Ang magnanakaw

Panay ang tingin sa bawat pasaherong umaakyat sa Bus. Wala pa ring mapili.
Ilang minuto na siyang sakay ng sasakyan
at tila nag dududa na ang drayber at kunduktor. Mga ilang minuto pa’y huminto ang bus sa isang estasyon sa cubao. Nag si akyatan ang mga pasahero. Aligid ang kangyang tingin. Nag babakasakaling may mahalagang gamit na maitatakbo.

Sa wakas!. Isang lalaking tisoy na may bitbit na bag na mukhang mayaman. Alam niyang mamahalin ang mga laman nito. Sa tagal ba naman niya sa ganitong trabaho, kabisang kabisa na niya ang bawat bagay na laman ng bag ng kanyang mga bibiktimahin. Lumapit siya paunti unti. Singit sa mga pasaherong nakatayo sa estribo. Maya maya’y nasa¬† likod na siya ng lalaki.

Huminto uli ang bus sa estasyon sa tapat ng isang mall sa EDSA . Bumaba ang ibang pasahero kasabay ng lalaking bibiktimahin. Sumabay na rin ang kawatan. Pagkababa’y hablot sa bag. Sigaw ang lalaking tisoy: “Magnanakaw!”.
Kumaripas ng takbo ang magnanakaw. Mala-palos. Gulantang ang ibang naka kita sa pangyayare. Ang iba’y naki habol upang tumulong.

Hingal ang magnanakaw habang patuloy na tumatakas. Naki habol na rin ang mga pulis at baranggay tanod. Sa pagtakas ay natalisod ang gago. Salubsob sa mga tindang pekeng relo sa bangketa. Dali-daling tumayo ang kawatan ngunit huli na. Nasa harap na niya ang mga humahabol. Pag angat ng mukha’y sabay tadyak at suntok ang inabot ng tatantado. Mga ilang suntok at tadyak pa’y dinala na ang magnanakaw sa presinto.

Sa harap ng matabang pulis na kumakaen ng donut habang nag susulat sa log book, nakaupo ang magnanakaw. Puro pasa at black eye. Kanina pa hinihintay ang lalaking tisoy na ninakawan ngunit hindi na pumunta sa presinto. Dahil sa inip, binuksan na ng isa sa mga pulis ang bag. Abot tenga ang ngiti dahil malamang sa kanila nanaman mapupunta ang laman ng bag. Pag kabukas na pagka bukas ay agad itinapon ito ng pulis sa magnanakaw at sabay sapak sa mukha.
Laman ng bag ang daang daang pekeng DVD na puro gay porn.