makakatapos ang anak at makakuha ng magandang trabaho sa maynila (Kung mayroon man) at matubos uli ang isinanla o mag gagago lang at magiging adik sa kongkretong gubat ng maynila.

        Naalala ko, 70 kaming estudyante nuong unang pasukan. 57 lang samin ang naka upo, kasama na ‘don ang mga nakasalampak sa sahig. 42 lang ang may mga bagong notebook at gamit, ang ilan sa kanila ay pinag lumaan nalang ng mga nakatatandang kapatid. Swerte ko, kasi kahit papaano nabibilihan ako ng bagong notebook samantalang yung kaklase ko humihingi lang ng pilas ng papel para masulatan. May punto pang binilhan siya ng guro namin ng 3 notebook dahil porsigido siya sa pag aaral. 70 kaming estudyante pero ‘nung tumagal naging 52 nalang kami. At isa lang ang tinuturong dahilan-kakapusan.

     Sabi sa balita, sapat ang pondo para sa edukasyon. Pero bakit parang hindi masyadong nakararating ang pondo sa ibang lalawigan?. Kung totoong sapat amg pondo, bakit may mga documentary pa rin na nagpapalabas ng problema sa edukasyon sa bansa?. ‘Yan siguro ang kinahihinatnan ng malong prioridad.